Atay, Ema V.

Paghahambing ng piling maikling kwentong popular ng mga bisaya at tagalog/ Ema, V. Atay [and] Cristza F. Lampiernes - 2020 - xi, 70 leaves; illustrations, 28cm,

Undergraduate Thesis


Isinagawa ang pag-aaral na ito upang masuri at mahambing ang piling
Maikling Kwento ng Bisaya at Tagalog. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Panunuring Pampanitikan, na isinagawa upang mas lubos na maunawaan ang nilalaman ng isang akda. Sa pamamagitan ng purong pananaliksik mas madaling naisagawa ang pag-aaral na ito. At mas nabigyang linaw ang nais ilahad sa akda.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang Pagsusuring Pampanitkan ni Genoveva Edroza-Matute. Upang mabigyan ng makatuwirang paglalarawan ang magagandang tagpo at ang mga pangunahing tauhan ay isinaalang-alang ng ER
mga mananaliksik ang pansariling kulturang pananaw at kapaligirang
ginagalawan ng mga tao. Ang kaisipan, damdamin ng mga tauhan ay binigyan din ng makatotohanang pagapapakahulugan at hindi kinaligtaan na isama ang mga karanasan ng mga tauhan sa pook na kinabibilangan. Sinuri at hinanap ang
kasagutan sa mga katanungan sa pag- aaral.
Sa kabuuan ng pag-aaral naitala ang mga magagandang tagpo sa
dalawang Maikling kwento ng Bisaya at Tagalog. Ang ilan sa nabanggit na lugar ay ang cebu na matatagpuan sa Visayas na kung saan ito rin ang pinagmulan ng maikling kwentong "At akoy Inanod". Samantalang sa "Bangkang Papel" tanging ang mga tahanan lamang na kanilang nilalarawan ang mga nababanggit, nakatulong ang mga tagpong ito upang malaman ang bawat pangyayari sa kwento.
Naipakilala ang mga tuhan na gumanap sa "At akot inanod" na ang mga
pangunahing tauhan ay sina Loloy at Kid na matalik na magkaibigan subalit nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang dalawa, at ang nakababatang kapatid nito na si Pepita. Nariyan naman ang Batang lalaki nagpapaanod ng Bangkang
papel kasama ang kaniyang ina at nakababatang kapatid na si Miling.
Ang dalawang akdang nabanggit ay nauuri sa maikling kwento sapagkat
ito ay isang maikling salaysayin hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may lisang kakintalan o impresyon
lamang.

Ang mga uri ng mga teorya na nakikita sa akdang nasuri ay ang mga
Teoryang
Realismo, Teoryang Eksistensiyalismo, teoryang biograpikal, at
teoryang sosyolohikal.
Ang Bisa naman ng Dalawang maikling Kwento aymayroong tatlong
kategorya: Bisa sa Isip, Damdamin , Kaasalan. Sa bisa sa isip ang mga akda ay may pagkadismaya sa mga gawang kanyang hindi niya pinag isipang mabuti kung gayon na lamang ang kanyang pagsisisi sa huli( At akoy Inanod). samantalang ang kamusmusan naman ang nagbigay katatagan sa isang batang lalaki sa mga pagsubok sa buhay( bangkang papel). Nariyan din ang Bisa sa damdamin ng mga akda na panghihinayang at makabagbag damdaming emosyon ng mga tauhan. At ang naging bisa sa kaasalan ay ang marapat na
ilayo sa tukso ang sarili at wag mawawalan ng pag - asa sa buhay.
Sa dalawang akdang sinuri na At Ako'y Inanod at Ang Bangkang Papel, magkaiba man ngunit makikitaan pa rin ito ng pagkakatulad dahil magkapareho ang pagkakayari ng mga akda batay sa tagpo na pareho itong nagbabalik- tanaw, parehong maikling kwento bilang isang uri ng akdang pampanitikan, magkatulad sa teoryang realismo batay sa uri ng mga teoryang pampanitikan dahil pareho itong nagpapakita ng tunay na pangyayari sa buhay. Nakitaan ng tunay na pangyayari hindi lang sa totoong nangyari sa tunay na sumulat ng akda kundi sa panahon na ito. At parehong nagbibigay ng mga magagandang aral na nahahayag sa kwento batay sa mga kabisaan sa isip, damdamin, at kaalasan na magagamit natin sa totoong buhay. Sa ganung paraan ay napaghambing ang
dalawang nabanggit na akda.

Sa kabuuan nito gumawa ng mga ilang rekomendayon o mungkahing magpapakita ng pagpapahalaga sa mga guro, mag-aaral at sa mga sumunod pang mga mananaliksik. Malaki ang impluwensyang pagsusuring ito lalong lalo na sa mga kabataan ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.



LG 221. R59 / .At18 2020