TY - BOOK AU - Nicolas,Angel Mae V. AU - Simeon, Cherrie Ann R. AU - Tingco, Loraine Mae A. AU - Navarro, Joselito G. TI - Epekto ng sentralisadong pagsusulat sa mga mag-aaral AV - LG 221.R59 .N543 2019 PY - 2019/// KW - matukoy ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral ng Grade 12 sa San Jose Litex Senior High School N1 - Undergraduate Thesis N2 - Ginawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral ng Grade 12 sa San Jose Litex Senior High School Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang Deskriptib-Ebalwatib bilang disenyo ng pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan upang malaman kung ano ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral at malaman ang mga datos na kinakailangan sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay mga babae at lalaki na nasa edad labing walong taong gulang (18). Sa kabuuan ang epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral ay may berbal na interpretasyon na hindi sumasang-ayon at may mean iskor na dalawa punto labing-apat (2.14) dahil may ilang tanong sa prelim, midterm at finals ay hindi nalalaman ng mga mag-aaral sa kadahilanang hindi pa natakay o naituro ng kanilang guro. Walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw sa epekto ng sentralisadong pagsusulit sa mga mag-aaral kapag sila ay ipinangkat batay sa kasarian. Samantala, kung sila ay ipinangkat batay sa kanilang edad ay nahahati ang kanilang pananaw, may iba na hindi sumasang-ayon at iba ay sumasang-ayon sa epekto ng sentralisadong pagsusulit. Bilang kongklusyon ng mga mananaliksik sa naging resulta ng pag-aaral na ito Hindi sumasang ayan ang mga mag aaral sa sentralisadong pagsusulit ng kanilang paaralan sa kadahilanang hindi tahat ng aytem sa pagsusulit ay kanilang napag-aralan. Maaari itong magdulot ng pagbabang kanilang grado. Nagkakaisa ang mga mag-aaral sa kantang di pagsang-ayon sa sentraisadong pagsusulit ng kanilang paaralan. Sa naging resulta ng pag-aaral at kongklusyon ay nabuo ng mga mananaliksik ang mungkahi: Sa mga guro. Siguraduhin na nasusunod ang syllabus at curriculum guide sa pagtuturo upang sa paghahanda ng pagsusulit ay tumutugma ang naituro sa mga mag-aaral ER -