Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Pagsusuri ng maikling kwentong "Ang mahiwagang kuba" ni Severino Reyes/ Mary Jane Esmeralda Billute

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2022Description: xi, 50 leaves; illustrations, 28cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): LOC classification:
  • LG 221. R59 .B497 2022
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2022 Summary: Ang layunin ng pananaliksik na ito ay suriin ang maikling kwentong "Ang mahiwagang kuba ni Severino Reyes na isa sa mga mahusay na mailking kwentong inakda ng isang batikang kuwentista, upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng akda. Ang pananaliksik na ito ay sumailalim sa panunuring pampanitikan, ito ay nakabatay sa paniniwala na ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad. Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay pagpili ng isang akdang pampanitikan sisundan ng paglalapat ng balangkas ng pagsusuri ng isang maikling kwento at ang panghuli ay aktwal na pagsusuri ng mga mananaliksik ang buong akda. Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ang Balangkas ng panunuri mailkling kwento ni Prof. Nenita Papa at ang maikling kwento na inakda Inakda ni Severino Reyes upang mabigyan paglilinaw ang mga nakasaad na mensahe na nais iparating ng may-akda at upang ang mga kaisaipan, damdamin o saloobin sa akda ay maipamalas sa mga mambabasa. Ang pananaliksik na ito ay nakapagbibigay ng mga angkop na konklusyon at rekomendasyon sa nasuring akdang pampanitikan. Ang maikling kwentong ang Mahiwagang kuba ay may malaking impak sa Isang tao at sa lipunang ginagalawan nito, ang mensaheng nakapaloob dito ay nakabatay sa reyalidad. Mahalaga din ang ginagampanan ng mga tauhan sa maikling kwento dahil sila ang nagbibigay kulay sa akda at sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa galaw ng pangyayari nalalaman ang istilo ng manunulat at ang naging daloy ng kwento. Sa tulong ng balangkas na ginamit ay nasuri o nahimay-himay ang mga mahahalagang pangyayari sa akda at ang mensaheng nakapaloob dito. Naisa-isa ang mga tayutay na ginamit ng akda sa pamamagitan ng masusing pagbasa. Ang mga uri ng teoryang nakapaloob dito ay ang mga Teoryang Reyalismo at Teoryang Moralistiko. Sa pagsusuri ng akda ay may mga kabisaan natukoy, mahalaga ito upang makabuluhan ang isang akda. Ang mga kaalaman na natutunan ay gagamitin ng wasto at tama. Gawin lagi ang tama sa lahat ng bagay, sitwasyon at balakid sa buhay. Huwag mangtapak ng tao kung ano o sino man siya, nakakaanggat ka man sa buhay o sitwasyon, at kung ano ang istado nya sa buhay dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ng taong iyon at hindi mo rin alam kung ano ang kapalit ng mga ginawa mong masasama sa kapwa mo tao. Maging aral at gawing gabay ang pangyayari sa kwentong ito dahil sa totoong buhay maraming mapangmataas at mapanglait, huwag tularan ang mga hindi magagandang gawi na ipinakita sa kwento. Ang panitikang ito ay nasasalamin sa reyalidad o hango sa totoong buhay, maraming sakim at mapanglait sa panahon ngayon kaya piliin ang tama at gumawa ng mabuti sa kapwa gawing inspirasyon ang kwentong ito.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221. R59 .B497 2022 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1523

Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2022

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay suriin ang maikling kwentong "Ang mahiwagang kuba ni Severino Reyes na isa sa mga mahusay na mailking kwentong inakda ng isang batikang kuwentista, upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng akda.

Ang pananaliksik na ito ay sumailalim sa panunuring pampanitikan, ito ay nakabatay sa paniniwala na ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad.

Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay pagpili ng isang akdang pampanitikan sisundan ng paglalapat ng balangkas ng pagsusuri ng isang maikling kwento at ang panghuli ay aktwal na pagsusuri ng mga mananaliksik ang buong akda.

Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ang Balangkas ng panunuri mailkling kwento ni Prof. Nenita Papa at ang maikling kwento na inakda Inakda ni Severino Reyes upang mabigyan paglilinaw ang mga nakasaad na mensahe na nais iparating ng may-akda at upang ang mga kaisaipan, damdamin o saloobin sa akda ay maipamalas sa mga mambabasa.

Ang pananaliksik na ito ay nakapagbibigay ng mga angkop na konklusyon at rekomendasyon sa nasuring akdang pampanitikan.

Ang maikling kwentong ang Mahiwagang kuba ay may malaking impak sa Isang tao at sa lipunang ginagalawan nito, ang mensaheng nakapaloob dito ay nakabatay sa reyalidad. Mahalaga din ang ginagampanan ng mga tauhan sa maikling kwento dahil sila ang nagbibigay kulay sa akda at sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa galaw ng pangyayari nalalaman ang istilo ng manunulat at ang naging daloy ng kwento. Sa tulong ng balangkas na ginamit ay nasuri o nahimay-himay ang mga mahahalagang pangyayari sa akda at ang mensaheng nakapaloob dito. Naisa-isa ang mga tayutay na ginamit ng akda sa pamamagitan ng masusing pagbasa. Ang mga uri ng teoryang nakapaloob dito ay ang mga Teoryang Reyalismo at Teoryang Moralistiko. Sa pagsusuri ng akda ay may mga kabisaan natukoy, mahalaga ito upang makabuluhan ang isang akda.

Ang mga kaalaman na natutunan ay gagamitin ng wasto at tama. Gawin lagi ang tama sa lahat ng bagay, sitwasyon at balakid sa buhay. Huwag mangtapak ng tao kung ano o sino man siya, nakakaanggat ka man sa buhay o sitwasyon, at kung ano ang istado nya sa buhay dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ng taong iyon at hindi mo rin alam kung ano ang kapalit ng mga ginawa mong masasama sa kapwa mo tao. Maging aral at gawing gabay ang pangyayari sa kwentong ito dahil sa totoong buhay maraming mapangmataas at mapanglait, huwag tularan ang mga hindi magagandang gawi na ipinakita sa kwento. Ang panitikang ito ay nasasalamin sa reyalidad o hango sa totoong buhay, maraming sakim at mapanglait sa panahon ngayon kaya piliin ang tama at gumawa ng mabuti sa kapwa gawing inspirasyon ang kwentong ito.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library