Uri ng tagapakinig at ang kahusayan sa pakikinig Isang pag-uugnay/ Alexandra Anne A. Almazan, Sarah jane B. Fernandez [at] Ma.Aurora M. Larda
Material type:
TextPublication details: 2016Description: xiii, 64 leaves; illustration, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .Al63 2016
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .Al63 2016 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1292 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2016
Layunin ng pag-aaral na ito na makuha ang mga uri ng tagapakinig na mga mag-aaral batay sa kanilang ipinapakitang pag-uugali sa loob ng klase at kung may makabuluhang pagkakaugnay ng uri ng tagapakinig sa kahusayan sa pakikinig. Sa pag-aaral na ito nabatid na ang uri ng tagapakinig na Sleeper Listener o mga tagapakinig na inaantok sa loob ng klase habang sila ay nakikinig. Ito ay may kabuang bilang na (14) at (11.7) na bahagdan. Ang sumunod na uri naman ng mga tagapakinig ay ang Tiger Listener o mga tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita. Sila ay may kabuuang bilang na (2) at (1.7) na bahagdan. Kabilang din dito ang mga mag-aaral na Bewilder Listener o mga tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maunawaan sa kanilang napakikinggan. Ang mga ito ay may kabuuang
bilang na (6) at (5.0) bahagdan. Ang sumunod ay ang Eager Beaver o mga tagapakinig na ngiti lamang ng ngiti at tangu ng tango ngunit hindi naman talaga nauunawaan ang napakikinggan. Ito naman ay may kabuuang bilang na (14) at (11.7) na bahagdan. Ang mga Busy Bee Listener naman o mga tagapakinig na abala sa ibang gawain habang sila ay nakikinig ay umabot sa kabuuang bilang na (34) at (28.3) na bahagdan. Ito ay isa sa pinakamataas o pinakamadaming bilang na nalikom ng mga tagapagsaliksik. Ang sumunod ay ang Frowner Listener o mga tagapkinig na wari bang palagi nalang may tanong o pagdududa sa mga napakikinggan. Ito ay may kabuuang bilang na (2) at (1.7) na bahagdan. Kabilang din dito ang mga Two-eared Listener, ang pinakaepektibong tagapakinig sa loob ng isang klase na nakakuha ng kabuuang bilang na (17) at (14.2) na bahagdan. Ang huling uri ng tagapakinig naman ay ang mga Relaxed Listener o mga uri ng tagapakinig na hindi kakikitaan ng anumang reaksyon sa kanilang napakinggan. Ito ay may kabuuang bilang na umabot sa (31) at (25.😎 na bahagdan. Sa kabuuan ito ay binubuo ng isang daan dalawangpu (120) na may bahagdan na isang daan (100%). Samakatuwid, ang may malaking bilang na tagatugon na nakakuha ng mataas na bahagdan ay ang uri ng tagapakinig na BusyBee.
Ang kahusayan ng mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang sa Mataas na Paaralan ng San Jose sa antas ng kanilang pakikinig. Ang pinakamababang puntos na nakuha ng mga mag-aaral ay tatlongpu't lima(35) na may kabuuang bilang na walongpu't anim (86) at may bahagdan na (71.67%). Ang pinakamataas na puntos naman na nakuha ng mga mag-aaral ay apatnapu't anim (46) at may bahagdan na (0.83%) at may mean na 43.79. Batay sa resulta sa pagitan ng uri ng tagapakinig at antas ng kahusayan sa pakikinig na may P-value 068 na mas mababa sa lebel na 0.05. Ito ay nangangahulugan na walang kaugnayan ang antas ng kahusayan sa pakikinig at uri ng tagapakinig na mayroon ang mga mag-aaral sa kanilang abilidad sa asignaturang Filipino. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral na naisakatuparan ng mga mananaliksik at pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon at mungkahi upang mapagtuunan ang mga uri ng tagapakinig at ang kahusayan sa pakikinig ng mga mag-aaral. Batay sa mga datos na nalikom mula sa mga tagatugon ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na impormasyon na nakuha:
Ang kahusayan ng mga mag-aaral ay hindi naaayon sa paguugali na kanilang ipinapakita. Sapagkat mas marami na mga mag-aaral ang nakakuha ng mababang iskor na nasa interpretasyong berbal na hindi mahusay at kaunti lamang ang nakakuha ng mataas na iskor na may interpreatsyong berbal na pinakamahusay. Sa pag-aaaral na ito natukoy ng mga mananaliksik na ang uri ng tagapakinig na mga mag-aaral ay walang makabuluhang pagkakakugnay sa kahusayan sa pakikinig sa ika-siyam na baitang ng Mataas na Paaralan ng San Jose. Sa mga mag-aaral, Pag ibayuhin pa ang pagbibigay halaga sa asignaturang Filipino, nawa'y maging daan ang pag-aaral na ito upang paghusayan pa nila ang kanilang pag-aaral. Sa mga guro, Patuloy pang bigyan ng mahusay na paghikayat ang mga mag-aaral tungo sa mabisang pakikinig. At sa mga namumuno, Ipagpatuloy pa ang magandang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral.
There are no comments on this title.