Pagtataya ng Implementasyon ng Cath-Up Friday Program ng DEPED sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Southvill 8B National High School/ Zalvie Disbarro
Material type:
TextPublication details: 2025Description: xi, 68 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .J1507 2018
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | Non-fiction | LG 221.R59.J150 2025 (Browse shelf(Opens below)) | c1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1497 |
Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
year 2023
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang tasahin ang implementasyon ng Catch-Up Friday Program ng Department of Education (DepEd) sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Southville BB National High School (NHS), Montalban, Rizal para sa Taong Pampaaralan 2024-2025. Gumamit ang pananaliksik ng pinagsamang kwantitatibo-kwalitatibong disenyo at deskriptibong pamamaraan. Limampung (50) guro mula sa Southville BB NHS, Montalban Heights NHS, Tagumpay NHS, at Southville 8C NHS ang napiling tagatugon sa pamamagitan ng random sampling. Ginamit ang survey-kwestyuner, obserbasyon, at panayam bilang mga pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos.
Lumabas sa resulta na "Lubos na Naipapatupad ang programa (weighted mean 3.41) pagdating sa oras na inilaan, kapaligiran ng pagkatuto, at gawain ng guro; gayunman, natukoy ang malaking kakulangan sa mga kagamitang pampagtuturo, gaya ng aklat-pangkuwento at iba pang babasahin. Lubos ding naniniwala ang mga guro (weighted mean 3,49) na makabuluhan ang programa ngunit nangangailangan ito ng mas malinaw na pamantayan at gabay mula sa pamunuan. Ang pangunahing suliranin ay umiikot sa limitadong oras, materyales, at suporta (weighted mean 3.04), na nagdudulot ng labis na gawain at personal na gastusin ng mga guro upang punan ang kakulangan sa reading materials.
Matagumpay ngunit hindi ganap ang pagpapatupad ng Catch-Up Friday Program sanhi ng kakulangan sa kagamitan; (2) positibo ang pananaw ng mga guro ngunit kailangan ng mas sistematikong pamamahala; at (3) ang kakulangan sa oras, materyales, at suporta ay nakaaapekto sa layunin nitong mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Ang rekomendasyon ay maglaan ng sapat na pondo para sa reading materials, linawin ang mga pamantayan sa implementasyon, magpatupad ng sari-saring estratehiya sa pagtuturo at masusing monitoring ng progreso, hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mag-aaral at suporta ng magulang, at magsagawa ng mas malawak na pag-aaral sa iba't ibang konteksto upang higit pang mapabuti ang programa.
There are no comments on this title.