Antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga Mag-aaral ng ikalawang taon sa mataaas na Paaralan ng Montalban Heights/ (Record no. 82346)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 05332nam a22002657a 4500
003 - CONTROL NUMBER IDENTIFIER
control field URS
005 - DATE AND TIME OF LATEST TRANSACTION
control field 20250902092449.0
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 250313b |||||||| |||| 00| 0 eng d
050 00 - LIBRARY OF CONGRESS CALL NUMBER
Classification number LG 221.R59
Item number .Ar21 2011
100 1# - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Arcebido, Joan Esparrago
Relator term Researcher
245 10 - TITLE STATEMENT
Title Antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga Mag-aaral ng ikalawang taon sa mataaas na Paaralan ng Montalban Heights/
Statement of responsibility, etc Joan Esparrago Arcebido, Monalie Carigo Panganiban, Jessica Tampilic Verdera, [and] Emma Francisco Zonio
260 #1 - PUBLICATION, DISTRIBUTION, ETC. (IMPRINT)
Date of publication, distribution, etc 2011
300 ## - PHYSICAL DESCRIPTION
Extent xiv, 69 leaves,
Other physical details Illustrations,
Dimensions 28 cm.
336 ## - CONTENT TYPE
Source rdacontent
Content type term text
337 ## - MEDIA TYPE
Source rdamedia
Media type term unmediated
338 ## - CARRIER TYPE
Source rdacarrier
Carrier type term volume
502 ## - DISSERTATION NOTE
Dissertation note Undergraduate Thesis
Degree type Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino

Name of granting institution University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
Year degree granted 2011
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon sa Mataas na Paaralan ng Montalban Heights.

Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang pansariling datos ng mga mag-aaral batay sa kasarian, marka sa Filipino (unang taon) at wikang sinasalita; (2) Ano ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahgi ng panalita sa mga mag-aaral; (3) May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon ayon sa kanilang propayl

Ang pamamaraang ginamit ay palarawan sapagkat tumutukoy ito sa pangkasalukuyang pag-aaral. Ang mga tagatugon ay napili sa pamamagitan ng random sampling. Sa isang silid-aralan ay may 20 respondente. Ang bilang ng mga lalaki ay 45 at ang mga babae ay 55 na may kabuuang bilang na 100 na mga mag-aaral sa ikalawang taon sa mataas na paaralan ng Montalban Heights. Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang bahagi: una tungkol sa propayl ng mga tagatugon, at sa pangalawa nakapaloob ang apat na kasanayan: uri ng pangngalan, kayarian ng pangngalan, uri ng panghalip at kaukulan ng panghalip. Ito ay binubuo ng 40 na aytem na ibinigay sa pagsusulit upang malaman ang kanilang kahusayan sa pagtukoy ng kauriaang nominal. Ginamit ang Likert Scale upang malaman ang interpretasyong berbal sa pagsusuri ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal.

Sa unang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage. Nalaman sa pag-aaral na ito na ang babae ang may pinakamataas na bilang ng mga tagatugon batay sa kasarian. Nalaman din na ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon ay nakakuha ng 76-80 na marka sa Filipino (unang taon). Samantala ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon batay sa wikang sinasalita ang Tagalog.

Sa ikalawang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage at Weighted Mean.

Tinuklas sa suliraning ito ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral. Nalaman na ang weighted mean sa uri ng pangngalan ay5.52 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa kayarian ng pangngalan, ang weighted mean ay 5.19 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa uri ng panghalip ang weighted mean ay 4.65 na may interpretasyong berbal na mahusay at sa kaukulang panghalip ang weighted mean ay 3.43 na may interpretasyong berbal na di- gaanong mahusay.

Ginamit ang pormulang One Way ANOVA sa ikatlong suliranin upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba ng pag-aaral. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa wikang sinasalita na haypotesis na tinanggap at may interpretasyong berbal na walang kaugnayan.Samantalang may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa kasarian at sa marka sa Filipino (unang taon) na may haypotesis na di-tinanggap at may interpretasyong berbal na may kaugnayan.

Batay sa kinalabasang pag-aaral at sa mga mananaliksik sa antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral, nabuo ang ilang mungkahi:

Para sa mga mag-aaral, higit na bigyang pansin ng mga mag-aaral ang kanilang kahinaan para sa lubos na pagkatuto. Para sa mga guro, hikayatin ang mga guro sa mga seminar at palatuntunan na naglalayon na higit na mapaunlad ang kaalaman sa kauriang nominal at iba pang bahagi ng panalita. Para sa mga Tagapamahala, sikaping magkaroon ng maraming aklat o babasahin na may kinalaman sa paksang tatalakayin. Magkaroon ng ibayong pag-aaral at pagbabalangkas ng kurikulum tungo sa higit na mabisang pagkatuto sa kauriang nominal. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang tinuturo na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita. Para sa mga sususnod pang mga mananaliksik, ipagpatuloy ang nasimulang pag-aaral upang malaman ang antas ng kahusayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita ng mga mag-aaral.
650 ## - SUBJECT ADDED ENTRY--TOPICAL TERM
Source of heading or term Pagtukoy-kauriang-nominal-bilang-bahagi-ng-pananalita
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Panganiban, Monalie Carigo
Relator term Researcher
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Verdera, Tampilic Jessica
Relator term Researcher
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Zonio, Emma Francisco
Relator term Researcher
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Adolfo, Maria Riza A.
Relator term Adviser
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Library of Congress Classification
Koha item type Theses and dissertations
Holdings
Withdrawn status Source of classification or shelving scheme Damaged status Not for loan Home library Current library Shelving location Date acquired Total Checkouts Full call number Barcode Date last seen Copy number Price effective from Koha item type
Library of Congress Classification   Not For Loan Rodriguez College Library Rodriguez College Library Undergraduate Theses 03/13/2025   LG 221.R59 .Ar21 2011 URSROD-UGT-FIL-1247 03/13/2025 C2 03/13/2025 Theses and dissertations
Library of Congress Classification   Not For Loan Rodriguez College Library Rodriguez College Library Undergraduate Theses 09/02/2025   LG 221.R59 .Ar21 2011 URSROD-UGT-FIL-1246 09/02/2025 C1 09/02/2025 Theses and dissertations

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library