Pagsusuri ng maikling kwento ng "sandosenang sapatos" ni Luis P. Gatmaitan at "saranggola ni Efren Abueg/ Lea Mae R. Bigcas, Cristina D. Dacillo, [and] Jocel G. Decorena
Material type:
TextPublication details: 2023Description: x, 63 leaves illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .B4809 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .B4809 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1308 |
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang maikling kuwento ng
"Sandosenang Sapatos" ni Luis P. Gatmaitan at "Saranggola" ni Efren Abueg, upang matukoy ang kabisaan, aral, at natatanging nilalaman ng akda.
Isang Panunuring Pampanitikan (Literary Research) ang pananaliksik na
ginamit upang sa ganoon matukoy at maibahagi ang mga nasuring akdang
pampanitikan sa mga makababasa at upang maunawaan ang aral ng mga ito
Sa pag-aaral na ito, ginamit ang Balangkas ng Maikling Kuwento ni Pat
Villafuerte upang masuri ng maigi ang nilalaman ng akdang pampanitikan na
sinuri. Binasa ng maigi ng mga mananaliksik ang dalawang maikling kuwento ng
dalawang magkaibang manunulat.
Matapos nito ay sinuri at natukoy ang uri ng dalawang Maikling Kuwento na nakapaloob sa Kuwentong Sikolohikal, samantala ang "Sandosenang Sapatos" ay nakapaloob din sa Kuwento ng Tauhan Nabigyang pansin din ang elemento nito
na kung saan ang mga tauhan sa dalawang akdang sinuri ay mayroong
pagkakatulad, kung paano mahalaga ang ginampanang papel ng kanilang mga ama sa kanilang buhay. Bagama't may pagkakasalungat sa ugali ng mga tauhang anak sa dalawang akda ay sinasalamin pa rin nito ang pagbabago ng isang tao sa paglaon ng panahon. Tagpuan ay sa tahanan kung saan nagmula ang lahat ng pagsubok at aral sa kanilang buhay. Inisaisa rin ang mga tagpo sa akda na makikitaan ng mga suliranin, at ganoon din ang Magagandang Pangyayari.
Binigyang halaga din ng mga mananaliksik ang bisa na mayroon din ito sa damdamin, isip, at kaasalan.
Natukoy ng mga mananaliksik na ang teoryang nangibabaw sa
"Sandosenang Sapatos" ni Luis P. Gatmaitan at "Saranggola" ni Efren Abueg ay ang mga Teoryang Sikolohikal at Teoryang Humanismo Habang ang
"Sandosenang Sapatos" ay nakapaloob din sa mga teoryang Imahismo, Romantisismo at Sosyolohikal, at natatanging nakapaloob ang teoryang Realismo sa "Saranggola" ni Efren Abueg.
Samakatuwid, ang dalawang akda ay tiyak na makakapukaw ng damdamin ng mga mambabasa at makikita ang kahalagahan nito sa buhay at pamilya. Sa kadahilanang walang makapapantay sa suporta at pagmamahal na kinakailangan ng mga taong mayroong kapansanan at pinagdadaanan sa buhay.
There are no comments on this title.