Pagbuo,balidasyon at antas ng pagtanggap ng modyul sa pagbasa ng maikling katha/

Bernabe, Gizel Patricio

Pagbuo,balidasyon at antas ng pagtanggap ng modyul sa pagbasa ng maikling katha/ Gizel Patricio Bernabe, Roma Amor Gonzaga Lape [and] Jenalyn Royales Robiso - 2014 - xiv, 75 leaves; illustrations 28 cm.

Undergraduate Thesis

Ang pag-aaral na ito ay ang Pagbuo, Balidasyon at Antas ng Pagtanggap ng Modyul sa Pagbasa ng Maikling Katha.

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may bilang na 30 na mag-aaral sa mababang paaralan ng Burgos Elementary School, Rodriguez, Rizal taung panuruan 2012-2013. Ang mga tagatugon para sa antas ng pagtanggap ng modyul ay binubuo ng anim na guro mula sa Elementarya ng Burgos at apat na guro mula sa University of Rizal System.

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng paraang deskriptibo-ebalwatibo at Eksperimental. Bumuo ng modyul ang mga mananaliksik na binubuo ng dalawangpu-sa (21) aralin, pang-una at panghuling pagsusulit na may Imangpung (50) ayten at talatanungan na may pitong (7) pamantayan.

Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng single group Pretest at Post test design sa tattungpung (30) tagatugon ng pag-aaral Sinagutan ang pang-una at panghuling pagsusulit, tinaya ang modyul sa pamamagitan ng talatanungan at nilapatan istadistika upang malaman ang mean iskors ng pang-una at panghuling pagsusulit at ng talatanungan.

Para masagot ang mga suliraning inilahad sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay ang mga istadistikang ginamit. Sa suliranin bilang 1, upang matukoy ang kabatiran ng kaalaman ng mga mag-aaral na tagatugon batay sa pang-una at panghuling pagsusulit ang mean ay ginamit. Sa suliranin bilang 2. upang matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba ang pang-una at panghuling pagsusulit ng mga tagatugon na mag-aaral, Dependent T-test ay ginamit. Sa suliranin bilang 3, upang masukat ang antas ng pagtanggap ng modyul batay sa mga nakalap na datos, weighted mean ay ginamit.

Batay sa mga datos na nalikom mula sa mga mag-aaral na tagatugon sa pag-aaral ito ang mga sumusunod na buod na natuklasan ay nakuha. Ang mga mag-aaral na tagatugon mula sa ikaanim na baitang ay nakukuha ng mean iskor na 26 1 sa pang-unang pagsusulit. Sa panghuling pagsusulit, ang mag-aaral ay nakakuha ng mean iskor na 36.9. Ang p-value na 0.000 ay mas mababa sa 0.05 level of significance. Ang haka ng pag-aaral ay hindi tinanggap.

Ang antas ng pagtanggap ng modyul batay sa pagsusuri ng mga gurong tagatugon ay may mean iskor na 4.127. Ang mga pamantayan sa pagsusuri sa layunin ay nakakuha ng kabuuang mean iskor na 3.95, at sinundan ng kabuuang mean iskor na 4.196, ang nilalaman. At ang istilo at wika ay may kabuuang mean iskor na 4.298. At sinundan ng organisasyon at presentasyon ay may kabuuang mean iskor na 4.322. Ang kabuuang mean iskor ng pagkamalikhain na 3.966. At sinundan ng gawain na may kabuuang mean iskor na 4.194. At ang panghuli ay ang kabuuang mean iskor ng ebałwasyon na 3.974.

Batay sa mga nabuong resulta ng mga datos, narito ang mga sumusunod na konklusyon. Nagkaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral matapos magamit ang modyul sa ginawang pag-aaral. Mayroon pagkakaiba ang resulta ng pang-una at panghuling pagsusulit. Ang binuong modyul ay mataas ang pagtanggap kaya maaari ng gamiting panghalili sa kagamitang pampagtuturo.

Ang mga sumusunod na mga mungkahi ay ibinibigay ng mga mananaliksik: Sa Mga Mag-aaral, ang mga mag-aaral ay kailangan magsumikap at pagyamanin ang kaalaman sa pagbasa upang ang mapalawak pa ang karunungan. Sa Mga Administrador ng Paaralan, kailangan ang lubusang suporta ng mga administrador ng paaralan sa mga nagsasagawa ng ganitong pananaliksik. Magkaroon nang malawak na disiminasyon tungkol sa mga kinalabasan ng pag-aaral na ito. Sa Mga Guro, kailangan ang lubusang kasanayan sa pagbubuo ng mga modyul hindi lamang sa maikling katha kundi maging sa iba pang uri ng panitikan. Sa Iba pang Mananaliksik, magsagawa ng iba pang eksperimento na kagaya nito. Maaaring iba lang ang bigyan tuon o pokus ng mananaliksik. Masasabi na ang pagtamo ng pinakamataas o may kalidad at literadong mamamayan ay siyang tunguhin sa pagkamit ng tanging adhikain



LG 221.R59 / .B4563 2014

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library