Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Antes ng pagtanggap sa binuong Talatinigan ng mga salitang ginamit sa social media Binamira, Marychris B.

By: Contributor(s): Material type: TextDescription: xii, 59 leaves; illustrations 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .B51
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor in Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2024 Summary: Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang Antas ng Pagtanggap sa binuong talatinigan ng mga salitang ginagamit sa Social media ng mga tagatugon na nasa edad apatnapu (40) pataas. Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Descriptive Assessment Design. Deskriptibong metodolohiya na paraan ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng panukalang pananaliksik. Bumuo ng Talatinigan ng kalipunan ng mga bagong salita na ginagamit sa Social media sa pakikipag talastasan, at talatanungan. Ito'y pinamahagi sa mga tagatugon na pinaglaanan ng pananaliksik na ito. Kinalap You sent ang mga datos at kinuha ang naging resulta ng panayam ng mga piling tagatugon Sa propayl ng mga tagatugon, una ang kasarian na nagpapakita na mas mataas ang bilang ng mga kababaihan na mayroong bilang na 26 at may bahagdan na 65%. Ang mga kalalakihan ay may bilang na 14 na tagatugon at mayroong bahagdan na 35% na may kabuuang 40 na tagatugon. Samakatuwid ay mas mataas ang bilang ng mga kababaihan. Ikalawa ay ang edad ng mga tagatugon, ang pinaka marami ay nasa edad 40-45 taong gulang na may bilang na 22, mayroon din sa edad 46-50 na may bilang na 8, samantalang ang mga nasa edad 51-55 taong gulang ay mayroong bilang na 7 at ang edad 56-60 ay may bilang na 3. Ang panghuli ay edad nasa 61 pataas ay walang nakuhang bilang at bahagdan. Bilang kabuuan, ang lahat ay may bilang na apatnapu (40). Batay sa Datos ng pananaliksik nalaman rin ang ang madalas ginagamit na Social media Platform ng mga tagatugon ay ang Facebook na nakakuha ng bilang na 40. Ayon sa resulta ng pag-aaral, lumabas na ang mga madalas nakikitang ginagamit na mga salita sa Social Media ng mga tagatugon ay ang mga salitang: OTW na nasa unang ranggo na nakakuha ng bilang 40, Ikalawa ang salitang Sus na may bilang na 39, Ikatlo ang salitang Arat na may bilang na 38. Ang nakakuha ng pinaka mababa ay ang salitang CLAPBACK. Ang hinandang kalipunan ng mga bagong salita ay binubuo ng 50. Batay sa krayteryang ginamit sa pag-aantas ng binuong talatinigan ng mga salitang ginagamit sa Social Media, makikita na napakataas ang You sent pagtanggap dito. Mula sa nilalaman, wika, istilo at presentasyon ng ginawang talatinigan ng mga mananaliksik. Mula sa panayam ng mga tagatugon ang kanilang masasabi sa mga salitang ginagamit sa Social Media ay hindi nila ito maunawaan at hirap sila makasabay dahil hindi nila ito panahon, ngunit kailangan malaman at maunawaan kahit "henerasyong X sila, para hindi mapagiwanan ng makabagong henerasyon. Ang binuong talatinigan ay magsisilbing kasangkapan sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mamamayan sa paraan ng pagpapahayag ng paggamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa Pakikipagtalastasan.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)

Undergraduate Thesis Bachelor in Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2024

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang Antas ng Pagtanggap sa binuong talatinigan ng mga salitang ginagamit sa Social media ng mga tagatugon na nasa edad apatnapu (40) pataas. Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Descriptive Assessment Design. Deskriptibong metodolohiya na paraan ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng panukalang pananaliksik. Bumuo ng Talatinigan ng kalipunan ng mga bagong salita na ginagamit sa Social media sa pakikipag talastasan, at talatanungan. Ito'y pinamahagi sa mga tagatugon na pinaglaanan ng pananaliksik na ito. Kinalap
You sent
ang mga datos at kinuha ang naging resulta ng panayam ng mga piling tagatugon

Sa propayl ng mga tagatugon, una ang kasarian na nagpapakita na mas mataas ang bilang ng mga kababaihan na mayroong bilang na 26 at may bahagdan na 65%. Ang mga kalalakihan ay may bilang na 14 na tagatugon at mayroong bahagdan na 35% na may kabuuang 40 na tagatugon. Samakatuwid ay mas mataas ang bilang ng mga kababaihan. Ikalawa ay ang edad ng mga tagatugon, ang pinaka marami ay nasa edad 40-45 taong gulang na may bilang na 22, mayroon din sa edad 46-50 na may bilang na 8, samantalang ang mga nasa edad 51-55 taong gulang ay mayroong bilang na 7 at ang edad 56-60 ay may bilang na 3. Ang panghuli ay edad nasa 61 pataas ay walang nakuhang bilang at bahagdan. Bilang kabuuan, ang lahat ay may bilang na apatnapu (40). Batay sa Datos ng pananaliksik nalaman rin ang ang madalas ginagamit na Social media Platform ng mga tagatugon ay ang Facebook na nakakuha ng bilang na 40.

Ayon sa resulta ng pag-aaral, lumabas na ang mga madalas nakikitang ginagamit na mga salita sa Social Media ng mga tagatugon ay ang mga salitang: OTW na nasa unang ranggo na nakakuha ng bilang 40, Ikalawa ang salitang Sus na may bilang na 39, Ikatlo ang salitang Arat na may bilang na 38. Ang nakakuha ng pinaka mababa ay ang salitang CLAPBACK. Ang hinandang kalipunan ng mga bagong salita ay binubuo ng 50.

Batay sa krayteryang ginamit sa pag-aantas ng binuong talatinigan ng mga salitang ginagamit sa Social Media, makikita na napakataas ang
You sent
pagtanggap dito. Mula sa nilalaman, wika, istilo at presentasyon ng ginawang talatinigan ng mga mananaliksik.

Mula sa panayam ng mga tagatugon ang kanilang masasabi sa mga salitang ginagamit sa Social Media ay hindi nila ito maunawaan at hirap sila makasabay dahil hindi nila ito panahon, ngunit kailangan malaman at maunawaan kahit "henerasyong X sila, para hindi mapagiwanan ng makabagong henerasyon. Ang binuong talatinigan ay magsisilbing kasangkapan sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mamamayan sa paraan ng pagpapahayag ng paggamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa Pakikipagtalastasan.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library