Nicolas, Angel Mae V.

Epekto ng sentralisadong pagsusulat sa mga mag-aaral Angel Mae V. Nicolas, Cherrie Ann R. Simeon [and] Loraine Mae A. Tingco - 2019 - xi 47 leaves; Illustrations, 28cm,

Undergraduate Thesis


Ginawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral ng Grade 12 sa San Jose Litex Senior High School Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang Deskriptib-Ebalwatib bilang disenyo ng pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan upang malaman kung ano ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral at malaman ang mga datos na kinakailangan sa isinasagawang pag-aaral.

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay mga babae at lalaki na nasa edad labing walong taong gulang (18).

Sa kabuuan ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral ay may berbal na interpretasyon na hindi sumasang-ayon at may mean iskor na dalawa punto labing-apat (2.14) dahil may ilang tanong sa prelim, midterm at finals ay hindi nalalaman ng mga mag-aaral sa kadahilanang hindi pa natakay o naituro ng kanilang guro.

Walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw sa epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral kapag sila ay ipinangkat batay sa kasarian. Samantala, kung sila ay ipinangkat batay sa kanilang edad ay nahahati ang kanilang pananaw, may iba na hindi sumasang-ayon at iba ay sumasang-ayon sa epekto ng sentralisadong pagsusulit.

Bilang kongklusyon ng mga mananaliksik sa naging resulta ng pag-aaral na

ito Hindi sumasang ayan ang mga mag aaral sa sentralisadong pagsusulit ng kanilang paaralan sa kadahilanang hindi tahat ng aytem sa pagsusulit ay kanilang napag-aralan. Maaari itong magdulot ng pagbabang kanilang grado.

Nagkakaisa ang mga mag-aaral sa kantang di pagsang-ayon sa sentraisadong pagsusulit ng kanilang paaralan.

Sa naging resulta ng pag-aaral at kongklusyon ay nabuo ng mga mananaliksik ang mungkahi:

Sa mga guro. Siguraduhin na nasusunod ang syllabus at curriculum guide sa pagtuturo upang sa paghahanda ng pagsusulit ay tumutugma ang naituro sa mga mag-aaral.



LG 221.R59 / .N543 2019