Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

pagbuo. Balidasyon at antas ng pagtanggap sa modyul sa tulang "ang ibong Adarna" para sa ikapitong baitang/ Lorena Saspa Blbino, [and] Niño Bacarra Busano

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2014Description: xv, 108 leaves, Illustrations, 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .B185 2014
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2014 Summary: Ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo, makapagbalideyt at malaman ang antas ng pagtanggap ng modyul sa tulang "Ang Ibong Adarna" sa ikapitong baitang sa mataas na paaralan ng San Jose. Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga suliranin ukol sa mean iskors ng mga mag-aaral na tagatugon sa pagsagot ng pang-una at panghuling pagsusulit; kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pang-una at panghuling pagsusulit. Ang antas ng pagtanggap ng modyul batay sa pagsusuri ng mga gurong tagatugon gamit ang talatanungan. Ang pamamaraang Ebalwatib-deskriptib at Eksperimental sa paggamit ng pang-una at panghuling pagsusulit ang ginamit ng mga mananaliksik upang malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na tagatugon pagkatapos gamitin ang modyul at pagtataya ng mga gurong tagatugon sa modyul. Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagsusulit na binubuo ng (50) limampung aytem na batay sa paksa ng modyul at talatanungan na binubuo ng (7) pitong baryabol na katangian ng modyul; layunin, nilalaman, istilo at wika, organisasyon at presentasyon, Gawain, pagkamalikhain at pagtataya. Ang mga nalikom na datos mula sa paunang pagsusulit, panghuling pagsusulit at talatanungan ay itinala, inihanay at ginawan ng kaukulang pagtutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod: upang matukoy ang kabatirang kaalaman ng mga mag-aaral na tagatugon batay sa pauna at panghuling pagsusulit, mean ang ginamit. Sa pagtukoy ng makabuluhang pagkakaiba ng pang-una at panghuling pagsusulit, dependent t-test ang ginamit at upang masukat ang antas ng pagtanggap ng modyul, weighted mean ang ginamit. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na tagatugon na sumagot sa pang-unang pagsusulit, ito ay nakakuha ng mean iskor na 36.53 at sa panghuling pagsusulit ay nakakuha ng 39.2 na mean iskor. Sa makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pang-una at panghuling pagsusulit na nakakuha ng degree of freedom na 29, Sdx na 7839, t-value na 3.61 at p-value na .001 na mas mababa sa .05 level of significance. Kaya ang haka ng pag-aaral ay hindi tinanggap. Batay sa pagsusuri ng mga gurong tagatugon sa antas ng pagtanggap ng modyul ang mga sumusunod na katangian ng modyul ay nakakuha ng mean iskor sa mga sumusunod: "Layunin na may mean iskor na 3.9, sinundan ng "Nilalaman na may 3.98. "Istilo at wika na may mean iskor na 3.920, "Organisasyon at presentasyon na may 4.0 mean iskor. 3.94 mean iskor sa "Pagkamalikhain" at mean iskor na 3.82 sa Gawain at pagtataya na sa kabuuan. Ang pagsusuring ginawa ng mga guro ay nakakuha ng mean iskor na 3.86. Batay sa mga nakalap na mga datos ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon, Sa paghahambing sa tinuos na datos ng pang-una at panghuling pagsusulit ay ipinakita ang pagtaas ng mean iskor ng mga tagatugon na mag-aaral batay sa panghuling pagsusulit. Sa paggamit ng modyul bilang kagamitang pampagtuturo ay nagpakita ng mataas na agwat at bisa sa pagkatuto ang mga mag-aaral na tagatugon, kaya masasabing mayroong makabuluhang pagkakaiba ang pang-una at panghuling pagsusulit. Ang pinagandang modyul na batay sa tulang Ibong Adarna ay naging katanggap-tanggap batay sa mga pamantanyan na sinuri ng mga gurong tagatugon. Sanhi ng mga natuklasan sa pag-aaral na ito, mungkahi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na magkaroon ng determinansyon upang matuto sa sariling paraan, sa mga guro nararapat na panatilihin ang maayos na gawi sa pagtuturo sa mga bata kasama na rin ang pagising sa kanilang interes na matuto sa Asignaturang Filipino particular na ang pagbabasa ng mga mahahabang nobela o korido, sa mga namumuno sa paaralan, marapat na isaalang-alang ang mga karanasan at Field of Specification ng mga gurong magtuturo ng Asignaturang Filipino, para sa mga magulang, kinakailangan ang pakikipag-ugnayan sa mga guro upang malaman ang mga nangyayari sa kanilang anak sa loob ng paaralan.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59.B185 2014 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1258

Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2014

Ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo, makapagbalideyt at malaman ang antas ng pagtanggap ng modyul sa tulang "Ang Ibong Adarna" sa ikapitong baitang sa mataas na paaralan ng San Jose.

Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga suliranin ukol sa mean iskors ng mga mag-aaral na tagatugon sa pagsagot ng pang-una at panghuling pagsusulit; kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pang-una at panghuling pagsusulit. Ang antas ng pagtanggap ng modyul batay sa pagsusuri ng mga gurong tagatugon gamit ang talatanungan.

Ang pamamaraang Ebalwatib-deskriptib at Eksperimental sa paggamit ng pang-una at panghuling pagsusulit ang ginamit ng mga mananaliksik upang malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral na tagatugon pagkatapos gamitin ang modyul at pagtataya ng mga gurong tagatugon sa modyul.

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagsusulit na binubuo ng (50) limampung aytem na batay sa paksa ng modyul at talatanungan na binubuo ng (7) pitong baryabol na katangian ng modyul; layunin, nilalaman, istilo at wika, organisasyon at presentasyon, Gawain, pagkamalikhain at pagtataya. Ang mga nalikom na datos mula sa paunang pagsusulit, panghuling pagsusulit at talatanungan ay itinala, inihanay at ginawan ng kaukulang pagtutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod: upang matukoy ang kabatirang kaalaman ng mga mag-aaral na tagatugon batay sa pauna at panghuling pagsusulit, mean ang ginamit. Sa pagtukoy ng makabuluhang pagkakaiba ng pang-una at panghuling pagsusulit, dependent t-test ang ginamit at upang masukat ang antas ng pagtanggap ng modyul, weighted mean ang ginamit.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na tagatugon na sumagot sa pang-unang pagsusulit, ito ay nakakuha ng mean iskor na 36.53 at sa panghuling pagsusulit ay nakakuha ng 39.2 na mean iskor. Sa makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pang-una at panghuling pagsusulit na nakakuha ng degree of freedom na 29, Sdx na 7839, t-value na 3.61 at p-value na .001 na mas mababa sa .05 level of significance. Kaya ang haka ng pag-aaral ay hindi tinanggap.

Batay sa pagsusuri ng mga gurong tagatugon sa antas ng pagtanggap ng modyul ang mga sumusunod na katangian ng modyul ay nakakuha ng mean iskor sa mga sumusunod: "Layunin na may mean iskor na 3.9, sinundan ng "Nilalaman na may 3.98. "Istilo at wika na may mean iskor na 3.920, "Organisasyon at presentasyon na may 4.0 mean iskor. 3.94 mean iskor sa "Pagkamalikhain" at mean iskor na 3.82 sa Gawain at pagtataya na sa kabuuan. Ang pagsusuring ginawa ng mga guro ay nakakuha ng mean iskor na 3.86.

Batay sa mga nakalap na mga datos ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon, Sa paghahambing sa tinuos na datos ng pang-una at panghuling pagsusulit ay ipinakita ang pagtaas ng mean iskor ng mga tagatugon na mag-aaral batay sa panghuling pagsusulit. Sa paggamit ng modyul bilang kagamitang pampagtuturo ay nagpakita ng mataas na agwat at bisa sa pagkatuto ang mga mag-aaral na tagatugon, kaya masasabing mayroong makabuluhang pagkakaiba ang pang-una at panghuling pagsusulit. Ang pinagandang modyul na batay sa tulang Ibong Adarna ay naging katanggap-tanggap batay sa mga pamantanyan na sinuri ng mga gurong tagatugon.

Sanhi ng mga natuklasan sa pag-aaral na ito, mungkahi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na magkaroon ng determinansyon upang matuto sa sariling paraan, sa mga guro nararapat na panatilihin ang maayos na gawi sa pagtuturo sa mga bata kasama na rin ang pagising sa kanilang interes na matuto sa Asignaturang Filipino particular na ang pagbabasa ng mga mahahabang

nobela o korido, sa mga namumuno sa paaralan, marapat na isaalang-alang ang mga karanasan at Field of Specification ng mga gurong magtuturo ng Asignaturang Filipino, para sa mga magulang, kinakailangan ang pakikipag-ugnayan sa mga guro upang malaman ang mga nangyayari sa kanilang anak sa loob ng paaralan.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library