Lizano, Layra Simon

Kasanayan sa paggamit ng pang-ugnay sa ika-10 baitang ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng General Licerio Geronimo Memorial National High School/ Layra Simon Lizano, Jhellie Mae G. Logrosa [and] Danilyn B. Tenaja - 2025 - ix, 58 leaves; illustrations, 28 cm.

Undergraduate Thesis

Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang kasanayan sa paggamit ng pang-ugnay ng mga mag-aaral sa Ika-10 Ballang ng General Licerio Geronimo Memorial National High School. Sinuri ang kanilang kakayahan sa paggamit ng pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol, pati na rin ang mga salik na maaaring nakaapekto sa kanilang pagkatuto

Gamit ang kwantitatibong disenyo ng pananaliksik, gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan upang makuha ang datos mula sa 30 piling mag-aaral. Batay sa pagsusuri, lumabas na ang kanilang kasanayan sa pang-ugnay ay nasa mababang antas, at walang makabuluhang pagkakaiba batay sa kasarian at unang wika. Gayunpaman, may makabuluhang kaugnayan ang kanilang marka sa Filipino sa husay sa paggamit ng pang-ugnay

Natukoy din ang ilang suliranin, tulad ng limitadong pagsasanay, kakulangan sa babasahing Filipino, at tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Bilang solusyon, iminungkahi ang mas interaktibong paraan ng pagtuturo. pagpapalawak ng babasahin, at paggamit ng teknolohiya upang gawing mas epektibo ang pagkatuto.

Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na kailangang bigyang-pansin ang pagpapahusay ng pagtuturo ng pang-ugnay upang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino.




LG 221.R59 / .L768 2025