TY - BOOK AU - Barro, John Bert Estrella AU - Roela Colina Bindal, AU - Maria Liza Clamares Bohol AU - Lourdes T. Tejada, Ed. D. TI - Ugnayan ng mga Salik sa Pagsusulit at Pre-Board Results ng BSE Filipino AV - UGT LG 221. R59 B2781 2024 PY - 2024/// N1 - Undergraduate Thesis N2 - Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layunin na malaman ang Ugnayan ng mga Salik sa Pagsusulit at Pre-board Results ng BSE Filipino sa University of Rizal System Antipolo Campus, taong panuruan 2023-2024. Upang maisakatuparan ang mga layunin ng mananaliksik, ginamit ang pamamaraang deskriptib sapagkat ito ang mabisang pamamaraan para malaman ang katangian ng populasyon ng mga respondante. Ito rin ay ginamit para sa mga istatistikal na pagkalkula ng mga datos sa isinagawang pag-aaral. Ang mga respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa University of Rizal System Antipolo Campus na nasa Ikaapat na taon ng Batsilyer ng Edukasyong Pang-Sekondarya medyor sa Filipino na may kabuoang dalawampu't pito (27). Sa pamamagitan ng estadistikang paraan ng pagtutuos ay nabatid ang kasagutan sa lahat ng hinuha sa suliraning sinubukang lutasin. Kabilang sa estadistikang ginamit ay bilang, bahagdan, ranggo, mean, standard deviation, berbal na interpretasyon, at Pearson Correlation Coefficient 'r'. Para masagot ang kahandaan ng mga mag-aaral, ginamit ang Likert Scale. Upang mabigyan naman ng interpretasyon ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral, ginamit ang mga iskalang URS Grade Point System at Criterion Reference. Batay sa mga natuklasang resulta ng pag-aaral at pagsusuri, nakabuo ng mga konklusyon tulad ng sumusunod: Ayon sa kasarian, ang karamihan sa respondante ay mga babae Sa edad naman, dalawampu't dalawang (22) taong gulang ang may pinakamalaking bilang. Ang antas ng kasanayan sa General Weighted Average sa Professional Education ay may pinakamataas na mean na 1.46 at may berbal na interpretasyong "Very Good", gayundin ang Marka sa Pre-board: Professional Education na nakakuha rin ng pinakamataas na mean na 72.38 at may berbal na interpretasyong "Poor/Passing" Kapwa General Weighted Average sa Majorship at Marka sa Pre-board: General Education naman ang nakakuha ng pinakamababang mean na 1.60 at mean na 71.98. Samantala, napatotohanan na ang mga salik sa pagsusulit ng mga mag-aaral ay may kahandaan kung saan ang Pisikal ang nakakuha ng pinakamataas na mean na 4.10, at ang nagtamo naman ng pinakamababa ay Handa sa mga Professional Education level na pagsusulit na may mean na 3.69. Ang haka ay hindi napatunayan sapagkat lumabas na ang lahat ng kasanayan at mga salik ay walang makabuluhang ugnayan o "Failed to Reject" dahil mas mataas ang p-value sa level of significance na (p>0.05). Iminumungkahi ng mga mananaliksik na: 1) magbasa at magsagot ng mga review material o di kaya'y manood at makilahok sa mga gawaing may kinalaman sa mabisang pagsasagot sa pagsusulit tulad ng mga pahina sa internet o sa social media upang maging handa sa Pre-board Examination. 2) bigyang interes ang mga kursong Majorship at General Education upang mapataas ang marka. Makilahok sa mga talakayan at mag-aral nang mabuti upang makapasa sa pagsusulit. 3) pagtuunan ng pansin ang pag-eensayo ng mga epektibong istratehiya sa pagsasagot ng mga sitwasyonal at malalalim na katanungan upang mapaunlad ang kahandaan sa Professional Education level na pagsusulit. 4) at para sa mga susunod na mananaliksik, gumawa ng pag- aaral tungkol sa binuong review material sa Filipino na may pamagat na "Komprehensibong Gabay sa Filipino: Kagamitang pangmag-aaral para sa Pre- board Examination", upang subukin ang kabisaan nito bilang tool sa paghahanda sa Pre-board Examination UR - https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdtj_eCncT3hgTIbOB8g-3uMYPTK14UGxs8cj-GqWFJPmnTLA/viewform UR - https://drive.google.com/file/d/1sIl0l7ve3ePU7zjWvynnooL9oZMo12ln/view?usp=sharing ER -