Florendo, Lourdes B.

Antas ng pagtanggap sa mga bagong anyo ng mga klasikong panitikang filipino/ Lourdes B. Florendo, Bianca T. Puntil [and] Benedict C. Rabang - 2018 - xiii, 69 leaves; illustrations, 28cm,

Undergraduate Thesis


Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang antas ng pagtanggap sa mga bagong bersyon ng klasikong panitikang Filipino

Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay may kabuuang bilang na walongpu (80) mula sa ikasiyam na baitang ng tagumpay taong panuruan 2017-2018

Sa pag-aaral na to, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusing mga hakbangin para sa ikatatagumpay ng pag-aaral. Ang unang hakbang na ginaw wwa ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay ng talatanungan sa walumpung (80) mag-aaral at batay sa kanilang datos, susuriin at bibigyan ito ng interpretasyon ukol sa mga bagong anyo ng mga klasikong panitikang Filipino.

Batay sa isinagawang pag-aaral, narito ang mga sumusunod na nabatid: Batay sa kasarian, karamihan sa mga mag-aaral ay mga Babae. Karamihan sa mag-aaral ay nasa 14-15 ang Edad. Ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral, karamihan ay kayang gamitin ang wikang Tagalog. Ang anyo ng panitikang Filipino na tinatangkilik ng mag-aaral, karamihan ay Alamat. Ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga bagong anyo ng klasikong panitikang Filipino ay walang makabuluhang pagkakaiba sa propayl ng mga mag-aaral.

Ayon sa isinagawang pananaliksik, narito ang konklusyon ng mga mananaliksik: Higit na nakararami ang mag-aaral na babae kaysa sa lalaki; karamihan ay kayang gamitin ang wikang Tagalog. Ang anyo ng panitikang Filipino na tinatangkilik ng mag-aaral, karamihan ay Alamat. Ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga bagong anyo ng klasikong panitikang Filipino ay walang makabuluhang pagkakaiba sa propayl ng mga mag-aaral.

Ayon sa isinagawang pananaliksik, narito ang konklusyon ng mga mananaliksik: Higit na nakararami ang mag-aaral na babae kaysa sa lalaki; karamihan sa mga mag-aaral ay wikang tagalog ang ginagamit na wika at karamihan sa mga mag-aaral ay alamat ang tinatangkilik na anyo ng panitikang Filipino. Ang mga mag-aaral ay katamtaman ang pagtanggap sa mga bagong anyo ng mga klasikong panitikang Filipino. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral kapag sila ay pinangkat ayon sa kanilang propayl.
Mula sa nabuong konklusyon, ang mga sumusunod ay ang rekomendasyon: Para sa susunod na pag-aaral, sikaping kunin ang saloobin ng iba pang tagatugon hindi lamang mga mag-aaral kundi ang mga tao na may interes sa panitikang Pilipino. Sikaping alamin ang saloobin ng mga tagatugon na may iba pang wikang kayang gamitin. Sikaping pang mag-aral ng mga anyo ng panitikang Filipino at subukang suriin ang iba't ibang anyo nito para sa paghahabing ng mga bagong anyo sa tradisyonal na anyo ng mga klasikong panitikang Filipino.

Magkaroon ng ibayong pagbabalangkas at pagbibigay ng mahabang oras ng pag-aaral at pagbabalangkas ng kurikulum at ang pagbibigay pansin sa pagtuturo mga panitikang Filipino. Sikaping na mas maipaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikang Filipino dahil sumasalaim ito sa pagiging Pilipino ng bawat isa. Magkaroon ng talakayan ukol sa mga napapanood na bagong bersyon ng panitikan at sikaping pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng bawat anyo ng panitikan.
Sa mga mag-aaral, sikaping pang mag-aral ng mga anyo ng panitikang Pilipino at masusing pag-aralan ang mga uri nito. Sa mga Guro, sikaping maging komprehensibo ang pagpapaunawa sa mga mag-aaral ukol sa mga lumaganap na Panitikang Pilipino. Sa mga mananaliksik, sikaping pang magkaroon ng lakas ng loob at talas ng pag-iisip sa pag-aaral ng sinasaliksik na paksa.




LG 221. R59 / .F662 2018