Jherry Mae Q. Coquilla, MA. Jayne E. Generoso, [and] Reva Jayne E. Generoso
Kaalaman sa wasatong gamit ng mga salita ng mga Piling Mag-Aaral sa Ika-sampung baitang ng Montalban Heights National High School/ Coquilla, Jherry Mae Q. - xii, 59 leaves; illustrations 28 cm
Undergraduate Thesis
Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang kaalaman ng mga piling mag-aaral sa ika-sampung baitang ng Montalban Heights National School patungkol sa wastong gamit ng mga salita.
Ang pag-aaral ay gumamit ng deskriptib ebalwatib. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mula sa ikasampung baitang at ito ay mayroong metodo na sistimatik sampling na ginamit sa bawat seksyon mayroon ang paaralan ng mga tagatugon.
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay ang talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik na binubuo ng dalawang bahagi. Ang nilalaman ng unang bahagi ay may kinalaman sa kasarian ng mga tagatugon maging ang unang wikang kanilang kinagisnan. Samantalang ang ikalawang bahagi naman ng talatanungan, ay You sent naglalaman ng mga pangungusap na kinapapalooban ng mga pares na salitang kanilang pagpipilian at dapat sagutan na may kaugnayan sa pag-aaral.
Sa pagsukat, ang mga mananaliksik ay gumamait ng bilang, bahagdan, at ranggo upang matukoy ang mga sumusunod na nakasaad sa talahanayan, ang ranggo, o puwesto ng bawat pares ng mga salita mula sa pinaka maraming maling puntos hangang sa pares ng mga salitang nakakuha ng kaunti o maling puntos. Kaugnay sa mga kinalabasan at natuklasan sa mga datos na nalikom, mula sa mga tagatugon sa pag-aaral nalaman na ang mga naging tagatugon sa pag-aaral ay parehong may bilang na dalawampu't lima (25) na babae at lalaki o limampung (50%) porsyento bawat kasarian. Sa kabuuan natuklasan ng mga mananaliksik na walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman ng mga tagatugon batay sa kanilang kasarian ganoon din sa kanilang wikang pinagmulan o mother tounge. Samakatuwid, hindi nakaaapekto o nagkulang lamang ng ebidensya tungo sa propayl ng mga tagatugon sa kanilang kaalaman sa wastong gamit ng mga salita.
Matapos matukoy ang kaalaman sa wastong gamit ng mga salita ng mga respondante iminumungkahi ng mga mananaliksik na maging gabay ang pag-aaral na ito sa mga susunod na mananaliksik upang mas palawigin pa ang pag-aaral sa lahat ng antas. Kung kaya't ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay mayroong konklusyon at rekomendasyon na batay sa resulta ng mga datos.