Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang filipino: Veronica B. Carasco, Marry joy S. De lara[and] Maria M. Simeon Kwalitibong pananaliksik/

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2015Description: x, 60 leaves; Illustration, 28cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): LOC classification:
  • LG 221. R59 .C1766 2015
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2015 Summary: Sa paggawa ng pag-aaral na ito labing limang (15) guro sa Filipino ang naging tagatugon. Binuo ng mga mananaliksik ang ilang mga pamamaraan na kanilang ipinatupad upang maging malinaw at maayos ang isinagawang pag-aaral. Ang paghahanda ng mga gabay na talatanungan sa pagmamasid ng mga guro at ang pagkakapangkat-pangkat nito batay sa kanilang kasarian, edad, at bilang ng taon sa pagtuturo. Humingi ng tulong at pahintulot ang mga maonanaliksik sa puno ng Linangan ng Edukasyon at sa Direktor ng Kampus para sa isinagawang pag-aaral matapos itong idipensa sa isang kolokyum. Batay sa mga nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga tagatugon ng pag-aaral na ito, natuklasan ang naging resulta sa nasabing pag-aaral. Halos mga babae ang naging tagatugon na binubuo ng labing isa (11) at apat (4) na lalaki. Nakahihigit ang bilang ng edad na (20-30) na binubuo ng walo (8) na tagatugon na sinundan ng edad na (31-40) na binubuo ng anim (6) at ang huli na may edad na (41-57) na binubuo ng isa (1) tagatugon. Batay sa bilang taon sa pagtuturo ng mga tagatugon, nakahihigit ang bilang (1-8) na binubuo ng sampung (10) tagatugon sinundan naman ng bilang na (9-16) na binubuo ng apat (4) at ang huli ay ang bilang (17-24) na binubuo ng isa (1) na bilang ng taon sa pagtuturo. Batay naman sa mga pamamaraang ginamit ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, natuklasan ng mga mananaliksik batay sa kanilang ginawang pagmamasid na ang Pamaraang Pabuod ay binubuo ng walong (8) tagatugon sumunod ay ang Pamaraang Araling Pagpapahalaga na binubuo ng tatlo (3), ang Pamaraang Pasaklaw na binubuo ng dalawa (2) at ang huli ang Pinagsanib na Paraan sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan na binubuo ng dalawang (2) tagatugon na gumagamit ng pamaraang ito. Batay sa pagmamasid na isinagawa ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Ayon sa pansariling datos ng mga tagatugon ay nangangahulugan lamang na batay sa kanilang edad at tagal ng pagtuturo ay masasabi na ang guro ay epektibo at bihasa sa paggamit ng pamamaraang pampagtuturo. Ang pinakagamitin na pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay ang Pamaraang Pabuod. Ang pangunahing suliranin ng mga guro ay ang kawalan at kakulangan sa mga kagamitang pampagtuturo. Iminumungkahi na magkaroon pa ng mga makabagong teknik at pamamaraan ang mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino upang maging epektibo ang talakayan. Base sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik at konklusyon nabuo ang mga mungkahi para sa pagkakaroon ng mabisang paggamit ng mga pamamaraang pampagtuturo sa Filipino na siyang magiging daan patungo sa mataas na kalidad ng edukasyon Magkaroon ng karagdagang programa tungkol sa edukasyon upang mapataas ang kalidad nito. Pag-ibayuhin pa ang pagtangkilik at paglaganap sa asignaturang Filipino. Bigyan ng higit pang panahon ang mga guro na dumalo sa mga programa tungkol sa Filipino tungo sa pagyabong ng kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Maghanda ng mabisang programa at mga gawain sa pagpapaunlad ng kaalaman at maging sa kakayahan sa mga gawaing pampaaralan. Kinakailangan na magkaroon ng iba't ibang estratehiya ang gurong nagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino na siyang makatutulong sa pag-unlad ng mga aralin. Bigyang pagpapahalaga ang mga itinuturo ng mga guro upang maging maayos ang kanilang paglalapat ng mga pamamaraang pampagtuturo. Magsilbing gabay ang pag-aaral na ito sa iba pang mananaliksik na may katulad ng ganitong pag-aaral.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221. R59 .C1766 2015 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1524

Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2015

Sa paggawa ng pag-aaral na ito labing limang (15) guro sa Filipino ang naging tagatugon. Binuo ng mga mananaliksik ang ilang mga pamamaraan na kanilang ipinatupad upang maging malinaw at maayos ang isinagawang pag-aaral. Ang paghahanda ng mga gabay na talatanungan sa pagmamasid ng mga guro at ang pagkakapangkat-pangkat nito batay sa kanilang kasarian, edad, at bilang ng taon sa pagtuturo. Humingi ng tulong at pahintulot ang mga

maonanaliksik sa puno ng Linangan ng Edukasyon at sa Direktor ng Kampus para sa isinagawang pag-aaral matapos itong idipensa sa isang kolokyum.

Batay sa mga nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga tagatugon ng pag-aaral na ito, natuklasan ang naging resulta sa nasabing pag-aaral. Halos mga babae ang naging tagatugon na binubuo ng labing isa (11) at apat (4) na lalaki. Nakahihigit ang bilang ng edad na (20-30) na binubuo ng walo (8) na tagatugon na sinundan ng edad na (31-40) na binubuo ng anim (6) at ang huli na may edad na (41-57) na binubuo ng isa (1) tagatugon.

Batay sa bilang taon sa pagtuturo ng mga tagatugon, nakahihigit ang bilang (1-8) na binubuo ng sampung (10) tagatugon sinundan naman ng bilang na (9-16) na binubuo ng apat (4) at ang huli ay ang bilang (17-24) na binubuo ng isa (1) na bilang ng taon sa pagtuturo. Batay naman sa mga pamamaraang ginamit ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, natuklasan ng mga mananaliksik batay sa kanilang ginawang pagmamasid na ang Pamaraang Pabuod ay binubuo ng walong (8) tagatugon sumunod ay ang Pamaraang Araling Pagpapahalaga na binubuo ng tatlo (3), ang Pamaraang Pasaklaw na binubuo ng dalawa (2) at ang huli ang Pinagsanib na Paraan sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan na binubuo ng dalawang (2) tagatugon na gumagamit ng pamaraang ito.

Batay sa pagmamasid na isinagawa ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Ayon sa pansariling datos ng mga tagatugon ay nangangahulugan lamang na batay sa kanilang edad at tagal ng pagtuturo ay
masasabi na ang guro ay epektibo at bihasa sa paggamit ng pamamaraang pampagtuturo. Ang pinakagamitin na pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay ang Pamaraang Pabuod. Ang pangunahing suliranin ng mga guro ay ang kawalan at kakulangan sa mga kagamitang pampagtuturo. Iminumungkahi na magkaroon pa ng mga makabagong teknik at pamamaraan ang mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino upang maging epektibo ang talakayan.

Base sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik at konklusyon nabuo ang mga mungkahi para sa pagkakaroon ng mabisang paggamit ng mga pamamaraang pampagtuturo sa Filipino na siyang magiging daan patungo sa mataas na kalidad ng edukasyon

Magkaroon ng karagdagang programa tungkol sa edukasyon upang mapataas ang kalidad nito. Pag-ibayuhin pa ang pagtangkilik at paglaganap sa asignaturang Filipino. Bigyan ng higit pang panahon ang mga guro na dumalo sa mga programa tungkol sa Filipino tungo sa pagyabong ng kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Maghanda ng mabisang programa at mga gawain sa pagpapaunlad ng kaalaman at maging sa kakayahan sa mga gawaing pampaaralan. Kinakailangan na magkaroon ng iba't ibang estratehiya ang gurong nagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino na siyang makatutulong sa pag-unlad ng mga aralin. Bigyang pagpapahalaga ang mga itinuturo ng mga guro upang maging maayos ang kanilang paglalapat ng mga pamamaraang pampagtuturo. Magsilbing gabay ang pag-aaral na ito sa iba pang mananaliksik na may katulad ng ganitong pag-aaral.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library