TY - BOOK AU - Gajila,Lyca AU - Lavarias, Ma. Angelica AU - Lucero, Mary Joy AU - Samulde, Willie E. TI - Pagbuo at Pagtaggap sa Komiks ng Noli Me Tangere ng mga mag-aaral ng Ika-siyam na baitang ng General Licerio Geronimo Memorial National High School / AV - LG 221.R59 .G1298 2025 PY - 2025/// KW - NOLI ME TANGERE COMICS N1 - Undergraduate Thesis N2 - Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa komiks ng Noli Me Tangere (Kabanata 4-6) bilang isang pedagogikal na kasangkapan. Gamit ang kwantitatibong pananaliksik, sinuri ang pananaw ng limampung mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang ng General Licerio Geronimo Memorial National High School sa taong 2024-2025. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng diagnostik na pagsusulit at talatanungan na nagsilbing gabay upang mabuo ang komiks. Ang talatanungang ginamit sa pananaliksik ay binubuo ng limang baryabol: istilo, disenyo, wika, dayalogo, at ilustrasyon. Ang istilo na tumutukoy sa paraan ng paglalahad ng kwento at artistikong presentasyon ng mga tauhan at tagpo. Disenyo ang ayos ng mga panel, daloy ng naratibo, at paggamit ng speech balloon upang maipakita ang mga Ideya. Wika ay angkop na pagpili ng salita batay sa antas ng mambabasa upang mapadali ang pag-unawa. Dayalogo ay ang malinaw at natural na usapan ng mga tauhan na tumutugma sa kanilang emosyon at personalidad at ang ilustrasyon naman ay ang biswal na aspeto tulad ng pagguhit, kulay, ekspresyon, at background na tumutulong sa pagpapalalim ng pag-unawa sa kwento. Ito ay nakatulong sa mga mananaliksik upang matukoy ang mga naging puna at mungkahi ng mga respondante batay sa mga nabanggit na baryabol. Lumabas sa resulta na mataas ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa komiks, partikular sa istilo, disenyo, at biswal na aspeto nito. Pinuri ang malinaw at maayos na pagguhit ng mga karakter, na epektibong nagpapahayag ng emosyon at personalidad. Gayunpaman, iminungkahi ng ilan na pagandahin pa ang detalye ng pagguhit, blending ng kulay, at background upang gawing mas kaakit-akit ang mga eksena ER -