Pagsusuri ng maikling kwento ng Bisaya na "si Pinkaw" ni Isabelo S. Sobrevega at "si Manang Merin Ug ang kasing ni Marcel Navarra/ Lyka Marie M. Gallardo, Rosemher T. Lucerio [and] Hannah Mae F. Montaner
Material type:
TextPublication details: 2023Description: xi, 65 leaves, Illustrations, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .G1357 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59.G1357 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1313 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2023
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang Maikling Kwentong Bisaya, ito ang mga akdang Si Pinkaw at Si Manang Merin Ug ang Kasing, upang alamin ang mga natatagong aral nito at malaman ang mga nilalaman ng nasabing akda.
Isang purong pananaliksik ang isinagawa upang matukoy at maibahagi ang mga nasuring akdang pampanitikan sa mga makababasa upang maunawaan ang aral ng mga ito. Ginamit sa pag-aaral na ito ang Pagsusuring Pampanitkan ni Genoveva Edroza-Matute. Upang mabigyan ng makatuwirang paglalarawan ang magagandang tagpo at ang mga pangunahing tauhan ay isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang pansariling kulturang pananaw at kapaligirang ginagalawan ng mga tao. Ang kaisipan, damdamin ng mga tauhan
ay binigyan din ng makatotohanang pagapapakahulugan at hindi kinaligtaan na isama ang mga karanasan ng mga tauhan sa pook na kinabibilangan. Sinuri at hinanap ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-aaral.
Unang akda na ang Si Pinkaw, ipinakita sa akda ang hindi matawarang pagmamahal ng isang ina na handang gawin ang lahat para lamang sa kaniyang mga anak. Itinaguyod ang tatlong anak sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura tila isang kahig isang tuka ang mag iina ngunit hindi nagawang surnuko ni Pinkaw dahil sa pagmamahal nito sa kaniyang mga anak. Ipinakita rin dito kung paano ang makatotohanang pagtrato sa mga mahihirap.
Samantala, ang ikalawang akda na Si Manang Merin Ug ang Kasing naman ay ipinakita ang paggawa ng tamang desisyon patungkol sa bagay na hindi kontrolado lalo na pag dating sa pag-ibig. Gaya na lamang ng paggawa ng desisyon ni Manang Merin patungkol sa hinihiling ng kaniyang kasintahan na ibigay ang kaniyang pagkababae rito. Ipinakita ng akdang ito na sa paggawa ng desisyon huwag laging puso ang pairalin kundi ang isip.
Sa isinagawang pag-aaral ay nakabuo ng mga angkop na konklusyon at rekomendasyon para sa mga susunod pang-magsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ang mga magaganda at makabuluhang tagpo ay siyang kabuuan ng isang Uri ng Akda, patunay dito ang mga aral na iniiwan nito sa mambabasa. Sa tulong ng Masining na paglalarawan ng mga tauhan at kapaligiran ay napalutang ang mga pangyayari bilang sangkap ng buhay. Ang mga tauhan ay nauuuri sa kanilang pangungusap, mula sa sinasabi ng iba, tungkol sa kanila at ipinapamalas ng kilos at mga galaw. Ang mga sinuring akda ay isang uri ng
panitikan ng kilala bilang Maikling Kwento na nagsasalaysay na maaaring hataw sa tunay na buhay o kathang isip lamang. Ang mga uri ng mga teorya na nakikita sa akdang nasuri ay ang mga Teoryang Sosyolohikal, Teoryang Realismo, at Teoryang Eksistensiyalismo. Mahalaga ang bisa ng panitkan upang makaakit, makatinag at magkaroon ng kabuluhan ang akda. Mabubuhay ang isang akda kung ito ay babasahin, at isabuhay ang mga aral.
Gamitin ang mga kaalamang natutunan, hindi lamang sa loob ng paaralan maging sa pang-araw-araw na buhay. Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay ng tao na nagpapakita ng isang tunay na karanasan na ginamit upang pamarisan ng iba. Isabuhay ang mga aral na matatagpuan sa akda at gamitin ito bilang pamantayan sa buhay. Ang mga asal na natutunan sa akda ay gamitin upang maging huwaran sa iba. Gamitin ang mga akdang pampanitkan upang paghugutan ng kalakasan sa pagiging mapagmasid, palaisip ng sa gayon ay maging matuwid sa pagpapasya. Pag-ibayuhin ang pagsulat ng mahusay na akdang pampanitikan upang higit na makilala ang panitikang Filipino at kagandahang tinataglay ng kulturang Filipino.
There are no comments on this title.