Pagsusuri sa Maikling kwentong "Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra" ni Lualhati Bautista/ Jessa A. Potot [and] Jodelyn D. Venancio
Material type:
TextPublication details: 2022Description: xi, 49 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .P849 2022
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .P849 2022 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1519 |
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2022
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang maikling kwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista upang alamin ang mga natatagong aral nito at malaman ang mga nilalaman ng nasabing akda. Isang panunuring pampanitikan ang isinagawa upang matukoy at maibahagi ang mga nasuring akdang pampanitikan sa mga makakabasa upang maunawaan ang aral ng mga ito.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang Pagsusuring Pampanitikan ni Nenita Papa. Upang mabigyang paglalarawan ng mga pangunahing tauhan ay isinaalang-alang ng mga mananliksik ang pansariling kulturang pananaw at kapaligirang ginagalawan ng mga tao. Ang kaisipan, damdamin ng mga tauhan aybigyang diin ng makatotohanang pagpapakahulugan at hindi kinaligtaan na isama ang mga karanasan ang mga tauhan sa pook na kinabibilangan. Sinuri at hinanap ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-aaral. Ipinakita sa akda na ito katotohanang nangyayari sa tunay na buhay na ang mga bawat kaganapan ay sinuri at kapupulutan ng aral ng mga manananaliksik at mambabasa, ang mga tauhan sa akdang ito kinakitaan ng ibat ibang uri ng tao na masasabing ito ay tunay ngang nangyayari sa kasalukuyan. Ang Tatlong Kwento ng buhay ni Julian Candelabra ay minumulat ang ating Isipan sa realidad ng buhay na tayobilang tao sa ating buhay nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin lubos malaman na dadalhin tayo ng bugso ng damdamin sa kapahamakan o makakapagtulaksa atin upang manakit ng kapwa natin.
Ang tauhan na si Julian Candelabra ay nag taglay at nag pakita ng kahinaan ng loob at kapusukan sa pangyayari ng kaniyang buhay. Na ang kaniyang bugso ng damdamin ay siyang nag tulak sa binata upang makagawa ng mga pangyayaring hindi niya lubos maisip kung bakit niya ito nagawa, simula pa lamang ng siya ay bata pa hanggang sa paglaki at makapatay siya ng tao na nagdala sa kaniya sa hukuman, siya ay palaging napapadala sa bugso ng kaniyang damdamin naging mahina siya sa mga pagsubok na nangyayari sa kaniyang buhay at ang kaniyang alibi na sa tuwing nakakagawa siya ng masama ay "hindi ko sinasadya, natukso lamang ako".
Ang kaniyang Ama na napapapikit na lamang sa mga kahihiyang ibinigay ng kaniyang anak na si Julian Candelabra at ang kaniyang Ina na labis ang hinagpis sa twing nakakagawa ng pagkakamali ang kaniyang anak. Sa kabuuan, ang akdang ang tatlong kwento ng buhay ni Julian Candelabra ay sumasalamin sa nangyayari sa kasalukuyan sa ating buhay. Sa pag-aaral na ito mapupukaw ang kaisipan ng mga mambabasa na dapat nating pag-isipan kung ano man ang mga hakbang na ating gagawin sa ating buhay dahil maaaring magkaroon ito ng masamang bunga kung hindi natin ito pag iisipan at tayo ay mag papadala sa bugso ng damdamin.
Mas bigyang pansin ang mga kapaki-pakibanang na aral para sa mga mambabasa at mananaliksik ng akdang ito. Upang maiwasan sa panahon ngayon ang mga karahasan na nakapaloob sa kwento. Ang akdang ito ay kakikitaan at makakakilalang mga mahahalagang pangyayari na huhubog at mag papabago sa ating kaisipan.
There are no comments on this title.