Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Ang tulang "Poste" ni Jason G. Tabinas at "Takaan" ni Mark Anthony S. Angeles: Isang panunuring Pampanitikan/ Mostajo, Ronalyn A.

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2022Description: xii, 64 leaves; illustrations 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): LOC classification:
  • .M8558 2022
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2022 Summary: Layunin ng Pag-aaral na ito na suriin ang dalawang akdang tula na kapwa nagkamit ng gantimpala sa Timpalak-Palanca, Ang Tulang "Poste" ni Jason G. Tabinas at "Takaan" ni Mark Anthony S. Angeles. Dahil naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga tula ay mapahahalagahan ang mga ito at patuloy pang mapa-uunlad ang panitikan. Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang Purong Pananaliksik at Literaturang Pag-aanalisa ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro o interpretasyon sa tulang "Poste" at "Takaan". Sinimulan ang pag-aaral na ito sa pagbuo ng mga pamagat na gustong pagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik sa huli ay pinili at inaprobahan ng aming guro ang pamagat na Ang Tulang "Poste" Ni Jason G. Tabinas At "Takaan" Ni Mark Anthony S. Angeles: Isang Panunuring Pampanitikan. Naghanap ang mga mananaliksik ng ilang mga impormasyon at kagamitan na kinakailangan para sa pag-aaral, kumuha rin ng mga ideya ang mga mananaliksik sa mga libro, internet at mga kaugnay na pag-aaral o tesis na magiging batayan na isasagawang pag-aaral. Matapos na makakalap ng mga kaugnay na mga impormasyon at gabay ay sinumulan na ng mga mananaliksik ang pagsusuri sa dalawang tulang napili gamit ang gabay sa pagsusuri ng tula ni Patrocinio "Pat" Villafuerte. Sakop ng pagsusuri ng tula na ito ay ang kung anong uri ng tula, anyo ng tula, mga tayutay na ginamit, simbolismong ginamit, kaisipan, aral, at mga teoryang pampanitikan na nakapaloob sa tula. Matapos na masuri ang tula ay natuklasan ng mga mananaliksik na ang dalawang akdang sinuri ay nagtataglay ng kanya kanyang mga katangian at kaisipan na nakapaloob sa mga ito. Mayroon man itong mga pagkakalba ay kapwa naman ito nagpapahayag ng damdamin ng mga makata, bukod dito ay nabatid ng mga mananaliksik na gumamit ng mga makahulugang simbolo at mga tayutay ang mga makata na nakapag bigay kulay sa kanilang mga akda. Ang dalawang akda ay naglalaman ng mga kalsipan at aral na maaaring isabuhay ng mga mambabasasa sa Tulang Takaan ay nakatuon ang kaisipan sa hindi matatawarang pananampalataya at pagsamba ng isang tao. Sa akdang "Poste" naman ay nais Iparating nito na walang Imposible sa pamilyang nagtutulungan, walang problemang hindi kayang lutasin at lagpasan kung ang pamilya ay nagtutulungan. Bagaman't ang uri ng tula na "Poste" at "Takaan" ay nakapaloob sa Tulang Pasalaysay dahil ang makata ay inilalahad ang karanasan o pangyayari sa pamamagitan ng tula at hindi kinakitaan ng mga sintunog sa bawat taludtud ay napanatili pa rin naman nito ang kariktan ng isang tula. Base sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod na mungkahi ay nabuo upang mapahalagahan at mapaunlad pa ang kalagayan ng Tula at Panitikan. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na pagtuunan din ng pansin ang paggamit ng iba pang mga uri ng tula upang mapanatili at Mapaunlad pa ang mga ito. Panatilihin ang paggamit ng mga anyong Tradisyunal na Tula, Gumamit ng mga Tayutay upang maayos na mailahad ang mga ito sa masining na pamamaraan. Panatilihin ang paggamit ng mga Imahen/Simbolismo upang Kumatawan sa malalaking ideya bukod dito Sa paglikha ng tula kailangang palitawin ang kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang nais na Iparating na mensahe ng tula, Panatilihin na naglalaman ng mga aral sa buhay Inirerekomenda ng mga mananaliksik na pagtuunan din ng pansin ang paggamit ng iba pang mga uri ng tula upang mapanatili at Mapaunlad pa ang mga ito. Panatilihin ang paggamit ng mga anyong Tradisyunal na Tula, Gumamit ng mga Tayutay upang maayos na mailahad ang mga ito sa masining na pamamaraan. Panatilihin ang paggamit ng mga Imahen/Simbolismo upang Kumatawan sa malalaking ideya bukod dito Sa paglikha ng tula kailangang palitawin ang kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang nais na iparating na mensahe ng tula, Panatilihin na naglalaman ng mga aral sa buhay ang mga likhang Tula upang malsabuhay ng mga mambabasa ang mga aral na matatagpuan sa akda at Malinaw na alamin ng makata ang TeoryangPampanitikan na gagamitin sa pagsulat ng tula dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mambabasa kung ano ang pangunahing layunin ng makata sa isinulat na tula. ang mga likhang Tula upang maisabuhay ng mga mambabasa ang mga aral na matatagpuan sa akda at Malinaw na alamin ng makata ang Teoryang Pampanitikan na gagamitin sa pagsulat ng tula dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mambabasa kung ano ang pangunahing layunin ng makata sa isinulat na tula
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses .M8558 2022 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1537

Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2022

Layunin ng Pag-aaral na ito na suriin ang dalawang akdang tula na kapwa nagkamit ng gantimpala sa Timpalak-Palanca, Ang Tulang "Poste" ni Jason G. Tabinas at "Takaan" ni Mark Anthony S. Angeles. Dahil naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga tula ay mapahahalagahan ang mga ito at patuloy pang mapa-uunlad ang panitikan.

Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang Purong Pananaliksik at Literaturang Pag-aanalisa ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro o interpretasyon sa tulang "Poste" at "Takaan".

Sinimulan ang pag-aaral na ito sa pagbuo ng mga pamagat na gustong pagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik sa huli ay pinili at inaprobahan ng aming guro ang pamagat na Ang Tulang "Poste" Ni Jason G. Tabinas At "Takaan" Ni Mark Anthony S. Angeles: Isang Panunuring Pampanitikan.

Naghanap ang mga mananaliksik ng ilang mga impormasyon at kagamitan na kinakailangan para sa pag-aaral, kumuha rin ng mga ideya ang mga mananaliksik sa mga libro, internet at mga kaugnay na pag-aaral o tesis na magiging batayan na isasagawang pag-aaral.

Matapos na makakalap ng mga kaugnay na mga impormasyon at gabay ay sinumulan na ng mga mananaliksik ang pagsusuri sa dalawang tulang napili gamit ang gabay sa pagsusuri ng tula ni Patrocinio "Pat" Villafuerte. Sakop ng pagsusuri ng tula na ito ay ang kung anong uri ng tula, anyo ng tula, mga tayutay na ginamit, simbolismong ginamit, kaisipan, aral, at mga teoryang pampanitikan na nakapaloob sa tula. Matapos na masuri ang tula ay natuklasan ng mga mananaliksik na ang dalawang akdang sinuri ay nagtataglay ng kanya kanyang mga katangian at kaisipan na nakapaloob sa mga ito. Mayroon man itong mga pagkakalba ay kapwa naman ito nagpapahayag ng damdamin ng mga makata, bukod dito ay nabatid ng mga mananaliksik na gumamit ng mga makahulugang simbolo at mga tayutay ang mga makata na nakapag bigay kulay sa kanilang mga akda. Ang dalawang akda ay naglalaman ng mga kalsipan at aral na maaaring isabuhay ng mga mambabasasa sa Tulang Takaan ay nakatuon ang kaisipan sa hindi matatawarang pananampalataya at pagsamba ng isang tao. Sa akdang "Poste" naman ay nais Iparating nito na walang Imposible sa pamilyang nagtutulungan, walang problemang hindi kayang lutasin at lagpasan kung ang pamilya ay nagtutulungan.

Bagaman't ang uri ng tula na "Poste" at "Takaan" ay nakapaloob sa Tulang Pasalaysay dahil ang makata ay inilalahad ang karanasan o pangyayari sa pamamagitan ng tula at hindi kinakitaan ng mga sintunog sa bawat taludtud ay napanatili pa rin naman nito ang kariktan ng isang tula.

Base sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod na mungkahi ay nabuo upang mapahalagahan at mapaunlad pa ang kalagayan ng Tula at Panitikan.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na pagtuunan din ng pansin ang paggamit ng iba pang mga uri ng tula upang mapanatili at Mapaunlad pa ang mga ito. Panatilihin ang paggamit ng mga anyong Tradisyunal na Tula, Gumamit ng mga Tayutay upang maayos na mailahad ang mga ito sa masining na pamamaraan. Panatilihin ang paggamit ng mga Imahen/Simbolismo upang Kumatawan sa malalaking ideya bukod dito Sa paglikha ng tula kailangang palitawin ang kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang nais na Iparating na mensahe ng tula, Panatilihin na naglalaman ng mga aral sa buhay Inirerekomenda ng mga mananaliksik na pagtuunan din ng pansin ang paggamit ng iba pang mga uri ng tula upang mapanatili at Mapaunlad pa ang mga ito. Panatilihin ang paggamit ng mga anyong Tradisyunal na Tula, Gumamit ng mga Tayutay upang maayos na mailahad ang mga ito sa masining na pamamaraan. Panatilihin ang paggamit ng mga Imahen/Simbolismo upang Kumatawan sa malalaking ideya bukod dito Sa paglikha ng tula kailangang palitawin ang kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang nais na iparating na mensahe ng tula, Panatilihin na naglalaman ng mga aral sa buhay ang mga likhang Tula upang malsabuhay ng mga mambabasa ang mga aral na matatagpuan sa akda at Malinaw na alamin ng makata ang TeoryangPampanitikan na gagamitin sa pagsulat ng tula dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mambabasa kung ano ang pangunahing layunin ng makata sa isinulat na tula.

ang mga likhang Tula upang maisabuhay ng mga mambabasa ang mga aral na matatagpuan sa akda at Malinaw na alamin ng makata ang Teoryang Pampanitikan na gagamitin sa pagsulat ng tula dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mambabasa kung ano ang pangunahing layunin ng makata sa isinulat na tula

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library