Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum: Batayan sa mungkahing alternatibong pamamaraan/ Rowena S. Anastacio, Mary Joy P. Bandola [at] Shaira Ann R. Columna

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2016Description: xv. 65 leaves; illustrations, 28cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .An15 2016
Dissertation note: Undergraduate Thesis Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2016 Summary: Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay malaman ang suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum sa District II Rodriguez Rizal. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may kabuuang bilang na tatlumpu (30) mula sa iba't-ibang piling paaralan sa District II Rodriguez (San Isidro NHS, Mascap NHS, MNHS-Puray Annex, Macabud NHS, at Macaingalan NHS) Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng iba't-ibang paraan ng pangangalap ng datos upang maging kapakipakinabang ang pag-aaral na ito. Nabuo ang instrumentong ginamit sa pamamagitan ng pananaliksik sa internet, pakikipanayam sa mga piling guro at pagsaliksik sa sild-aklatan ng Munisipyo ng Rodriguez at URS. Sa pagsasagawa ng aming pag-aaral, unang ginawa ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay ng talatanungan ukol sa propayl ng mga tagatugon Edad at Kasarian. Ang ikalawa ay ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga tagatugon, batay sa Ispesyalisasyon at Bilang ng taon sa pagtuturo ng Filipino. Ang ikatlo ay ang pagpapasagot sa mga tagatugon ng tseklist na naglalaman ng suliranin sa Kurikulum, Pamamaraan sa Pagtuturo at Kagamitang Pampagtuturo kung saan nakalahad ang ilan ng mga suliranin ng guro sa asignaturang Filipino sa K-12. Sa kinalabasan ng pag-aaral sa Propayl ng mga tagatugon ay mas marami ang ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (26-30). Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Batay naman sa Kwalipikasyong Edukasyonal, batay sa Ispesyalisasyon ay mas marami ang medyor sa Filipino at sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5). Batay sa antas ng suliranin ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum, una ay ang kurikulum, nakakuha ito ng kabuuang mean iskor na dalawa punto siyam na pu't walo (2.98) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin habang sa pamamaraan ng pagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu (2.80) at may interpretasyon berbal na katamtamang suliranin samantalang sa kagamitang pampagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu't tatlo (2.83) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin. Batay sa makabuluhang pagkakaiba sa pananaw ng mga tagatugon sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl, sa unang hanay na edad Ito ay nakakuha ng f-value na 3.004 at p-value na 0.459, sa ikalawang hanay na kasarian ito ay may t-value na 2.05 at p-value na 0.755, sa ikatlong hanay na ispesyalisasyon ito ay may f-value na 3.14 at p-value na 0.54 samantalang sa ikaapat na hanay na bilang ng taon sa pagtuturo sa Filipino ay may f-value na 2.57 at p-value na 0.97. Sa kabuuang resulta sa propayl ng mga tagatugon ang f-value at p-value ay mas mataas sa antas ng significance na 0.05 kung kaya't hindi tinanggap samakatuwid ay walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga tagatugon sa suliranin na kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl. Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Batay sa Propayl ng mga tagatugon sa unang bahagi ay mas marami ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (26-30). Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Sa ikalawang bahagi ay Kwalipikasyong Edukasyonal, na batay sa Ispesyalisasyon na mas marami ang medyor sa Filipino habang sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5). Ang mga suliranin ng mga guro sa kurikulum, pamamaraan ng pagtuturo, kagamitan pagtuturo, sa K-12 ay lumalabas sa kabuuan na katamtamang suliranin lamang. Batay sa kinalabasan walang makabuluhang pagkakaiba ang suliraning kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl. Sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang pagtuunan ng pansin ang mga nabanggit na suliranin. Sa mga guro: Maging hamon ang mga suliranin upang mas mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kasanayan upang mas maging epektibong guro na siyang huhubog sa kakayahan ng mag-aaral. Sa mga mananaliksik: Gamitin upang maging mahusay at epektibong guro sa hinaharap. Sa mga tagapangasiwa: Bigyang pansin ang mga nailahad na suliranin at maipagpatuloy ang magandang simulain sa pagpapataas ng antas ng Edukasyon at pagsasaayos ng sistema ng ating edukasyon tungo sa globalisadong bansa.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .An15 2016 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1274

Undergraduate Thesis
Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2016

Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay malaman ang suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum sa District II Rodriguez Rizal.

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may kabuuang bilang na tatlumpu (30) mula sa iba't-ibang piling paaralan sa District II Rodriguez (San Isidro NHS, Mascap NHS, MNHS-Puray Annex, Macabud NHS, at Macaingalan NHS)

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng iba't-ibang paraan ng pangangalap ng datos upang maging kapakipakinabang ang pag-aaral na ito. Nabuo ang instrumentong ginamit sa pamamagitan ng pananaliksik sa internet, pakikipanayam sa mga piling guro at pagsaliksik sa sild-aklatan ng Munisipyo ng Rodriguez at URS. Sa pagsasagawa ng aming pag-aaral, unang ginawa ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay ng talatanungan ukol sa propayl ng mga tagatugon Edad at Kasarian. Ang ikalawa ay ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga tagatugon, batay sa Ispesyalisasyon at Bilang ng taon sa pagtuturo ng Filipino. Ang ikatlo ay ang pagpapasagot sa mga tagatugon ng tseklist na naglalaman ng suliranin sa Kurikulum, Pamamaraan sa Pagtuturo at Kagamitang Pampagtuturo kung saan nakalahad ang ilan ng mga suliranin ng guro sa asignaturang Filipino sa K-12.

Sa kinalabasan ng pag-aaral sa Propayl ng mga tagatugon ay mas marami ang ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (26-30). Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Batay naman sa Kwalipikasyong Edukasyonal, batay sa Ispesyalisasyon ay mas marami ang medyor sa Filipino at sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5).

Batay sa antas ng suliranin ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum, una ay ang kurikulum, nakakuha ito ng kabuuang mean iskor na dalawa punto siyam na pu't walo (2.98) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin habang sa pamamaraan ng pagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu (2.80) at may interpretasyon

berbal na katamtamang suliranin samantalang sa kagamitang pampagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu't tatlo (2.83) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin.

Batay sa makabuluhang pagkakaiba sa pananaw ng mga tagatugon sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl, sa unang hanay na edad Ito ay nakakuha ng f-value na 3.004 at p-value na 0.459, sa ikalawang hanay na kasarian ito ay may t-value na 2.05 at p-value na 0.755, sa ikatlong hanay na ispesyalisasyon ito ay may f-value na 3.14 at p-value na 0.54 samantalang sa ikaapat na hanay na bilang ng taon sa pagtuturo sa Filipino ay may f-value na 2.57 at p-value na 0.97. Sa kabuuang resulta sa propayl ng mga tagatugon ang f-value at p-value ay mas mataas sa antas ng significance na 0.05 kung kaya't hindi tinanggap samakatuwid ay walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga tagatugon sa suliranin na kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Batay sa Propayl ng mga tagatugon sa unang bahagi ay mas marami ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (26-30). Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Sa ikalawang bahagi ay Kwalipikasyong Edukasyonal, na batay sa Ispesyalisasyon na mas marami ang medyor sa Filipino habang sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5). Ang mga suliranin ng mga guro sa kurikulum, pamamaraan ng pagtuturo, kagamitan pagtuturo, sa K-12 ay lumalabas sa kabuuan na katamtamang

suliranin lamang. Batay sa kinalabasan walang makabuluhang pagkakaiba ang suliraning kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl.

Sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang pagtuunan ng pansin ang mga nabanggit na suliranin.

Sa mga guro: Maging hamon ang mga suliranin upang mas mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kasanayan upang mas maging epektibong guro na siyang huhubog sa kakayahan ng mag-aaral.

Sa mga mananaliksik: Gamitin upang maging mahusay at epektibong guro sa hinaharap.

Sa mga tagapangasiwa: Bigyang pansin ang mga nailahad na suliranin at maipagpatuloy ang magandang simulain sa pagpapataas ng antas ng Edukasyon at pagsasaayos ng sistema ng ating edukasyon tungo sa globalisadong bansa.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library