Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Preperensya ng mga mag-aaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan / Beverlyn O. Galvan, Rose Marie R. Marigondon, Saira May A. Mojar.

By: Contributor(s): Material type: TextTextPublication details: 2018.Description: xv, 60 leaves ; illustrations (some colour) : 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): LOC classification:
  • PL 6059 G1396 2018
Dissertation note: Thesis Bachelor of Secondary Education University of Rizal System 2018 Summary: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa Preperensya ng mga Mag-aaral sa Pagpili ng Wika sa Pakikipagtalastasan sa Laboratory High School University of Rizal System Tanay, Rizal, Taong Panuruan 2016-2017. Ang mga tagatugon ay binubuo ng pitumpu't anim (76) na mag-aaral, tatlumpu't walo (38) mula sa pangkat Neptune at tatlumpu't walo (38) mula sa pangkat Pluto. Ang deskriptib na pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik dahil ang primaryang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang preperensya ng mga mag-aaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing instrumento upang malikom ang mga datos ay ang talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik at binalideyt ng mga guro sa Filipino. Ang estadistikang ginamit ay frequency, percentage, weighted mean at rank. Mula sa nakalap na mga datos ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo: ang mga tagatugon na may edad 16 ay mas nakararami na may bilang na apatnapu't apat (44), ito ay sinusundan ng may edad 15 na may bilang na dalawampu't tatlo (23) at huli ang may edad 17 na may bilang na siyam (9). Mas nakahihigit ang bilang ng mga tagatugong babae na may bilang na apatnapu't pito (47) kumpara sa lalaki na may bilang na dalawampu't siyam (29). Ang porsiyento o bahagdan ng mga mag-aaral ang malimit gumamit ng wikang Filipino na may 60 o 76.75 na bahagdan. Samantala 16 o 21.05 bahagdan naman ang malimit gumamit ng wikang Ingles sa aspetong pasalita. Sa aspetong pasulat, mas mataas ang porsiyento o bahagdan ng mga magaaral ang malimit gumamit ng wikang Filipino na may 52 o 68.42. Samantala 24 o 31.58 bahagdan naman ang malimit gumamit ng wikang Ingles. Ang preperensyang wika ng mga mag-aaral sa pangkat Neptune sa pakikipagtalastasan ay napag-alaman na wikang Tagalog ang mas ginagamit, na may 30 o 78.94 bahagdan at sa pangkat Pluto ay lahat ng mag-aaral ay ang Wikang Tagalog ang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan, na may 38 o 100 bahagdan. Halos parehong wikang Filipino at Ingles ang preperensya ng mga magaaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan sa aspetong pasulat at pasalita ayon sa kanilang propayl. Natuklasan sa naging pag-aaral na walang pagkakaiba ang preperensya ng mga mag-aaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan sa aspetong pasalita at pasulat. Batay sa mga nakalap na datos at konklusyon, iminumungkahi ng mga mananaliksik na kapwa mabigyang-pansin ng mga guro ang pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles sa mga mag-aaral. Sa anumang aspeto ng pakikipagtalastasan nararapat na pahalagahan ang wika maging ito man ayFilipino o Ingles. Magkaroon ng mga gawain na magpapaunlad sa wikang ginagamit ng mga mag-aaral at bigyang pansin rin ang pagtuturo ng wikang Ingles at iminumungkahing kapwa paunlarin ang wikang Filipino at Ingles sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang kasanayan tulad ng pagtatanghal ng sabayang pagbigkas, balagtasan, pagsulat ng sanaysay at kwento at iba pa na magpapaunlad sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Status Date due Barcode
Theses and dissertations Theses and dissertations Tanay College Library Undergraduate Theses Non-fiction PL 6059 G1396 2018 (Browse shelf(Opens below)) Not for loan URSTAN-UGT4185

Thesis Bachelor of Secondary Education University of Rizal System 2018

Includes bibliographical references.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa Preperensya ng mga Mag-aaral sa Pagpili ng Wika sa Pakikipagtalastasan sa Laboratory High School University of Rizal System Tanay, Rizal, Taong Panuruan 2016-2017. Ang mga tagatugon ay binubuo ng pitumpu't anim (76) na mag-aaral, tatlumpu't walo (38) mula sa pangkat Neptune at tatlumpu't walo (38) mula sa pangkat Pluto. Ang deskriptib na pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik dahil ang primaryang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang preperensya ng mga mag-aaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing instrumento upang malikom ang mga datos ay ang talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik at binalideyt ng mga guro sa Filipino. Ang estadistikang ginamit ay frequency, percentage, weighted mean at rank. Mula sa nakalap na mga datos ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo: ang mga tagatugon na may edad 16 ay mas nakararami na may bilang na apatnapu't apat (44), ito ay sinusundan ng may edad 15 na may bilang na dalawampu't tatlo (23) at huli ang may edad 17 na may bilang na siyam (9). Mas nakahihigit ang bilang ng mga tagatugong babae na may bilang na apatnapu't pito (47) kumpara sa lalaki na may bilang na dalawampu't siyam (29). Ang porsiyento o bahagdan ng mga mag-aaral ang malimit gumamit ng wikang Filipino na may 60 o 76.75 na bahagdan. Samantala 16 o 21.05 bahagdan naman ang malimit gumamit ng wikang Ingles sa aspetong pasalita. Sa aspetong pasulat, mas mataas ang porsiyento o bahagdan ng mga magaaral ang malimit gumamit ng wikang Filipino na may 52 o 68.42. Samantala 24 o 31.58 bahagdan naman ang malimit gumamit ng wikang Ingles. Ang preperensyang wika ng mga mag-aaral sa pangkat Neptune sa pakikipagtalastasan ay napag-alaman na wikang Tagalog ang mas ginagamit, na may 30 o 78.94 bahagdan at sa pangkat Pluto ay lahat ng mag-aaral ay ang Wikang Tagalog ang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan, na may 38 o 100 bahagdan. Halos parehong wikang Filipino at Ingles ang preperensya ng mga magaaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan sa aspetong pasulat at pasalita ayon sa kanilang propayl. Natuklasan sa naging pag-aaral na walang pagkakaiba ang preperensya ng mga mag-aaral sa pagpili ng wika sa pakikipagtalastasan sa aspetong pasalita at pasulat. Batay sa mga nakalap na datos at konklusyon, iminumungkahi ng mga mananaliksik na kapwa mabigyang-pansin ng mga guro ang pagtuturo ng wikang Filipino at Ingles sa mga mag-aaral. Sa anumang aspeto ng pakikipagtalastasan nararapat na pahalagahan ang wika maging ito man ayFilipino o Ingles. Magkaroon ng mga gawain na magpapaunlad sa wikang ginagamit ng mga mag-aaral at bigyang pansin rin ang pagtuturo ng wikang Ingles at iminumungkahing kapwa paunlarin ang wikang Filipino at Ingles sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang kasanayan tulad ng pagtatanghal ng sabayang pagbigkas, balagtasan, pagsulat ng sanaysay at kwento at iba pa na magpapaunlad sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library

Powered by Koha