TY - BOOK AU - Alejando, Trixia Marie I. AU - Paraon, Rona G. AU - Rivas, Shiela Marie S. AU - Samulde, Wille E. TI - kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon sa University of Rizal System Rodriguez AV - LG 221.R59 .Al252 2013 PY - 2013/// KW - Kasanayan sa pakikinig N1 - ; Undergraduate Thesis N2 - Ang pag-aaral na ito ay naglayong tukuyin ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa University of Rizal System. Ang mga suliraning nakapaloob sa pag-aaral na ito ay: Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa kasarian at marka sa asignaturang Filipino? Ano ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral? Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayang sa pakikinig ng mga piling mag-aaral batay sa kanilang propayl? Nabatid sa pag-aaral na ito na mas marami ang babae na may bilang na tatlumpu't dalawa (32) kaysa sa lalaki na dalawampu't tatlo (23) bilang ng tagatugon at nakararami ang may marka sa asignaturang Filipino mula dalawa punto isa hanggang dalawa punto apat (2.1-2.4).Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral ay may mean na 14.8 na may berbal interpretasyon kasanayang pang-interpretasyon. sanav at nasa Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan sa kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon ayon sa kanilang propayl. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na isinakatuparan ng mga mananaliksik at sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang maiangat ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral. Sa mga namumuno sa paaralan, magpatupad ng mga programa na magpapayaman sa kaisipan ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pakikinig. Sa mga guro, magsagawa ng mga istratehiya na magiging kawili-wili sa mga mag-aaral upang sila ay magkaroon ng interes sa pakikinig sa loob ng klase. Itaguyod at palawakin ang kaalaman, lumikha ng iba't-ibang lunsaran sa pagtuturo upang sila ay lubusang magkaroon ng interes na makinig sa mga itinuturo. Sa mga mag-aaral, ikintal ang mga pagpapahalagang ibinabahagi ng mga guro at linangin ang mga kaalaman na ipinagkakaloob upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mag-aaral. Pagtuunan ng pansin ang pakikinig sa mga ibinabahaging itinuturo ng mga guro nang sa ganoon ay magkaroon ng malawak na pang-unawa at kaisipan. Mag-ukol o maglaan ng sapat na panahon sa pakikinig. Sa mga mananaliksik, magkaroon ng karagdagang pag-aaral ukol sa iba pang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral na lubusang makatutulong sa kanila upang magkaroon ng malawak na pang-unawa ER -