Pasusuring dalawang maikling kwentong tagalog na "aloha" at "walang panginoon" ni Deogracias A. Rosario/ Ma. Etefanie D. Floquencio, Ma Esttella D. Floquencio [and] Jolyn O. Trinidad
Material type:
TextPublication details: 2023Description: xii, 64 leaves illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .F66 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .F66 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1312 |
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2023
Ang layunin ngpag-aaralnaitoaymasuriangdalawangmaikling
kwetong tagalog na ni Deogracias A. Rosario, ito ang mga akdang Aloha at Walang Panginoon, upang alamin ang mga natatagong aral nito at malaman ang mga nilalaman ng nasabing akda.
Isang panunuring pampanikan ang isinagawaupang mahimay ang mga
akdange sinuri mulasa pinakamalit hanggang sa
pinakamahalagang
impormasyon na nakapaloob sa dalawang akda Ito ang ginamit ng mga
mananaliksik sapagkat ito ang mabisang paraan upang masuri ang mga tekstong
binasa. Sa pamamagitan nito, makakatulong sa mga mambabasa na mapadali
ang pag-unawa sa mga nilalaman nito. Ginamit sa pag-aaral at panunuri na ito ang gabay sa pagsusuri ng maikling kuwento ni Mary Flor Burac upang mabigyan ng makatuwirang paglalarawan ang pamagat, may-akda, mga tauhan, tagpuan, simbolo, buod ng mga akda, estilo ng may-akda at teoryang nangibabaw sa dalawang maikling kuwentong kapuwa isinulat ni Deogracias A. Rosario na pinamagaTang "Aloha" at Walang Panginoon"
Ang unang akda ay ang Aloha, malinaw na ipinakita sa akda na ito ang
ideolohiya ng racial discrimination na hanggang sa ngayon ay nararanasan pa rin ng mga tao.Ang akdang ito ay representasyon ng malayong agwat ng kayamanan at kahirapan sapagkat pinakita ng akda na nakabase ang trato ng isang tao sa kaniyang kapwa sa estado ng kaniyang pamumuhay. Ngunit sa kabilang banda, pinatunayan ng mag-asawa sa akda na hindi hadlang ang mga tao,ang bansang pinagmulan,estado sa buhay at taas ng pinag-aralan sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. Ang mag-asawa sa akda ay nagpakita ng katapatan sa kanilang pagmamahal dahil ano kahit na anumang pigil ng mga tao sa kanilang dalawa ay patuloy pa rin silang nag-ibigan, Pinatunayan ng kuwento na hindi kayang tumbasan ng kahit na ano mang halaga ang pag-ibig na tapat at wagas lalong-lalo na ang pag-ibig para sa ating mga mahal sa buhay.
Ang pag-ibig ay darating sa araw at lugar na hindi inaasahan at pag-lisahin nito ang dalawang pusong nagmamahalan. Ano man ang layo ng Silangan sa Kanluran, ng Langit at Lupa, ang mga ito ay mapag-uugnay ng pag-ibig
Samantala, ang ikalawang akda na Walang Panginoon naman ang
ikalawang sinuring mga mananaliksik. Ang akdang ito ay nagpakita ng mga totoong pangyayari na naranasan o maaaring nararanasan ng mga magsasaka sa ating bansa, Katulad na lamang ng sitwasyon ng pamilya ng pangunahing tauhan na pilit na kinakamkam ng isang mayaman ang lupa nilang sakahan at ang pinaglalagakan ng kanilang tahanan. Isa pang malinaw na ipinakita ng akda ang masamang dulot ng maling pagtrato sa isang tao,ganoon din ang mga masasakit na ala-ala at karanasan sa buhay. Sa kalagayan ng pangunahing tauhan, ang nag-udyok sa kaniya na maghiganti sa matandang mayaman ay ang galit dahil sa pag-aangkin nito sa kanilang lupa na naging dahilan upang mamatay ang kaniyang ama, kapatid at maging ang kasintahan,
May mga taong na sa sariling kamay na lamang sinisingil ang batas at
gumagamit ng dahas para lamang makamit ang hustisya sapagkat ang pamahalaan na inaasahang magtatanggol sa inaapi at inaabuso ay isa rin sa hindi nagbibigay halaga sa mahihirap na katulad nila. Nakakalungkot lamang isipin na may mga pagkakataon na talo talaga ng may pera ang mga maralita.
Ang mga taong inaasahang tutulong sa mga nangangailangan, ang siya pang magbabaon sa tao sa kahirapan. Katulad na lamang ng sitwasyon sa akdang
"Walang Panginoon" na ang pamahalaan ay pumayag na buwisan ng malaking halaga ang sariling lupain ng pangunahing auhan dahil lamang sa sila ay mahirap at walang kakayahang kumuha ng abogado na sa kanila ay
magtatanggol,
Itinuro ng dalawang maiikling kuwentong sinuri, na ano mang yaman sa
mundo ay hindi natin madadala sa kamatayan ngunit ang kabutihang-loob ay mananatili magpakailan man lalo na sa mga taong pinakitaan natin ng kabutihan
You sent
Sa mundong puno ng kahirapan at kawalang pagkakapantay-pantay nawa
ang pag-ibig ang ating pairalin at ipalaganap sa mundo. Bilang isang mamamayan, tayo ang susi upang magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan.
Sa kabuuan,napatunayan ng mga mananaliksik na ang mga akdang
pampanitikan ay talaga namang nag-iiwan ng mga aral sa mga mambabasa nito. Sa tulong ng masining na paglalarawan ng mga tauhan at kapaligiran ay
napalutang ang mga pangyayari bilang sangkap ng buhay. Ang mga tauhan sa dalawang maikling kuwento ay nauuuri sa kanilang mga diyalogo, paglalarawan ng may-akda, sa kanilang pisikal na kaanyuan, kanilang mga kausap, at tungkol sa kanilang ipinapamalas na kilos at mga galaw. Ang mga sinuring akda ay
nagsalaysay ng mga pangyayaring maaaring halaw sa tunay na buhay o mga pangyayaring nasaksihan ng may-akda sa kaniyang panahon o kaya naman ay
likha lamang ng malilikot na isipan sapagkat mababanaag sa dalawang akda ang
buhay na mayroon ang mga Pilipino sa Panahon ng Amerikano.
Tunay ngang ang panitikan ang nagbubukas ng pinto sa kaalaman,
huhubog at magbabago ng ating isipan patungkol sa lipunang ating ginagalawan kung kaya't marapat itong pahalagahan at paunlarin pa.
Sa pamamagitan ng panunuring pampanitikan ay nahimay ang mga
akdang pampanitikan, mula sa maliit hanggang sa pinakaimportanteng detalye na dapat na matuklasan ng isang mambabasa o manunuri ng mga ito.
Pinatutunayan lamang nito na ang pagsusuri ay mahalagang kasanayan na nagbubukas ng daan sa tao upang mas maging bukas sa mga bagong kaalaman na nagpapaulad sa kritikal na kaisipan ng isang tao.
There are no comments on this title.