Kultura ng pangongopya ng mga Mag-aaral/ Ma. Paula Guevarra Antona, Angelie Gruta Laurio [and] Jamaica Dela Rosa Ropera
Material type:
TextPublication details: 2018Description: x. 91 leaves illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .An886 2018
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .An886 2018 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not for loan | URSROD-UGT-FIL-1543 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2018
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman na ang pangongopya ay maituturing na kultura para sa mga mag-aaral. Pangongopya na isang mabigat na pang-akademikong isyung naiisang-tabi gayung maaring humantong sa sukdulan. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang maglahad ng mga
patunay na ang pangongopya ng mga mag-aaral ay maituturing nang kultura.
Ang mga mananaliksikay gumamitngKwalitatibong Deskriptibong
Pamamaraan sa pananaliksik, ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng interpretasyon batay sa obserbasyon at pakikipanayam na naging katanggap-tanggap batay sa nakalap na mgaimpormasyon.Ang mga sumusunod ang naging kinalabasan ng pag-aaral:
Ang iba't-ibang mga kaparaanan sa pangongopya ay pagggamit ng "sign-
language" o pagsenyas ng kasagutan sa kamag-aral, "laglag-bolpen", "giraffe style", at "exorcism method"
Ang karaniwang dahilan kung bakit nangongopya ang mga mag-aaral ay hindi nakapag-rebyu ng mga nakaraang talakayan, hindi naintindihan ang itinurong leksyon ng guro, at takot na mapahiya at pagalitan ng magulang kung bumagsak sa markahan.
Samantala, ang karaniwang nagiging suliranin sa pagsasagawa ng pangongopya ay kung hindi nagbibigay ng kasagutan ang kamag-aral, wala ring kasagutan ang kamag-aral, mali ang nakopya sa kamag-aral, at mahigpit na nagbabantay ang guro sa pagsasagawa ng pagsusulit.
Ayon sa kanila, ang mabuting naidudulot ng pangongopya ay tiyak na
pagtaas ng kanilang grado at pagkapasa nang walang pagod sa pagaaral.
Ngunit, ang di-mabubuting naidudulot naman nito aynatututo silang mandaya sa ganitong sitwasyon ng kagipitan, napagtatantong niloloko ang sarili sapagkat nakakapasa ngunit walang natututunan, at hindi napauunlad ang sarili bagkus bumababa ang moralidad.
Sa huli, upang maiwasan ang pangongopya, nag-iwan silang mga mungkahi para sa mga kapwa mag-aaral na lalong magsumikap sa pag-aaral upang maiwasan na ang pangongopya at mungkahi para sa mga guro na bigyang buhay at marapating iugnay ang pagtuturo sa reyalidad ngbuhay
gayundin ang pagkakaroon pa ng mga makabagong estratehiya sa pagtuturo at pagbibigay ng pagsusulit.
Sa pagsasagawa ng pagaaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na
konklusyon;
Mas marami ang lalaking nangongopya kaysa babae.
Talamak ang pangongopya sa mga mag-aaral ng sekondarya.
ISinasagawa ang pangongopya ng mga mag-aaral sa tuwing hindi nakapag-aral para sa darating na pagsusulit.
Ang palihim na pagtatanong sa katabi at sa pamamagitan ng sign
language ang mga paraang ginagamit ng mga mag-aaral sa pangongopya.
Nagiging suliranin nilasa pangongopya ang hindi pagbibigay ng kasagutan ng kanilang katabi at mahigpit na pagbabantay ng guro habang isinasagawa ang pagsusulit.
Lumalabas na tumataas ang kanilang grado at naipapasa nila ang mga
pagsususlit dahil sa pangongopya. Kadalasan nilang sinasabi na wala silang natututunan at dinadaya ang sarilisapagkat nakapapasa lamang sila sa
markahan dahil nandaya lamang upang mapabuti ang grado. Dapat ay paghusayan pa ang pag-aaral ng mga mga mag-aaral at makinig ng mabuti sa mga itinuturo ng guro upang maiwasan ang pangongopya.
Mula sa kinalabasan na isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod na mungkahi ay nabuo upang maipakita at mapatunayan na ang pangongopya ay isang kulturang maituturing.
Iminumungkahi sa mga guro na gawing madali para sa mga mag-aaral ang pagsusulit. Mainam na gawing kawili-wili ang pagtuturo at dumiskubre ng
mga kapamaraanan na epektibong makakapagpabatid sa mga mag-aaral ng mga leksyon na eengganyo sa kanila upang aktibong makilahok at magbahagi
ng kanilang mga saloobin sa klase:
Iminumungkahi naman sa mga mag-aaral na sikaping makinig mabuti sa mga itinuturo ng guro at aralin ang mga ito upang maging handa sa mga
pagsusulit at hindi na mangopya pa.
Matutong tumayo sa sariling mga paa at huwag umasa sa kakayahan ng
iba, bagkus, magtiwala sa sarili bilang bahagi ng pagpapaunlad ng pagkatao.
Higit sa lahat, hindi dapat ikinasasaya ang ginagawang mali sapagkat
hindi natin malalaman ang ating tunay na kakayahan kung mandaraya lamang.
There are no comments on this title.