Epekto ng online learning mode sa sikolohikal ng mga mag-aaral sa university of rizal system/ Angelica S. Atendido, Charles Dave S. Saragoza [and] Janeth C. SabaƱo
Material type:
TextPublication details: 2023Description: x, 86 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59Ā .At27 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .At27 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1562 |
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2023
Ang pananaliksik na ito ay naglayong alamin ang Epekto ng Online Mode of Learning sa aspetong Sikolohikal. May kabuuang bilang na tatlumpu ang mga tagatugon ng mga mananaliksik sa iba't ibang kolehiyo sa University of Rizal System - Rodriguez Campus.
Nais tugunan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na suliraning nakaaapekto sa aspetong sikolohikal partikular na ang kakulangan sa pagtulog o sleep deprivation, academic breakdown, pakikipagrelasyon sa kapwa at ang kanilang emosyonal na kalagayan. Batay ito sa Teoryang PERMA na tumutukoy sa limang aspeto ng sikolohikal na katayuan ng isang indibidwal na binubuo ng Positive emotion, Engagement, Relationships, Meaning, at Accomplishment.
Upang bigyang kasagutan ang mga suliranin, ang mga mananaliksik ay gumamit ng pakikipagpanayam o interview guide sa mga napiling tagatugon sa pamamagitan ng Deskriptibong Metodolohiya ito ay isang sarbey o talatanungan at ipinamahagi sa mga mag-aaral ng University of Rizal System Rodriguez Campus gamit ang Google Forms bilang plataporma sa pagpapakalat ng talatanungan
Batay sa mga nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga tagatugon, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga kasagutan sa mga suliranin ng pag-aaral sa Epekto ng online learning mode sa aspetong sikolohikal.
Karamihan sa mga tagatugon ay mga babae na dalawampu't dalawa (22) ang bilang at walo (8) sa lalaki. Habang sa edad, karamihan ay labing-anim (16) ang edad 22, labing-dalawa (12) naman ang edad 21, at dalawa (2) ang 23 taong gulang. Ito ay binubuo mula sa mga kolehiyo ng Social Work, anim (6) ang nasa kurso ng Agrikultura, labindalawa (12) mula sa Business Administration, at walo (8) sa kurso ng Edukasyon sa Filipino.
Ayon sa mga tagatugon ay sinasabing nakakaapekto ang online learning mode sa aspetong sikolohikal sa mga suliranin tulad sa kanilang pagtulog o kakulangan sa pagtulog. Karamihan sa mga tagatugon ay natutulog sa oras ng alas-onse ng gabi (11:00pm) hanggang ala-sais ng umaga (6:00am) na ang karamihang kadahilanan ay marami silang iniisip, kagagamit ng cellphone at gumagawa ng mga gawain patungkol sa paaralan. Dahil dito ay nagdudulot ng pagkapagod, pagkahilo, pagkapuyat at panghihina na makakaapekto sa kanilang pangkalusugan.
Batay sa akademikong pagkabigo o academic breakdown na kung sila ay may pagkakataon nang bumagsak sa klase ay halos lahat ay sumagot ng hindi. Ngunit, sa mga panubaybay na tanong ng mga mananaliksik, na kung sakaling makakuha sila ng mababang grado at ano ang kanilang mararamdaman ay halos lahat ay negatibo ang mga tugon. Inihayag ng mga tagatugon na sila ay malulungkot, nade-depress at nakakaramdam ng labis na pagkalumbay o pag-iyak. At karamihan sa mga tagatugon ay inihayag na nakakaapekto ang akademikong pagkabigo sa mga gawain na mayroon sila, sapagkat ito ay itinuturing nilang kabiguan.
Ang mga tagatugon ay madalas pa rin silang makipagsalamuha sa iba, sa tulong na rin ng social media at sa kalagitnaan ng pandemya ay madalas na nagagamit ay mga gadyet o ang cellphone na kung saan ay ito ang naging daan upang patuloy silang makipagkomunikasyon sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pang mga malapit sa kanila. Ngunit, inihayag din nga mga tagatugon na nagkakaroon sila ng pagkaramdam ng pagkalumbay, dahil ayon sa karamihan ay hindi sila nagiging bukas upang pag-usapan ang mga seryosong usapin tulad ng mga problema.
Karamihan sa mga tagatugon ay nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang emosyonal na kalagayan. Marami ang nagpatunay na nakaranas sila nito, inihayag ng mga tagatugon ang mga paraan upang makontrol nila ang kanilang emosyon. Karamihan ay gumagamit ng estratehiyang inhale, exhale o ang paghinga ng malalim, pananahimik at pagkontrol sa kanilang magiging reaksiyon at pagdarasal
Ang resulta mula sa ginawang pagkalap ng datos patungkol sa online mode of learning ay lumalabas na may negatibong epekto ito sa aspetong sikolohikal ng mga estudyante. Marami ang nakararanas ng kakulangan sa pagtulog, academic breakdown, at pabago-bagong mood o emosyon. Habang sa relasyon sa kapwa ay pawang walang naging pagbabago kung paano sila makipagkomunikasyon ngunit bakas ang suliranin sa tuwing mayroong mga seryosong usapin tulad ng mga problema o kahirapan.
Kinukumbinsi ang mga namumuno na mainam na magkaroon ng face to face classes. Bagama't magandang plataporma ang online learning mode sa modernong panahon at nakikita ang mga kalamangan sa tradisyonal na pagtuturo, ngunit, ito ay nangangailangan na sapat na gabay, angkop na pagtatasa, at patuloy na pagpapayabong ng mga estratehiya upang maiwasan o mabawasan ang mga maaaring epekto ng online learning mode sa aspetong sikolohikal. Hinihikayat ng mga mananaliksik na magkaroon o magsagawa pa ng mga karagdagang programa tulad ng mga oryentasyon at konsultasyon sa mga estudyante upang maitaguyod ang kahalagahan sa usaping pangkalusugang sikolohikal. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat din na magbigay ng sapat na kooperasyon upang maipahayag ang kanilang mga suliranin sa usaping pangkalusugang sikolohikal dulot ng online learning mode nang sa ganoon ay maisakatuparan ang pagbibigay ng tamang pamamaraan upang masolusyunan ang mga ito.
There are no comments on this title.