Kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang ng burgos national high school/ Liezel Manaytay Baltazar, [and] Mary Jane Ocampo Elamparo
Material type:
TextPublication details: 2014Description: xiii, 64 leaves, Illustrations, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .B216 2014
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .B216 2014 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1259 |
Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2014
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang ng Burgos National High School.
Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang pansariling datos ng mga mag-aaral batay sa kasarian, edad, tirahan at wikang ginagamit sa tahanan; (2) Ano ang antas ng kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral sa paraang pasulat at pasalita; (3) May
makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kakayahan sa masining na pagpapahayag sa ikawalong baitang ayon sa kanilang propay!?
Sa unang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage o Rank Distribution. Nalaman sa pag-aaral na ito na ang babae ang may pinakamataas na bilang ng tagatugon batay sa kasarian. Nalaman din na ang edad labing tatlo (13) ang may pinakamalaking bahagdan sa lahat ng mga tagatugon. Napagalaman din na marami sa mga tagatugon ay naninirahan sa barangay ng Burgos. Samantalang marami sa mga tagatugon ay gumagamit ng wikang tagalog sa kanilang mga tahanan.
Sa ikalawang suliranin, ang pormulang ginamit ay Weighted Mean. Tinuklas sa suliraning ito ang kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral. Nalaman na ang may pinakamataas na nakuhang resulta sa paraang ay ang braket na 15-17 na may bilang na tatlumpu't walo (38) at may bahagdan na tatlumpu't walo (38) na may interpretasyong berbal na mahusay. Samantalang sa paraang pasalita naman ay natuklasan na ang may pinakamataas na resulta ay ang braket na 4 pababa na may bilang na tatlumpu't tatlo (33) at may bahagdan na tatlumpu't tatlo (33) na may interpretasyong berbal na hindi mahusay.
Ginamit ang pormulang T Test at One Way ANOVA sa ikatlong suliranin upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba ng pag-aaral. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang ayon sa kanilang propayl. Samantala may makabuluhang pagkakaiba naman ang kakayahan sa masining na pagpapahayag
ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang batay sa paraang pasulat at pasalita.
Sa pamamagitan ng inilahad na pagbubuod, natamo ang mga sumusunod na konklusyon. Higit na nakararami ang tagatugon na babae kaysa sa lalaki at nakararami sa mga tagatugon ang gumagamit ng wikang tagalog ngunit mayroong silang mahinang kakayahan sa masining na pagpapahayag. Ang mga tagatugon ay mayroong mahinang kakayahan sa masining na pagpapahayag mapasalita man o pasulat. Walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang ayon sa kanilang kasarian, kinabibilangang barangay at wikang ginagamit. Batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa kakayahan sa masining pagpapahayag ng mga mag-aaral, nabuo ang ilang mungkahi: Magkaroon ng ibayong pag-aaral at pagbabalangkas ng kurikulum at ang pagbibigay ng mas mahabang oras sa pag-aaral sa masining na pagpapahayag. Sikaping mabigyan ng pansin ang pag-aaral ng asignaturang Filipino. Magkaroon ng sapat na kaalaman na tumatalakay sa masining na pagpapahayag sa paraang pasulat at pasalita upang higit na makamit ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga guro sa mga seminar at palatuntunan na naglalayong mapaunlad at maitaas ang interes ng pagkatuto sa maayos na pagpapahayag. Magkaroon ng pantay na pagturing sa mga mag-aaral na babae at lalaki upang magkakaroon ng parehong pagsisikap sa pag-aaral ng masining ng pagpapahayag. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang tinuturo na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagpapahayag. Magkaroon ng lakas ng loob na magsalita sa lipunan upang maipahayag ang saloobin ng bawat isa at makilahok sa mga talakayang nagpapaunlad ng
kakayahan sa masining na pagpapahayag. Sanayin ang sarili ng magsalita sa loob ng klase na may lakas ng loob at tiwala sa sarili. Ipagpatuloy ang nasimulang pag-aaral tungkol sa masining na pagpapahayag upang malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral. Sikaping magkaroon ng malawakang pag-aaral na tumutukoy sa higit na pagpapahalaga sa pagpapahayag upang mabigyang pansin at panahon ang kahinaan ng mga mag-aaral sa masining na pagpapahayag sa paraang pasulat at pasalita.
There are no comments on this title.