Pagsusuri sa maikling kuwentong "Di mo masilip and langit" ni Benjamin Pascual/ Nove Kate J. Sanchez [and] Roniel R. Precioso
Material type:
TextPublication details: 2022Description: xi, 65 leaves illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .Sa551 2022
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .Sa551 2022 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1559 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2022
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang akdang DI MO MASILIP ANG LANGIT ni Benjamin Pascual, upang alamin ang nilalaman at kahalagahan ng nasabing akda.
Literary Research o Pananaliksik Pampanitikang disenyo ang ginamit ng
mga mananaliksik sa pag-aaral na ito dahil layunin nito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga mambabasa at mapahalagahan ang panitikan sa pamamagitan
ng paghimay ng nilalaman ng mga akdang sinuri upang mabigyang katuturan ang mga katanungan at mga pahayag batay sa balangkasng panunuring pampanitikang ginamit
Ginamit sa pag-aaral na ito bilang instrumento ang Batayang Pagsusuri ni
Nenita Papa upang luboş na maunawaan at mabigyang linaw ang mga nilalaman ng akda Ang kaisipan, damdamin ng mga tauhan ay binigyan din ng
makatotohanang pagapapakahulugan at hindi kinaligtaan na isama ang mga karanasan ng mga tauhan sa pook na kinabibilangan. Sinuri at hinanap ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-aaral.
Ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Pagpili ng akdang susuriin, Pagbasa at pag-unawa sa akda, Paglalapat ng balangkas ng panunuring pampanitikan ni Nenita Papa, Aktwal na pagsusuri;
Panghuling hakbang ay pagbuod ng pag-aaral at pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon. Nilagom ng mga mananaliksik ang mga resulta ng suliranin sa
pag-aaral. Batay rito ay nakabuo ang mga mananaliksik ng angkop na konklusyon at rekomendasyon upang magsilbing sanggunian ng mga susunod na mga manunuri at mambabasa ukol sa mga akdang sinuri.
Ang akdang sinuri ay magkikintal sa mga mambabasa ng napakahalagang
aral na maaaring makapagbago ng kanilang pananawsa
buhay Ang
nagsisilbing pinakasangkap ng akdang sinuri ay ang mga pangunahing tauhan ng kwento dahil mas nabigyan ng kalinawan ang mga pangyayari mula sa paglalarawan sa kanila ng tagapagsalaysay, maging ng ibang tauhan at higit sa lahat batay sa ipinamalas nilang kilos o gawi. Ang sinuring akda ay isang uri ng akdang pampanitikan na Maikling Kwento, ito ay salaysay na halaw sa tunay na buhay o kathang-isip lamang Itoy tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay na kinasasangkutan ng isa o higit pang mga tauhan Ang uri ng mga teoryang ipinakita sa akda ay Teoryang Moralistiko, Teoryang Eksistensyalismo, Teoryang Realismo, at Teoryang Sikolohikal. Mahalaga ang kabisaan ng panitikan upang makapagkintal, makatinag at magbigay ng kabuluhan ang akda.
Ito'y nagbubukas ng kaisipan at damdamin ng mambabasa ukol sa mga pangyayarisa kanilang buhay maging sa lipunan tungo sa magandang kinabukasan.Ang isang akda ay mananatiling buhay kung ito'ypatuloy na
pinag-aaralan at isinasabuhay dahil ang tanging kayamanan ng isang bansa ay ang angking panitikan nito na di mapapalitan o mabibilininuman.Ang aral na nagpapalutang ng karanasan, pananaw,saloobin at kaalamanng isang
manunulat maging ng mambabasa ang nagsisilbing pinakasangkap ng mga akda.
Isabuhay ang mga aral sa mga akdang binasa at gamitin bilang pamantayan sa buhay. Ang panitikan ay nagpapaalala sa kulturang kinagisnan kaya't pahalagahan at patuloy itong pag-aralan upang mas lalo pang mapaunlad para sa mga susunod na henerasyon. Ito rin ay sumasalamin sa tunay na buhay at
karanasan ng isang tao, kaya't ginagamit nila ito upang maipahayag ang kanilang kaisipan, saloobin at damdamin. Gamitin ang kaalaman at pagiging malikhain sa pagbuo o pagsulat ngakdangpampanitikan upang mapalutang ang makabagong
Pilipino. Ang asal na nakukuha sa akdang binabasa ay isabuhay at gamitin bilang inspirasyon sa araw-araw tungo sa pagiging mabuting tao, Patuloy na pag-aralan at palaguin ang panitikang Pilipino dahil ito'y ating kayamanan na hindi mananakaw ninuman.
There are no comments on this title.