TY - BOOK AU - Tolledo,Charlyn S. AU - Yanson, Joebelle Mae P. AU - Navarro, Joselito G. TI - Pahambing na pag-aaral sa mga noebeling "Canal De La Reina" at "Titser" ni Liwayway Arceo AV - LG 221. R59 .T578 2022 PY - 2022/// KW - Paghahambing-Pag-aaral-Mga Nobela N1 - Undergraduate Thesis N2 - Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri at mapaghahambing ang Nobelang Canal de la Reina at Titser, upang alamin ang mga natatagong aral nito at malaman ang mga nilalaman ng nasabing akda. Isang purong pananaliksik ang isinagawa ng mananaliksik upang matugunan ang nais malaman sa akda. Matukoy at maibahagi ang mga nasuring akdang pampanitikan sa mga makababasa upang maunawaan ang aral ng mga ito. Ginamit sa pag-aaral na ito ang Balangkas ng pagsusuri ni Benjamin Pascual. Sa pamamagitan ng balangkas na ito ay mabibigyang katwiran ang paglalarawan sa magandang tagpo at mga pangunahing tauhan ay isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang pansariling kulturang pananaw at kapaligirang ginagalawan ng mga tao. Binigyan din ng makatotohanang pagpapakahulugan ang tagpuan, mga suliranin, pangyayari, kinalabasan, mga pagpapahalaga sa Tauhan, katayuan sa buhay, magandang kaisipan, at mga teoryang pampanitikan na ginamit sa akda na siyang nakikita sa sosyalidad ng buhay. Sa unang akda na "Canal De La Reina ipinakita sa akda na maging pantay-pantay ang trato sa bawat tao anuman ang estado nito, mahirap o mayaman ay kailangang respetuhin. Matutong maging mapagmalasakit sa kapwa imbis na maging mapanlinlang at abusuhin ang kahinaan at kawalang kakayahan ng tao. Sa ikalawang akda naman ang "Titser" ipinakita sa akda na maging pantay pantay ang pagtingin sa Propesyon dahil wala naman mahirap at madali lahat ng bagay ay pinagsusumikapan wala rin sa taas ng sahod kung magaling ka o hindi ang mas Mabuti ay yung alam mo at masaya ka sa ginagawa mo. Huwag tignan ang mga tao sa kakayahan ng iaabot ng pera kundi sa kabutihan ng puso nito, tandaan hindi lang pera ang sukatan ng pagpapahalaga ngayon. Sa isinagawang pag-aaral ay nakabuo ng mga angkop na konklusyon at rekomendasyon para sa mga susunod pang-magsusuri ng mga akdang pampanitikan. Sa tulong ng masining na paglalarawan ng awtor sa tauhan at tagpuan sa akda ay napalutang ang mga pangyayari bilang sangkap ng buhay. Nakikilala ang tauhan sa isang akda base sa paraan ng pagkakasulat ng awtor at sa paraan kung paano sila magpamalas ng kilos at galaw Ang mga sinuring akda ay isang uri ng panitikang kilala bilang Nobela na naglalahad ng mga pangyayan na kadalasang hango sa tunay na buhay o kathang isip lamang. Ang mga uri ng mga teorya na nakikita sa akdang nasuri ay ang mga Teoryang Realismo, Eksistensiyalismo, Biograpikal, Sosyolohikal, Moralistiko, at Feminismo. Mahalaga ang bisa ng panitikan upang makaakit, makatinag at maging kabuluhan ang akda. Mabubuhay ang isang akda kung ito ay babasahin, at sabuhay ang mga aral. Ang paggamit ng tama sa mga kaalamang natutunan ay maaring magamit sa pang araw-araw na buhay. Tunay nga na ang panitikan ay salamin sa mga pangyayari at mga karanasan sa sosyalidad ng buhay at lipunan na ginagalawan na maaring tularan ng iba. Isa pa, maging matalino, mapagmasid at mas palawakin pa ang isip daan sa pagkakaron ng mabuting pagpapasya. Patuloy na palawigin ang kakayahan at kaalaman sa pagsulat at sa pagglibag sa iba't ibang uri ng akdang pampanitikan. Upang higit na mapalawak ang panitikang Filipino at maipakita sa mundo ang kagandahang taglay ng kulturang Filipino ER -