TY - BOOK AU - Dela Cruz,Catherine Elip AU - Adolfo, Maria Riza A., MAT TI - Pagbuo, balidasyon, at kabisaan ng mga video lessons pang paunlarin ang mga kompetensis sa filipino ng mga mag--aral sa ikapitong baitang AV - LG 221.R59 .D3702 2024 PY - 2024/// KW - makabuo at matukoy - kabisaan ng mga Video Lesson - pampagkatuto sa Ibong Adarna N1 - GS THESIS N2 - Ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo at matukoy ang kabisaan ng mga Video Lesson bilang kagamitang pampagkatuto sa Ibong Adarna. Isinalig ito sa teorya ni Lev Vgotsky (1896-1934) na "scaffolding", tumutukoy ito sa suportang ibinibigay ng guro upang tulungan ang mag-aaral na tawirin ang agwat sa pagitan ng kanilang kasalukuyang antas ng pang-unawa at ng antas na kinakailangan upang maisagawa ang isang gawain o malutas ang isang suliranin nang sarili nilang pagsisikap. Ang naging paksa ng mga Video Lessson ay ang akdang Ibong Adarna na naglalaman ng limang competencies (melcs). Ang mga tagatugon ay mga mag-aaral sa tatlong pangkat, apatnapu (40) sa pangkat kontrol at walumpu (80) sa pangkat eksperimental. Bawat pangkat ay sumagot sa ibinigay na pang-unang pagsusulit upang malaman ng mananaliksik ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa akdang tatalakayin at pinasagot ang paghuling pagsusulit matapos gamitin ang mga Video Lesson upang malaman ang antas ng kaalamang natamo ng mag-aaral at kabisaan ng nabuong kagamitan ER -