TY - BOOK AU - Blancaflor,Cecile Castro AU - Villegas, Roger, C., Ph.D TI - Pagbuo at kabisaan ng e-silid-tanghalan sa pagtuturo ng ibong adarna sa Filipino 7 AV - LG 221.R59 .B591 2022 PY - 2022/// KW - kabisaan ng E-silid-tanghalan sa Pagtuturo Ibong Adama - Filipino 7 N1 - GS THESIS N2 - Ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo at malaman ang kabisaan ng E-silid-tanghalan sa Pagtuturo ng Ibong Adama sa Filipino 7 bilang suplemental na kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto sa Obra Maestrang Ibong Adarna ng mga piling mag-aaral na nasa modang online distance learning sa Baitang 7 ng Paaralang Sekondarya ng Judge Feliciano Belmonte Sr, taong panuruan 2021-2022 Nakabuo ang mananaliksik ng E-silid-tanghalan mula sa mga paksang nakabatay sa mga kasanayan gamit ang google sites laman ang video ng mga pagtatanghal na shadow play, paper puppet show, powerpoint at video lesson, pagsasadula, mimesis, monologo, pagsasaboses o pagsasatinig ng mga ito ng mananaliksik at higit sa lahat paggamit ng iba't ibang multimedia at aplikasyon sa bawat kabanata sa pagtalakay sa mahahalagang pangyayari sa Ibong Adarna. Ipinabalideyt ang nabuong E-silid-tanghalan sa mga eksperto. Tinanggap at sinunod ang mga mungkahing pagbabago at pagsasaayos sa E-silid-tanghalan. Gumamit ang mananaliksik ng eksperimental na metodo sa pag-alam ng kabisaan ng E-silid-tanghalan, sa pamamagitan ng pagtatalaga ng dalawang grupo ng tagatugon. Ang pangkat eksperimental para gamitin ang binuong E-silid-tanghalan at pangkat kontrol upang turuan gamit ang modyul na parehong nasa online distance learning. Ang naging resulta ng istatistika na ginamit sa pagsusuri ng mga pagsusulit ng mga grupo ng tagatugon ang batayan ng kabisaan ng nilikhang E-silid-tanghalan ER -