Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Komparatibong pagsusuri sa mga piling tula ni Jose Corazon de Jesus gamit ang biographical na basa/ Jenamea Y. Gardenia

By: Contributor(s): Material type: TextTextDescription: ix, 61 leaves; 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
DDC classification:
  • T BEP F32 2018
Online resources: Dissertation note: Tesis Batsilyer ng Edukasyong Pang-sekundarya Medyor sa Filipino University of Rizal System Pililla Summary: Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang akda na isinulat ni Jose Corazon De Jesus ayon sa bayograpikal na basa at teoryang ginamit, gayun din ang pagkakatulad at pagkakaiba sa nilalaman ng mga piling tula. Ang Komparatibong pagsusuri sa mga piling tula ni Jose Corazon De Jesus gamit ang biographical na basa ay nagsilbing daan upang maunawaan na ang bawat panitikan ay mayroong kulturang pinagmulan na dapat pagyamanin hanggang sa kasalukuyan. Sa pagkakataong ito nagpasya ang mananaliksik na suriin ang mga piling tula ni Jose Corazon De Jesus batay sa Damdamin, Simbolismo, Paksa/tema. Pananaw at maging ang mensaheng nakapaloob sa bawat tula na nalikha ni Jose Corazon De Jesus. Batay sa sinuring tula nakita o nabakas na may iba't ibang uri ng damdamin na nailahad sa tula. Sa tulang "Ang buhay ng tao ay naglalarawan ng pagkabigo at pagtataka, Samantalang sa mga akda gaya ng "Ang Punong kahoy", "Ang Pamana", "Kahit Saan" at "Ang Magandang Parol ay naglahad ng halos parehong damdamin gaya ng pagmamahal, kalungkutan.pangungulila, pagdadalamhati at pagsusumamo. Makikita rin ang iba't-ibang simbolo gaya ng kandila, turumpo, bato, punongkahoy, aparador, kubyertos, piano, silya, paru-paro, bulaklak, bintana, parol at papel. Ang paksa ng mga tula ay tungkol sa pagsubok at kapalaran, Ang pamana ng isang ina, pagmamahal sa tao ng diyos at ang alaala. Nailahad din sa mga tulang sinuri ang Ibat ibang pananaw gaya ng pantay na pagtingin sa karapatan ng tao, naranasang hirap at pighati, pagmamahal ng isang ina sa anak, pagmamahal ng oong maykapal at alaala ng kabataan. Ang mensahe naman ng mga tulang sinuri ay, pantay na pagtingin sa karapatan ng tao sa lipunan, lahat ng bagay ay may hangganan, ang agmamahal ng isang ina ay walang katumbas, ang pagmamahal ay mahalaga sa buhay ng tao at ang masayang alaala ay di malilimutan. Ang makabuluhang pagkakaiba ng mga tula na sinuri ay ang mga pangyayari, simbolismo, paksa, pananaw at mensahe. Samantalang sa damdamin halos magkakapareho ang ipinahahayag Teoryang realismo ang ginamit sa mga tula sapagkat ito ay naglalahad sa realidad ng buhay sa mundo.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Tesis Batsilyer ng Edukasyong Pang-sekundarya Medyor sa Filipino University of Rizal System Pililla

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang akda na isinulat ni Jose Corazon De Jesus ayon sa bayograpikal na basa at teoryang ginamit, gayun din ang pagkakatulad at pagkakaiba sa nilalaman ng mga piling tula. Ang Komparatibong pagsusuri sa mga piling tula ni Jose Corazon De Jesus gamit ang biographical na basa ay nagsilbing daan upang maunawaan na ang bawat panitikan ay mayroong kulturang pinagmulan na dapat pagyamanin hanggang sa kasalukuyan. Sa pagkakataong ito nagpasya ang mananaliksik na suriin ang mga piling tula ni Jose Corazon De Jesus batay sa Damdamin, Simbolismo, Paksa/tema. Pananaw at maging ang mensaheng nakapaloob sa bawat tula na nalikha ni Jose Corazon De Jesus. Batay sa sinuring tula nakita o nabakas na may iba't ibang uri ng damdamin na nailahad sa tula. Sa tulang "Ang buhay ng tao ay naglalarawan ng pagkabigo at pagtataka, Samantalang sa mga akda gaya ng "Ang Punong kahoy", "Ang Pamana", "Kahit Saan" at "Ang Magandang Parol ay naglahad ng halos parehong damdamin gaya ng pagmamahal, kalungkutan.pangungulila, pagdadalamhati at pagsusumamo. Makikita rin ang iba't-ibang simbolo gaya ng kandila, turumpo, bato, punongkahoy, aparador, kubyertos, piano, silya, paru-paro, bulaklak, bintana, parol at papel. Ang paksa ng mga tula ay tungkol sa pagsubok at kapalaran, Ang pamana ng isang ina, pagmamahal sa tao ng diyos at ang alaala. Nailahad din sa mga tulang sinuri ang Ibat ibang pananaw gaya ng pantay na pagtingin sa karapatan ng tao, naranasang hirap at pighati, pagmamahal ng isang ina sa anak, pagmamahal ng oong maykapal at alaala ng kabataan. Ang mensahe naman ng mga tulang sinuri ay, pantay na pagtingin sa karapatan ng tao sa lipunan, lahat ng bagay ay may hangganan, ang agmamahal ng isang ina ay walang katumbas, ang pagmamahal ay mahalaga sa buhay ng tao at ang masayang alaala ay di malilimutan. Ang makabuluhang pagkakaiba ng mga tula na sinuri ay ang mga pangyayari, simbolismo, paksa, pananaw at mensahe. Samantalang sa damdamin halos magkakapareho ang ipinahahayag Teoryang realismo ang ginamit sa mga tula sapagkat ito ay naglalahad sa realidad ng buhay sa mundo.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library

Powered by Koha