Surbey ng mga panitikan ng mga Dumagat Kate Miles I. Dela cruz, Krystelle CaƱete Francis [and] Alexandria M. Nicodemus - 2019 - xi 99 leaves; Illustrations, 28cm,
Undergraduate Thesis
Isinagawa ang Surbey na ito upang matuklasan ang mga Panitikan ng mga Dumagat, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Kwalitatibong pananaliksik at Deskriptibong peamamaraan na ginamitan ng dalawang pamamaraan ng talatanungan (Survey Questionaire) para makalikom ng mga datos at isa na dito ang propayl ng mga tagatugon. Ang mga tagatugon ay kailangan na maglagay ng tsek sa kung ano-ano ang mga katutubong panitikan at narito ang mga sunusunod na halimbawa: Kuwentong Bayan, Alamat, Epiko, Awiting Bayan, Sayaw at iba pang Panitikan. Mula sa isinagawang surbey nabuo ng mga mananaliksik ang pitong gabay na tanong mula sa Kultura at Wikang ginagamit pati ang paraan kung papaano napapahalagahan ng mga Dumagat ang Katutubong Pantikan at Kultura.
Batay sa mga nakalap na datos, mas marami sa mga nakatatandang Dumagat ang may edad na tatlumput lima pataas samantalang edad tatiumput lima hanggang labing dalawa naman ang mas bata. Mula sa mga dumagat natuklusan kung ano ang pinagkukunan ng kita ang pagtatanim at kaingin. Sapat na ang kinikita sa pagtatanim para sa pang araw-araw na kumikita din ng higit sa tatlong libong piso.
Natuklasan na ang mga nakatatandang dumagat ang may higit na kaalaman at nagbigay ng mahalagang impormasyon patungkol sa naitatagong Panitikan, Samantala kabaligtaran naman nito ay iilan na lamang sa mga kabataan ng dumagat ang nakakalam ng sariling kultura at panitikan. Sa kasalukuyan Wikang tagalog ang wikang ginagamit, ngunit may mga ilan pe din ne nakatatandang dumagat ang gumagamit ng Wikang Dumagat.
Kuwentong Bayan, Alamat, Sayaw at Awit ilan lamang ito sa mga Panitikan ng mga Dumagat, limitado lamang ang maaaring ibahagi Mula sa mga dumagat ang pagpapahalaga ng Panitikan ay maipapakita sa patuloy na pagbabahagi nito sa kabataan at maituro ito sa Paaralan ng mga Dumagat na tinatawag na PTAD. Malaki ang naging epekto ng mga ilang Panitikan sa pagpapanatili nito dahil ang mga Kuwento o Kultura ng isang Dumagat ay kinakailangan na maisalin ng tama at angkop mula sa orihinal nitong sulat para sa susunod na henerasyon na magagamit sa pagpapaunlad ng lahi ng mga Dumagat
Mula sa kinalabasan ng pag-aaral at mga kongklusyon nabuo ang ilang mga mungkahi sa mga dumagat, Huwag hihinto sa pagbabahagi ng Panitikan at Kultura upang patuloy na sanayin ang mga susunod na saling lahi sa sariling pamumuhay.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makatulong ng malaki sa mga sumusunod; sa mga Guro na dapat na himukin na magsaliksik pa upang mas lumawak ang kaalaman sa Panitikan ng mga Pilipino, at sa panitikan ng mga Dumagat na maaaring ibahagi sa mga mag-aaral. Para naman sa mga Mag-aaral na dapat lubos na makikinabang sa pag-aaral na ito. At para naman sa mga susunod na Mananaliksik ito ay magiging gabay tungo sa isasagawang pag-aaral sa Panitikan ng mga Dumagat. Ang panghuli para sa mga Dumagat sila ang lubos na makikinabang sa pag-aaral na ito sapagkat mas mabibigyang kahalagahan ang Panitikan at Kultura ng dumagat