Pagpapayaman ng Bokabularyong Filipino; baby boomers hanggang milenyals Violy Rosie De Guzman, Maurine Alboro Rebulta, [and] A-saira Beltran Reyes
Material type:
TextPublication details: 2019Description: x, 141 leaves, Illustrations, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .D3656 2019
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .D3656 2019 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1306 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2019
Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang mga piling salita simula Baby Boomers (1946-1964) hanggang Milenyals o Henerasyon Y (1980's-1990's) na magpapayaman ng bokabularyong Filipino. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 45 mamamayan ng Brgy. San Jose, Rodriguez Rizal.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibo-deskriptibong paraan ng pananaliksik. Ang instrumentong ginamit para sa pagkalap ng mga kinakailangang mga datos ay ang talatanungan na ibinatay sa iba't ibang tesis na may katulad sa kasalukuyang pag-aaral
Batay sa ginawang pakikipanayam, nabuo ang sumusunod na kinalabasan:
Sa nakalap na mga salita na maaring maidagdag o maiambag sa Bokabularyong Filipino simula Baby Boomers hanggang Milenyals ay ang mga sumusunod: astig, baduy, bagets, erpat, ermat, mudra, petmalu, lodi, gora, jeproks, jologs, yosi, gwapings at jowa
Ang mga katumbas na salita na tanggap sa Baby Boomers hanggang Milenyals ay ang mga sumusunod: lodi ay idol, astig ay tigasin, baduy ay wala sa uso, bagets ay kabataan, erpat ay tatay, ermat ay nanay, mudra ay nanay, petmalu ay malupit, gora ay alis, jeproks ay pagdadala ng damit, jologs ay baduy, yosi ay sigarilyo, gwapings ay pogi at jowa ay kasintahan.
Ginagamit sa kasalukuyan ang mga salita sa pamamagitan ng pagpopost sa social media bilang kapsyon sa bawat larawang pinopost o status, sa paggawa ng lyrics ng awitin, paggamit ng mga salita bilang dayalogo sa pelikula o teleserye at pakikipagkomunikasyon sa araw-araw at marami pang iba.
Batay sa ginawang pakikipanayam, nabuo ang sumusunod na
kongklusyon:
Ang maaaring maidagdag na salita sa Diksyunaryong Filipino simula Baby Boomers hanggang Milenyals ay Bagets, Ermat, Erpat, Jowa, Lodi at Petmalu.
Ang katumbas na salita na tanggap sa Baby Boomers hanggang Milenyals
ay Bagets ay Kabataan Ermat ay Nanay, Erpat ay Tatay, Jowa ay kasintahan, Petmalu ay Malupet at Lodi ay Idol.
Ginagamit ang mga salita sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpopost
sa social media, sa paggawa ng lyrics ng awitin, paggamit ng mga salita bilang dayalogo sa pelikula o teleserye at pakikipagkomunikasyon sa araw-araw.
Base sa kinalabasan sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon:
Magsagawa ng mga programa at ipagpatuloy ang pagbuo ng mga salita na magpapayaman sa Wikang Filipino.
Pahalagahan ang mga salita at gabayan ang mga anak sa mga salitang binibigkas at ginagamit sa tahanan.
There are no comments on this title.