Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Mga gawaing nagpapalawak ng kasanayan at kakayahan sa Filipino 10 ng mataas na paaralang nasyunal ng distrito ng Pililla, taong panuruan 2017-2018/ Ayren C. Cañete

By: Contributor(s): Material type: TextTextDescription: xii, 76 leaves; 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
DDC classification:
  • T BSE F34 2019
Online resources: Dissertation note: Tesis Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino University of Rizal System Pililla Summary: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap sa mga gawaing nagpapalawak ng kasanayan at kakayahan sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang ng Mataas na Paaralang Nasyunal sa Distrito ng Pililla, Rizal Taong Panuruan 2017-2018. Ang mga tagatugon sa pananaliksik na ito ay sampung (10) guro sa ika-10 baitang mula sa apat na piling pampublikong paaralan sa Pililla, Rizal. Sa pag-aaral na ito ginamit ang deskriptibong pananaliksik. Talatanungan ang pangunahing Instrumento sa pag-aaral na binubuo ng dalawang bahagi. Ang una ay tumutukoy sa pansariling datos ng mga gurong tagatugon ayon sa kasarian, edad, kwalipikasyong edukasyunal, bilang ng taon sa serbisyo at paaralan. Samantalang ang ikalawang bahagi ay binubuo ng limang aspeto: nilalaman, paraan ng pagkakasunod-sunod, istilo ng pagkakasulat, bokabularyo at ebalwasyon na may dalawamput limang (25) mga tanong. Ipinasuri at tiniyak ang katumpakan ng talatanungan sa limang dalubhasang guro sa wika, at maging sa dalawang professor na eksperto sa literatura bago ipamahagi sa mga gurong tagatugon ng nasabing pag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay itinala, inihanay, at nilapatan ng istadistika sa pamamagitan ng percentage, rank at weighted mean, Mula sa datos na nakalap higit na nakararami ang gurong tagatugon na babae, edad 40 taong gulang pataas, 16 na taon pataas sa serbisyo, may Masteral Degree ayon sa kwalipikasyong edukasyonal, at karamihan ay nagtuturo sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Malaya. Ang Antas ng pagtanggap sa mga gawaing nagpapalawak ng kasanayan at kakayahan sa Asignaturang Filipino ng ika-10 baitang sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Distrito ng Pililla, Rizal Taong Panuruan 2017-1018 ayon sa kasarian, edad, kwalipikasyong edukasyonal, bilang ng taon sa serbisyo at paaralan ay may Pinakamataas na Pagtanggap ayon sa Istilo ng Pagkakasulat at Ebalwasyon. Mayroon namang Mataas na Pagtanggap ang Bokabularyo, Nilalaman at Pamamaraan ng Pagkakasunod-sunod.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Tesis Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino University of Rizal System Pililla

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap sa mga gawaing nagpapalawak ng kasanayan at kakayahan sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang ng Mataas na Paaralang Nasyunal sa Distrito ng Pililla, Rizal Taong Panuruan 2017-2018. Ang mga tagatugon sa pananaliksik na ito ay sampung (10) guro sa ika-10 baitang mula sa apat na piling pampublikong paaralan sa Pililla, Rizal. Sa pag-aaral na ito ginamit ang deskriptibong pananaliksik. Talatanungan ang pangunahing Instrumento sa pag-aaral na binubuo ng dalawang bahagi. Ang una ay tumutukoy sa pansariling datos ng mga gurong tagatugon ayon sa kasarian, edad, kwalipikasyong edukasyunal, bilang ng taon sa serbisyo at paaralan. Samantalang ang ikalawang bahagi ay binubuo ng limang aspeto: nilalaman, paraan ng pagkakasunod-sunod, istilo ng pagkakasulat, bokabularyo at ebalwasyon na may dalawamput limang (25) mga tanong. Ipinasuri at tiniyak ang katumpakan ng talatanungan sa limang dalubhasang guro sa wika, at maging sa dalawang professor na eksperto sa literatura bago ipamahagi sa mga gurong tagatugon ng nasabing pag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay itinala, inihanay, at nilapatan ng istadistika sa pamamagitan ng percentage, rank at weighted mean, Mula sa datos na nakalap higit na nakararami ang gurong tagatugon na babae, edad 40 taong gulang pataas, 16 na taon pataas sa serbisyo, may Masteral Degree ayon sa kwalipikasyong edukasyonal, at karamihan ay nagtuturo sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Malaya. Ang Antas ng pagtanggap sa mga gawaing nagpapalawak ng kasanayan at kakayahan sa Asignaturang Filipino ng ika-10 baitang sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Distrito ng Pililla, Rizal Taong Panuruan 2017-1018 ayon sa kasarian, edad, kwalipikasyong edukasyonal, bilang ng taon sa serbisyo at paaralan ay may Pinakamataas na Pagtanggap ayon sa Istilo ng Pagkakasulat at Ebalwasyon. Mayroon namang Mataas na Pagtanggap ang Bokabularyo, Nilalaman at Pamamaraan ng Pagkakasunod-sunod.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library

Powered by Koha