Pagsusuri ng isang dulang "Dahil sa anak" ni Julian Cruz A. Balmaceda/ Dela Cruz, Aileen Joy R. - 2022 - x, 72 leaves; illustrations 28 cm.
Undergraduate Thesis
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang akdang dulang "Dahil sa Anak" na katha ni Julian Cruz A. Balmaceda, upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng akda at maipakilala ito sa kasalukuyang panahon.
Isang panunuring pampanitikan ang isinagawa ng mananaliksik upang masuri ang nilalaman ng akda at maipaunawa sa mga mambabasa ang mensaheng nais iparating nito.
Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang pagpili at pagbasa ng akda, susundan ng paglalapat ng mga balangkas ng pagsusuri ng isang dula, matapos ito ay binigyan ng masususing pagsusuri ng mga mananaliksik.
Ang instrumento na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga balangkas sa pagsusuri ni Gloria P. San Juan et, al 2005.
Nasuri ang nilalaman ng akda batay sa pamagat, may akda, sanggunian at buod nito.
Naipakita ang mga katangiang nakapaloob sa akda batay sa uri ng panitikan, istilo ng paglalahat, mga tayutay, ang mga reaksyon ng mananaliksik ay naipahayag at maging ang mga teoryang ginamit sa akda ay naisa-isa.
Napuna ng mga mananaliksik ang mga tauhan sa dula, ang istilo ng awtor at maging ang galaw ng mga pangyayari sa akda.
Naibigay ang mga bisang pampanitikan na nakapaloob sa dula. Ito ay may bisa sa isip, bisa sa damdamin, bisa sa kaasalan at bisang panlipunan.
Mahalagang pag-aralan ang mga panunuring pampanitikan partikular na ang dula dahil nagpapakita ito ng panibagong perspektibo sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang pagpapatimpalak ng dulaan ay nararapat gawin tuwing may buwan ng wika bilang paalala sa ating kultura at tradisyon.