Pagsusuri sa pelikulang Heneral Luna gamit ang teoryang pormalistiko ng mga piling mag-aaral ng College of Science and Education sa University of Rizal System, Tanay Campus /

Amo, Loremae Alvasan,

Pagsusuri sa pelikulang Heneral Luna gamit ang teoryang pormalistiko ng mga piling mag-aaral ng College of Science and Education sa University of Rizal System, Tanay Campus / Loremae Alvasan Amo, Lesly Berso Bernaldez. - 2019 - xiii, 72 leaves : illustrations (some colour) ; 28 cm

Thesis

Includes bibliographical references.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa ekstent na pagsusuri ng pelikulang Heneral Luna gamit ang Teoryang pormalistiko ng mga piling mag-aaral sa College of Science and Education, URS-Tanay taong panuruan 2017-2018. Ang mga tagatugon ay binubuo ng isang daan at pitumpu't tatlong (173) mag-aaral mula sa iba't ibang kurso ng Kolehiyo. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pamamaraan na deskriptib o palarawan, dahil sa primaryang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang ekstent sa pagsusuri ng pelikulang Heneral Luna. Ang pangunahing instrumento upang makalikom ng datos ay ang pagsusulit na inihanda ng mga mananaliksik at ibinalido ng mga guro sa Filipino. Ang estadistikang ginamit ay mean, frequency at percentage. Mula sa nakalap na datos, ang mga sumusunod ay nakamtan: Ang mga tagatugon ay nakakuha ng mataas na pagsusuri sa Tauhan, 1.9 Good at 1.4 Very good naman sa Simbolismo. Samantalang nakakuha naman sila ng medyo mababang pagsusuri sa Tema, 2.5 o Fair, gayundin sa Pananaw, 2.7 o Fair at maging sa Banghay 2.6 o Fair. Ito ay nagpapakita lamang na kailangan pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral at guro ang pagsusuri sa pelikula. Ang mga tagatugong lalaki at babae ay parehong may natamong mataas na resulta. Ang may edad naman na 17-19, ang nakatamo ng napakataas na resulta sa aspetong Simbolismo. Ang may kursong Bachelor of Secondary and Education(BSE) naman ang nanguna sa may pinakamataas na resulta sa aspetong Simbolismo. Ang may sibil na katayuang walang asawa naman ang may higit na persepsyon sa aspetong tauhan at simbolismo. Ayon naman sa pang-ilan sa magkakapatid, ang una, ikaapat at ikalima ang may pinakamataas na persepsyon sa aspetong tauhan, at ang ikawalo naman sa magkakapatid ang may pinakamataas na persepsyon sa aspetong simbolismo. Mas maraming tagasagot na babae kaysa sa lalaki. Ang aspetong simbolismo ang may pinakamataas na nasuri at ang pananaw ang may pinakamababang nasuri. Kung lalahatin, ang mga piling mag-aaral sa COSE ay may kaalaman sa pagsusuri ng isang pelikula. Batay sa nakalap na datos at konklusyon, iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga namamahala ng Unibersidad ay hinihimok na bumili ng mga kagamitang panturo na gumagamit ng teknolohiya. Magkaroon pa ng ibang pagsasanay para sa mga guro at mga mag-aaraal hinggil sa pagsusuri ng pelikulang Heneral luna. Magkaroon ng pag-aaral na katulad nito gamit ang ibang mga baryabols.


Luna, Antonio, 1866-1899


University of Rizal System Tanay Campus --Undergraduates


Heneral Luna (Motion picture)--History and criticism


War films

PN 1997.2.H46A46 / 2019

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library

Powered by Koha