Epekto ng punto sa pananalita sa pakikipag-talastasan ng mga mag aaral/
Balbuena, Angelika M.
Epekto ng punto sa pananalita sa pakikipag-talastasan ng mga mag aaral/ Angelika M. Balbuena, Loren T. Dela Cerna, [and] Roselle A. Ramiro - 2018 - xi, 137 leaves, Illustrations, 28 cm.
Undergraduate Thesis
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang epekto ng Punto sa pananalita sa pakikipagtalastasan sa mga mag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pananaliksik, ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuru-kuru at interpretasyon bataya sa pakikipanayam ay naging katanggap tanggap ayon sa nakalap na impormasyon ang mga sumusunod na kinalabasan ng pag aaral sa pagsasagawa pag aaral na ito tatlumpong mag-aaral ang naging taga tugon.
Batay sa mga nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga tagatugon natuklasan ang naging resulta sa ginawang pag-aaral. Mas marami ang bilang ng mga kalalakihan na may bilang na labingsiyam, karamihan sa mga tagatugon ay Tagalog ang dayalektong ginagamit sa loob ng tahanan na may bilang na dalawampu at lumaki sa Rizal. Nasa labingdalawa mula labingapat na taon gulang ang mayroong mas maraming bilang.
Batay sa pananaliksik ay hindi nakakaapekto ang pagkakaroon ng punto sa pananalita sa pakikipagtalastasan ngunit ilan sa mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral na may punto sa pananalita ay madalas mapagtawanan na siyang naging dahilan ng takaw pansin sa loob ng klase.
Batay sa ginawang pakikipanayam ng mga mananaliksik nabuo ang sumusunod na konklusyon, Ang mga mag-aaral ay mula sa Rizal na may puntong Tagalog.
Ang mga mag-aaral ay nahihiya makihalubilo at makipagtalastasan sa loob ng klase at napagtatawanan at takaw pansin sa loob ng klase dahil sa pagkakaroon ng punto sa pananalita.
Ang mga mag-aaral ay nag eensayo ng maigi at nakikinig sa mga taong mahusay makipagtalastasan upang sa ganun ay madali na silang matuto kung paano makapag salita ng tama.
Base sa kinalabasan sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon, Magsagawa ng mga programa
na kung saan mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral na makipagtalastasan ng tuwid.
Magbigay ng ilang pagsasanay sa mga mag-aaral na may punto sa pananalita tulad na lamang ng pag-uulat at pagbabasa sa harapan upang mas mabigyang husay ang kanilang pakikipag-usap.
Tulungan magsalita ng tuwid ang mga mag-aaral na may punto sa pananalita partikular na sa mga nahihirapang makipagtalastasan.
Turuan ang kanilang mga anak na magsalita ng tuwid at patuloy na iwasto ng maayos ang mga pagkakamali sa kanilang pagsasalita
LG 221.R59 / .B188 2018