Paggamit ng komiks sa pagtuturo ng ibong Adarna/ Kelsey Ann J. De Guzman, Erika O. Gomez [at] John Lingkou B. Tugano
Material type:
TextPublication details: 2019Description: x, 91 leaves; illustrations, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .D3656 2019
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .D3656 2019 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1302 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2019
Ang pananaliksik na ito ay naglayong malaman ang paggamit ng komiks sa pagtuturo ng Ibong Adarna sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralan ng Montalban Heights.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong-kwalitatibong Pananaliksik, ito ay tumutukoy sa malinaw na pagbibigay ng tiyak na interpretasyon at kuro-kuro batay sa mga pakikipanayam.
Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay may bilang na dalawampu't limang mag-aaral mula sa ika-walong baitang at limang guro sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Montalban Heights taong 2018-2019, na may kabuuan bilang na tatlumpu (30).
Batay sa mga datos na nakalap natuklasan ang ang mga sumusunod:
Ang araling Ibong Adama ay mas naunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng komiks sa pag-aaral sapagkat ito ay may mga larawan. Ayon nga sa mga guro ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay Visual Leamer, na kung saan higit na natututo ang mag-aaral sa paggamit ng mga materyales na nakikita at mayroong malinaw na paglalarawan.
Sa paraang pakomiks nailalahad ang araling Ibong Adarna ng malinaw at tiyak. Sa ganitong paraan din nauunawaan ng lubos ang tinatalakay sa tulong ng ng mga makukulay na larawang nakalahad. Ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mga mensahe at diwang nilalaman ng panitikang Ibong Adarna.
Kung kaya't mas napupukaw ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng araling Ibong Adarna. Ang paraang ito ay mayroong magandang naidudulot sa
You sent
pag-aaral bilang estratehiya ngunit hindi pa rin dapat ituon lamang ang buong atensyon sa mga larawan. Mahalagang pa ring pagtuunan ng pansin ang paraan ng paglalahad ng araling Ibong Adarna tulad sa orihinal na anyo nito.
Batay sa isinasagawang panayam ang mga mananaliksik ang mga sumusunod ang nabuong konklusyon: Una, mas madaling unawain ang isang panitikan gamit ang komiks sa pagtalakay ng panitikan sa tulong ng mga larawan. Pangalawa, maayos nailalahad ang aralin sa paraang pakomiks sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga pangyayaring nagaganap sa kwento. At panghuli, magandang gamitin ang komiks sa pag-aaral ng araling Ibong Adarna sapagkat napupukaw ang interes ng mag-aaral sa pamamagitan ng malinaw na paglalarawan para sa lubusang pagkatuto.
Ayon naman sa mga kongklusyon nabuo ang rekomendasyon ng pag-aaral.
Ang komiks ay maaaring ikonsidera ng mga guro bilang pandagdag sa kagamitang pampagtuturo ng Ibong Adarna na makatutulong sa kaunlarang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Ibong Adarna.
There are no comments on this title.