Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Panunuri ng mga piling alamat sa lalawigan ng Rizal/ Mark Jayson B. Ardillos, Daryl Faeldonia Balbino [and] Hannah Q. Rogelio

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2019Description: x 47 leaves; Illustrations, 28cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .Ar286 2019
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2019 Summary: Isinagawa ang pag-aaral na ito upang masuri ang "Mga piling alamat sa lalawigan ng Rizal. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang Kwalitatibong Pag-aaral at Panunuring Pampanitikan, ito ay tumutukoy sa pagbibigay suri ayon sa kwento o pagkakasunod ng nasuring alamat na katanggap tanggap sa mga mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga piling alamat sa lalawigan ng rizal at upang malaman narin ang daloy ng totoong kwento ng mga ito. Sa kabuuan ng pag-aaral naipakita ang mga tauhang gumanap sa mga Alamat tulad nila Maning na pangunahing tauhan, Tata Anong, Minggan, Mariang Sinukuan at ang Dalaga na mas naging malinaw dahil sa kanilang pagganap sa alamat ng Bundok ng suso ni Dalaga. Sa alamat ng Cainta naman ay si Jacinta na isang babaeng may malinis na kalooban na biniyayan ng nobyo. Sa tagpuan naman ng mga piling alamat ay nangyari sa San Miguel na kabila lamang ng Bundok ng Montalban at ang isa naman ay sa mismong lalawigan ng Cainta, Napagsunod-sunod ang daloy ng kwento o na banghay mula sa simula hanggang sa wakas nito. Sa paksa o tema naman ng mga piling alamat, ang Alamat ng Bundok ng Suso ni Dalaga ay may paksang pag-ibig at sa Ang Cainta naman ay magandang katangian taglay ng pangunahing tauhan. Mayroong mga Teoryang pampanitikan ang nangibabaw sa mga alamat na ito, Sa unang alamat ay Romantisismo samantalang ang ikalawa naman Humanismo Nakita sa pag-aaral na may bisa sa lipunan, kaisipan at damdamin ang parehong alamat. Ang kaisipan na nagkapagbigay impormasyon tungkol sa mga pinagmulan ng mga ito, Sa lipunan na nakakaimpluwensiya sa kultura ng pinagmulan nito. At may nakakamanghang pakiramdam matapos basahin o masuri ang mga ito. Ang mga piling alamat ay nagiiwan ng magagandang aral, isa na rito ang pagiging mabuti sa mga tao at pagsasakripisyo ng pag-ibig para sa ikasasaya ng minamahal na nagpaganda at nagpahumaling basahin ang akda. Sa kabuuan nito gumawa ng mga ilang rekomendasyon o mungkahing magpapakita ng pagpapahalaga sa mga guro, mag-aaral at sa mga susunod pang mananaliksik Malaki ang impluwensiya ng pagsusuring ito lalong lalo na sa mga kabataan ngayon at sa mga parating palang na henerasyon, may mababasa silang totoong kwento ng mga ito at makakapagpaalala kung paano nagsimula ang mga alamat.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59.Ar286 2019 (Browse shelf(Opens below)) C1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1301

Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2019

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang masuri ang "Mga piling alamat sa lalawigan ng Rizal. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang Kwalitatibong Pag-aaral at Panunuring Pampanitikan, ito ay tumutukoy sa pagbibigay suri ayon sa kwento o pagkakasunod ng nasuring alamat na katanggap tanggap sa mga mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga piling alamat sa lalawigan ng rizal at upang malaman narin ang daloy ng totoong kwento ng mga ito.

Sa kabuuan ng pag-aaral naipakita ang mga tauhang gumanap sa mga Alamat tulad nila Maning na pangunahing tauhan, Tata Anong, Minggan, Mariang Sinukuan at ang Dalaga na mas naging malinaw dahil sa kanilang pagganap sa alamat ng Bundok ng suso ni Dalaga. Sa alamat ng Cainta naman ay si Jacinta na isang babaeng may malinis na kalooban na biniyayan ng nobyo.

Sa tagpuan naman ng mga piling alamat ay nangyari sa San Miguel na kabila lamang ng Bundok ng Montalban at ang isa naman ay sa mismong lalawigan ng Cainta, Napagsunod-sunod ang daloy ng kwento o na banghay mula sa simula hanggang sa wakas nito.

Sa paksa o tema naman ng mga piling alamat, ang Alamat ng Bundok ng Suso ni Dalaga ay may paksang pag-ibig at sa Ang Cainta naman ay magandang katangian taglay ng pangunahing tauhan. Mayroong mga Teoryang pampanitikan ang nangibabaw sa mga alamat na ito, Sa unang alamat ay Romantisismo samantalang ang ikalawa naman Humanismo Nakita sa pag-aaral na may bisa sa lipunan, kaisipan at damdamin ang parehong alamat. Ang kaisipan na nagkapagbigay impormasyon tungkol sa mga pinagmulan ng mga ito, Sa lipunan na nakakaimpluwensiya sa kultura ng pinagmulan nito. At may nakakamanghang pakiramdam matapos basahin o masuri ang mga ito.

Ang mga piling alamat ay nagiiwan ng magagandang aral, isa na rito ang pagiging mabuti sa mga tao at pagsasakripisyo ng pag-ibig para sa ikasasaya ng minamahal na nagpaganda at nagpahumaling basahin ang akda.

Sa kabuuan nito gumawa ng mga ilang rekomendasyon o mungkahing magpapakita ng pagpapahalaga sa mga guro, mag-aaral at sa mga susunod pang mananaliksik Malaki ang impluwensiya ng pagsusuring ito lalong lalo na sa mga kabataan ngayon at sa mga parating palang na henerasyon, may mababasa silang totoong kwento ng mga ito at makakapagpaalala kung paano nagsimula ang mga alamat.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library