Kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay ng mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang/

Enriquez, Bryx Lorescel T.

Kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay ng mga mag-aaral ng ika-siyam na baitang/ Bryx Lorescel T. Enriquez [at] Joseph J. Padro - 2014 - xiii. 53 leaves; illustrations, 28cm,

Undergraduate Thesis


Naglayon ang pag-aaral na ito na malaman ang kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay sa Ika-siyam na baitang. Binigyan ng kaukulan kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang mga Propayl ng mga tagatugon batay sa; kasarian, wika at wikain na ginagamit sa tahanan at marka sa asignaturang Filipino? ano ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay batay sa; tula at sanaysay,: Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan ng mga mag-aaral sa paggamit ng tayutay at sa kanilang propayl. Pinili ang pitungpung mag-aaral sa ika-siyam na baitang bilang tagatugon. Sa kinalabasan ng pagsusuri na isinagawa ng mga mananaliksik ang

bilang at bahagdan ng mga tagatugon batay sa kasarian na ang mga babae ay binubuo ng tatlumpo't siyam (39) na may bahagdan na limangput lima punto pito(55.7%). Dahil dito, karamihan sa mga mag-aaral na tagatugon ay mga babae.

Natuklasan na ang pinkamataas na ang pinakamataas na bilang ng mga tagatugon batay sa kanilang wikang ginagamit sa tahanan ay Tagalog na may animnaput tatlo(63) at may bahagdan ng siyamnapu (90%). Samakatuwid, karamihan sa mga mag-aaral na tagatugon ay Tagalog ang kanilang wikang ginagamit sa tahanan, nangangahulugan ito na marami sa mga tagatugon ang nakakaintindi at nakakaunawa ng wikang tagalog na siyang pangunahing midyum sa pagsasalita sa tahanan. Ang naging pinakamataas na bilang ng mga bahagdan batay sa kanilang marka sa Filipino ay 90-88 na may dalawangput dalawa (22). Tungo dito, mas marami ang mga mag-aaral na nakakuha ng 90-88 na marka sa Filipino na kung saan may malaking kinalaman sa kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay sa, nangangahulugan ito batay sa resulta at dami ng nakukuha ng mataas ba marka, na pinag-aaralang mabuti sa klase ang tayutay.

Sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik at pagbubuod nito ayon sa kanilang propayl:

Batay sa kasarian, karamihan ng tagatugon ay babae. Ang tayutay na ginamit sa akdang pampanitikan, ang may pinakamataas na bilang ay ang pagtutulad na may bilang na dalawampu't lima (25), pumapangalawa naman dito ang pagwawangis at pagmamalabis na may parehas na bilang na dalawa (2)

sumunod naman ang pagbibigay katauhan, na may isa (1) At nasahuling pwesto naman ang pagpapalit-saklaw na walang bilang (0) at wala ting bahagdan. Ang mga marka sa Filipino, ang may pinakamataas na marka ay 90-88 na may bilang na dalwangput dalawa (22),

Batay sa inilahad na pagbubuod, natamo ang mga sumusunod na kongklusyon:

Ilan sa mga tagatugon na mag-aaral ay babae, ngunit pinapakita rin dito na hindi lubos na mahusay ang kanilang kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay, at karamihan sa mga tagatugon ay nakakuha ng marka sa Filipino ay 90-88 noong nakaraang semester.

Walang makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan sa pagsulat ng akdang pampanitikan gamit ang tayutay ayon sa marka sa Filipino, kasarian at

wika at wikaing ginagamit sa tahanan sa ika-siyam na baitang Filipino.

Ang kinalabasan ng hypothesis batay sa kasarian ay tinanggap na may interpretasyong berbal na may makabuluhang pagkakaiba, batay sa wika at wikain na ginamit sa tahanan ay hindi tinanggap at may interpretasyong berbal na walang makabuluhang pagkakaiba; batay sa marka ay tinanggap at may interpretasyong berbal na may makabuluhang pagkakaiba.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananliksik at pag-bubuod nito ang mga sumusunod na mungkahi:

Sa mga namumuno ng paaralan, mas lalo pang hikayatin ang mga mag-aaral na mag-aral at maging palabahsa upang mas maintindihan ang mga asignatura at sikaping paramihin ang mga libro na maaring pagkunan ng kaalaman Sa mga guro, nawa'y lalong hikayatın ang mga mag-aaral na bigyang

pansin ang bawat aralin na itinuturo at pagtuunan ng pansin ang mga paksang nahihirapan ang mga mag-aaral. Sa mga mag-aaral, sikaping magkaroon ng interes sa mga asignatura at magkaroon ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa mga paksang napapaloob sa asignatura, huwag tumigil sa pagbabasa ng mga aklat at babasahin sa mapagkukunan ng kaalaman. Sa mga mananaliksik, maging gabay sana ang pag-aaral na ito alamin ang iba pang kaalaman batay sa masining na pagpaphayag at palawakin ang kaalaman batay sa tayutay at mga uri ng akdang pampanitikan ng mga mag-aaral.



LG 221.R59 / .En72 2014

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library