TY - BOOK AU - Medina, Ryndel Mary Jean N, AU - Santos, Christine P. AU - Vertudez, Rixyel C. AU - Samulde, Willie E. TI - Mga salik na nakakaapekto sa AV - LG 221.R59 .C8115 2011 PY - 2011/// KW - mga salik na akakaapekto sa pagkatuto N1 - ; Undergraduate Thesis N2 - Naglayon ang pag-aaral na ito na malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 1 sa antas pantersyaryo ng Rodriguez. Binigyan ng kaukulang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan 1.) anoang propayl ng mga tagatugon batay sa kanilang kasarian, marka sa Filipino 1 at buwanang kita ng pamilya? 2.) at ano ang kalagayan ng mga salik pangmag-aaral, salik pangguro, salik pampaaraalan at salik pantahanan sa pagkatuto nila sa Filipino 1? Ang pamamaraang ginamit ay palarawan sapagkat tumutukoy ito sa pangkasalukuyang pag-aaral. Pinili ang 100 na mag-aaral sa pamamagitan ng random sampling. Animnapung (60) tagatugon mula saUniversity of Rizal System at apatnapung (40) tagatugon naman mula sa Pamantasan ng Montalban na kapwa nasa unang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong BSE (Bachelor in Secondary Education). Hindi rito kabilang ang mga mag-aaral sa ibang kurso sa mga nasabing kolehiyo. Ang talatanungan ay binuo ng dalawang bahagi una, ang mga pansariling propayl ng mga tagatugon, ikalawa ay ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatutong mga mag-aaral sa Filipino 1. Sa pag-aaral, nabatid na mas nakararami ang tagatugon na babae kaysa sa lalaki na may bilang na pitumpu'tdalawa (72) o 72 na bahagdan. Limampu't siyam (59) o 59 bahagdan naman sa mga tagatugon ay may marka mula 2.5-1.6. Animnapu't anim (66) naman sa mga tagatugon ay may buwanang kita ng pamilya na sampung libo (10,000) pababa. Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, natuklasan na sa salik pang mag-aaral, ang nakagagawa ng mga proyekto ang may pinakamataas na rank na may weighted mean na 4.53 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa ikalimang puwesto ang walang panahon sa bisyo, gala, sugal at pag-inom ng alak na may weighted mean na 4.29 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa huling puwesto naman ang pagtira sa boarding house ay higit na mabuti sa paag-aaral kaysa sa pagkomyut araw-araw na may weighted mean na 3.45 at may interpretasyong berbal na sumasang-ayon. Dahil dito, maituturing na ang mga tagatugon ay mas nakapag-aaral ng kanilang aralin sa Filipino I sa tulong ng mga proyekto na may kaugnayan sa aralin kaysa sa paghanap ng malapit na boarding house sa kanilang kolehiyo. Sa salik pangguro, ang hinihikayat ang mga mag-aaral na lumahok sa talakayan at gawaing pangkatan ang may pinakamataas na rank na may weighted mean na 4.46 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa ikalimang puwesto ang may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo na may weighted mean na 4.36 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa huling puwesto naman ang nagagawang buhay o kawili-wili ang talakayan sa klase na may weighted mean na 4.14 at may interpretasyong berbal na sumasang-ayon. Samakatuwid, mas natututo ang mga tagatugon sa mga aralin nila sa Filipino I kung ang guro ay mas nakahihikayat ng mga mag-aaral na lumahok sa talakayan sa klase at gawaing pangkatan. Sarmantala, ang di pagkakaroon ng isang guro ng kakayahang magawang buhay o kawili-wili ang talakayan sa klase ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga tagatugon. Ayon naman sa salik pampaaralan, ang sapat na bilang ng upuan sa klase ang may pinakamatas na rank na may weighted mean na 4.17 at may interpreatsyong berbal na sumasang-ayon. Nasa ikalimang puwesto ang may sapat na suplay ng tubig at kuryente sa loob ng kampus na may weighted mean na 3.87 at may interpretasyong berbal na sumasang-ayon. Nasa huling puwesto ang may malinis na palikuran na may weighted mean na 3.59 at may interpretasyong berbal na sumasang-ayon. Dahil dito, ang paaralan na may sapat na bilang ng upuan sa klase ay mas nakapagdudulot ng kaigayahan sa pag-aaral ng mga aralin sa Filipino I ng mga tagatugon at lubha namang naaapektuhan ng di pagkakaroon ng malinis na palikuran ang kaganyakan ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Batay sa salik pantahanan, ang laging natutustusan ng magulang ang mga pangangailangan ng anak sa pag-aaral gaya ng matrikula at iba pang gastusing pampaaralan ang may pinakamataas na rank na may weighted mean na 4.96 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa ikalimang puwesto ang may lubos na kaalaman ang mga miyembro ng pamilya na nakakatulong sa pag-aaral na may weighted mean na 4.36 at may interpretasyong berbal na lubhang sumasang-ayon. Nasa huling puwesto ang matibay ang paniniwala ng mga magulang sa kahalagahan ng edukasyon para sa isang indibidwal na may weighted mean na 3.48 at may interpretasyong berbal na sumasang-ayon. Samakatuwid, mas nakapag-aaral ng kanilang mga aralin sa Filipino I ang mga tagatugon sapagkat laging natutustusan ng magulang ang mga pangangailangan ng anak sa pag-aaral gaya ng matrikula at iba pang gastusing pampaaralan habang nakakaapekto naman sa kanilang pag-aaral ang di pagkakaroon ng matibay na paniniwala ng mga magulang sa kahalagahan ng edukasyon para sa isang indibidwal. Walang makabuluhang pagkakaiba ang kasarian at ang buwanang kita ng pamilya ng mga tagatugon sa mga nasabing salik na may null haypotesis na di-tinanggap. Samantalang may makabuluhang pagkakaiba naman ang marka ng mga tagatugon sa Filipino 1 na may null haypotesis na tinanggap. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik at sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi: Sa mga namumuno ng paaralan, mas lalong hikayatin na lumahok ang mga magulang sa mga pulong sa paaralan upang malaman ang katayuan ng mga anak sa pag-aaral at mabigyan ng solusyon ang anumang hadlang sa pag-unlad ng kanilang pagkatuto. Sikaping mas paunlarin ang mga pasilidad sa loob ng unibersidad. Sa mga guro,nawa'y lalong hikayatin ang mga mag-aaral na bigyang pansin ang bawat aralin na itinuturo at ang tunay na kahalagahan ng pag-aaral at gumawa ng mga kagamitang pampagtuturo na mas maghihikayat sa mga mag-aaral. Sa mga mag-aaral, sikaping magkaroon ng interes na may pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa mga paksang napapaloob sa asignaturang Filipino. Sa mga mananaliksik, maging gabay ang pag-aaral na ito at suriin ang mga salik sa iba pang unibersidad o kolehiyo ER -