TY - BOOK AU - Macatangay,Lumuel N. AU - Mijares, Jenie vieve C. AU - Rañeses, Honey Joy C. AU - Samulde, Willie E. TI - Pagsusuri ng nobelang ang tundo man may langit din ni Andres Cristobal Cruz AV - LG 221. R59 .M1191 2023 PY - 2023/// KW - masuri ang akdang nobela N1 - Undergraduate Thesis N2 - Ang Layunin ng pag-aaral na ito ay masusing masuri ang akdang nobela ni Andres Cristobal Cruz na pinamagatang, Ang Tundo Man May Langit Din. Ang Pagsusuring ito ay isinagawa upang mabatid ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng Panitikang Nobela at ano ang dulot ng akdang panitikang ito sa buhay ng mga tao sa lipunan. Isang Panunuring Pampanitikan na nasa ilalim ng Literary Research ang ur ng pananaliksik na isinagawa Ginamitan ito ng gabay na balangkas sa pagsusuri ni Patrocinio V. Villafuerte, nang naging paraan ng pananaliksik ay alamin ang buod at patungkol saan ang nobelang sinusuri nalam din ang mga sangkot na tauhan at mga tagpuan sa akda, mga tunggaliang nakapaloob, paksang diwa at antas ng pananalita (wikang ginamit, at simbolismong ng akda. Gayundin, inalam din ng mga mananaliksik ang mga teoryang pampanitikang ginamit ng may-akda sa sinuring nobela. Hindi kinaligtaang alalim ng mga mananaliksik ang pag-alam sa mga bisang pampanitikan at aspektong (Kultural, Pang-kabuhayan, Panlipunan at Pangkultural) namas makapagbibigayngkaalaman at makapagpapatibay sa isinasagawang pagsusuri ng akda. Hindi makukumpleto ang pagsusuri ng akda kung hindi aalalim ang mensahe o aral na mapupulot dito, kung kayat siniguro ng mga mananaliksik na damhin at masusing usısanang bawat detalye na nangbibigay aral at ang bawat pahayag na nagpapahiwatig ng kabuoang mensahe ng akda. Sinuri at hinanap ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-aaral Ang nasuring akda ay pumapaksa sa ibat ibang mukha ng lipunang Pilipino (mayaman at mahirap, walang pinag-aralan at edukado, asawa at kalaguyo, pulitiko at masa) at maari ding tawaging kuwentong pag-ibig ang akdang sinuri sapagkat pumapaksa din ito sa mapaghimagsik na pagmamahalan nina Victor Del Mundo At Alma Fuertes, Ang pamagat na "Ang Tundo Man May Langit Din" ay halaw sa paniniwala ng pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at subsob sa hirap na lugar ng Tundo ay mayroon ding katumbas na kabutihan, ha may magagandang bagay na makikita sa Looban at hindi lang puros dumi, gulo, kahirapan, at kawalang-pag-asa Ang akdang sinuri ay nagpapalakas ng loob, nagbibigay ngisa pang pagkakataon upang ipagpatuloy ang pangarap na naudlot ng isang pagkakamali, paglisan sa kinagisnang hindi masikmura ng iyong isipan at paghihimagsik sa lipunang mapangmata. Higit sa lahat, ang pagyakap saisang propesyong pagmumulaan ngpagbabago at pagyabong ng pangarap. Tunay nga na mayroong aral na mapupulot ang mga mambabasa at magagamit sa tunay na buhay sa tulong ng pagsasabuhay ng panitikan. Sa isinagawang pag-aaral ay nakabuo ng mga angkop na konklusyon at rekomendasyon para sa mga susunod pang-magsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ang sinuring akda ay isang uri ng panitikan na kilala bilang Nobela na Sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang mga tauhan at tagpuan ng akdang nasuri ay may kaugnayan sa isa't isa. Mas mainam ang paggamit ng grapiko sa pagpapaliwanag at pag-uugnay, sapagkat mas napadali nito ang pag-intindi sa ugnayan ng dalawa. Ang nobelang nasuri ay isang halimbawang Tekstong Naratibo kung kayat ang Punto de Vista ng akda ay nasa anyong "Konbinasyong Pananaw at Paningin" sapagkat hindi lamang lisa ang tagapagsalaysay na mayroon ang akda. Ang nobelang nasuri ay kinapapalooban ng tatlong tunggalian: Tao laban sa Tao, Tao laban sa Sarili at Tao laban sa Lipunan Ang nobelang nasuri ay ginamitan ng may-akda ng ibat ibang Antas ng wika, tulad ng Kolokyal, Pampanitikan, Pambansa at Balbal na mga salita. Nakitaan din ang nasuring akda ng simbolismo na nagbibigay lalim sa mga katuturan na ibinabahagi nito sa bawat mambabasa. Ang mga uri ng mga Teoryang Pampanitikan na nakita sa akdang nasuri ay ang mga Teoryang Naturalismo, Teoryang Feminismo, Teoryang Romantesismo, Teoryang Humanismo, Teoryang Eksistensiyalismo, Teoryang Realismo at Teoryang Sosyolohikal Mahalaga ang pagtukoy ng Bisa at Aspektong Pampanitikan upang mas mabatid ang ugnayan at bisa ng akda sa sarili, kapwa at lipunan: Sa pagtatapos ng pagsusuri ng nobela ay nakapagkintal ito ng mga pangunahing aral na tiyak na tatatak sa isipan at pagkatao ng mga mananaliksik. Mabubuhay ang isang akda kung ito ay babasahin, at isasabuhay ang mga aral na iniiwan ng mga lumikha ng akda Ang panitikang Nobela ay sumasalamin sa tunay na buhay o realidad na ginamit upang ipalaganap ang ibat ibang aral na maaaring isabuhay at gamitin sa pang-araw-araw na buhay, Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ang pagsusuring ito ay maaaring maging lunsaran ng pagtuturo. Maging ang mga kaalamang at aral na natutunan, hindi lamang sa loob ng paaralan maging sa pang- araw- araw na buhay. Laging alalahanin at isabuhay ang mga akdang pampanitikan upang paghugutan ng kalakasan sa pagiging mapagmasid, palaisip ng sa gayon ay maging matuwid sa pag-papasya. Ang mga asal na natutunan sa akda ay gamitin upang maging huwaran para sa mabuting pakikitungo sa iba pati na rin sa sarili at lipunan. Pag- ibayuhin ang pagsulat ng mahusay na akdang pampanitkan upang higit na makilala ang panitkang Filipino at kagandahang tinataglay ng kulturang Filipino ER -