Anastacio, Rowena S.

Suliraning Kinahaharap ng mga Guro sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa k-12 kurikulum: Batayan sa mungkahing alternatibong pamamaraan/ Rowena S. Anastacio, Mary Joy P. Bandola [and] Shaira Ann R. Columna - 2016 - xv, 65 leaves, illustrations, 28 cm.

Undergraduate Thesis

Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay malaman ang suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum sa District Rodriguez Rizal.

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may kabuuang bilang na tatilumpu (30) mula sa iba't-ibang piling paaralan sa District II Rodriguez (San Isidro NHS, Mascap NHS, MNHS-Puray Annex, Macabud NHS, at Macaingalan NHS).

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng batang paraan ng pangangalap ng datos upang maging hapsispakinabang ang pag aaral na ito Nabuo ang instrumentong ginamit sa pamamagitan ng pananaliksik se internet, pakikipanayam sa mga piling guro at pagsalinsi se sild-aklatan ng Munisipyo ng Rodriguez at URS Sa pagsasagawa ng aming pag-aral, unang ginawa ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay ng talatanungan uval se propey ng mga tagatugon Edad at Kasarian Ang ikalawa ay ang kwalipinasyong edukasyunal ng mga tagatugon, batay sa Ispesyalisasyon at Bilang ng taon sa pagtuturo ng Filipino. Ang ikatio ay ang pagpapasagot sa mga tagatugon ng tseklist na naglalaman ng suliranin sa Kurikulum, Pamamaraan sa Pagtuturo at Kagamitang Pampagtuturo kung saan nakalahad ang ilan ng mga suliranin ng guro sa asignaturang Filipino sa K-12

Sa kinalabasan ng pag-aaral sa Propayl ng mga tagatugon ay mas marami ang ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (25-30) Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Batay naman sa Kwalipikasyong Edukasyonal, batay sa Ispesyalisasyon ay mas marami ang medyor sa Filipino at sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5).

Batay sa antas ng suliranin ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum, una ay ang kurikulum, nakakuha ito ng kabuuang mean iskor na dalawa punto siyam na pu't walo (2.98) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin habang sa pamamaraan ng pagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu (2.80) at may interpretasyon berbal na katamtamang suliranin samantalang sa kagamitang pampagtuturo naman ay may kabuuang mean iskor na dalawa punto walumpu't tatio (2.83) at may interpretasyong berbal na katamtamang suliranin

Batay sa makabuluhang pagkakaiba sa pananaw ng mga tagatugon sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl, sa unang hanay na edad ito ay nakakuha ng f-value na 3.004 at p-value na 0.459, sa ikalawang hanay na kasanan ito ay may t-value na 2.05 at p-value na 0.755, sa ikatlong hanay na ispesyalisasyon ito ay may f-value na 3. 14 at p-value na 0.54 samantalang sa ikaapat na hanay na bilang ng taon sa pagtuturo sa Filipino ay may f-value na 2.57 at p-value na 0.97 Sa kabuuang resulta sa propayl ng mga tagatugon ang f-value at p-value ay mas mataas sa antas ng significance na 0.05 kung kaya't hindi tinanggap samakatuwid ay walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga tagatugon sa suliranin na kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kurikulum batay sa kanilang propayl.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Batay sa Propayl ng mga tagatugon sa unang bahagi ay mas marami ang may Edad na dalawampu't anim hanggang tatlumpu (26-30). Habang sa Kasarian naman ay mas marami ang lalaki na may bilang na labing siyam (19). Sa ikalawang bahagi ay Kwalipikasyong Edukasyonal, na batay sa Ispesyalisasyon na mas marami ang medyor sa Filipino habang sa Bilang naman ng taon sa pagtuturo ng Filipino ay mas marami ang isa hanggang lima (1-5). Ang mga suliranin ng mga guro sa kurikulum, pamamaraan ng pagtuturo, kagamitan pagtuturo, sa K-12 ay lumalabas sa kabuuan na katamtamang suliranin lamang Batay sa kinalabasan walang makabuluhang pagkakaiba ang suliraning kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa K-12 kunkulum batay sa kanilang propayl

Sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang pagtuunan ng pansin ang mga nabanggit na suliranin

Sa mga guro: Maging hamon ang mga suliranin upang mas mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kasanayan upang mas maging epektibong guro na siyang huhubog sa kakayahan ng mag-aaral

Sa mga mananaliksik Gamitin upang maging mahusay at epektibong guro sa hinaharap.

Sa mga tagapangasiwa: Bigyang pansin ang mga nailahad na suliranin at maipagpatuloy ang magandang simulain sa pagpapataas ng antas ng Edukasyon at pagsasaayos ng sistema ng ating edukasyon tungo sa globalisadong bansa.



LG 221.R59 / .An15 2016