Saloobim ng mga Mag-aaral sa synchronous at asynchronous sa pagkatuto ng asignaturang filipino/ Abel N Olegario, Robert M. Avila [and] Queenielyn L. Camo
Material type:
TextPublication details: 2023Description: xi, 67 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59Â .Ol24 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .Ol24 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1310 |
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2023
Ang pag-aaral na ito ay nilayong matuklasan ang iba't ibang saloobin ng mga mag-aaral sa synchronous at asynchronous sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Tagumpay National High School na matatagpuan sa bayan ng Rodriguez, Rizal. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may kabuoang labinlimang mag-aaral, mula sa ikasiyam (9) na baitang sa Tagumpay National High School. Nahahati ang labinlimang tagatugon sa tatlong pangkat, lima sa bawat pangkat.
Ang pananaliksik ay ginamitan ng Purposive Sampling Technique kung saan pumili ng mga respondente batay sa katangian upang matugunan ang layunin ng pag-aaral. Gumamit din ng kwalitatibong pamamaraan (Qualitative Method). Phenomenolohiy, ang pag-aaral na naglalayong maunawaan ang mga saloobin ng mga mag-aaral patungkol sa synchronous at asynchronous sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang mga mag-aaral ay pinayanam ng mga mananaliksik at binigyan ng ilang mga open-ended na tanong bilang sarbey.
Batay sa mga datos na nalikom mula sa mga mag-aaral na tagatugon ng pag-aaral, ito ang mga sumusunod na buod na natuklasan ng mga mananaliksik.
Nalaman ng mga mananaliksik ang mga standards o mga pamantayan ng mga mag-aaral upang maging mabisa ang pagkatuto ng asignaturang Filipino kahit na ito ay nagaganap sa paraang online. Natuklasan din ng mga mananaliksik ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa paraang synchronous at asynchronous.
Naging makabuluhan ang pakikipanayam ng mga mananaliksik dahil nalaman ng mga mananaliksik maraming mag-aaral ang natututo sa paraang synchronous sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Bilang konklusyon, maraming guro sa Filipino ang gumagamit ng iba't ibang paraan ng pagtuturo sa sychronous at asynchronous na klase. Ang mga mag-aaral ay may iba't ibang pamantayan upang masabing epektibo ang pagkatuto ng asignaturang Filipino sa paraang synchronous at asynchronous
Bilang Rekomendasyon, ang mga guro ay mas lawakan pa ang paraan ng pagtuturo sa synchronous at asynchronous ng sagayon ay maging interaktibo ang pag-aaral at marami pang matutunan ang mga mag-aaral.
You sent

There are no comments on this title.