Epekto ng elektronikong babasahin (wattpad) sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang/ Mariel Anne L. Alvarez, Christian Paul V. Insigne [and] Carlito Jr B. Manahan
Material type:
TextPublication details: 2018Description: x, 55 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59Â .Al863 2018
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .Al863 2018 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1544 |
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2018
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa Epekto ng Elektronikong Babasahin
(Wattpad) sa Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang. Ang mga tagatugon ay pinili ng mga mananaliksik mula sa sa bawat pangkat sa ikasampung baitang. Layunin ng pag-aaral na ito na makuha ang Epekto ng Elektronikong Babasahin (Wattpad) sa Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang na may bilang na tatlumput-lima sa Mataas na Paaralan ng Southville 8B.
Batay sa mga datos na nalikom mula sa mga tagatugon ng pag-aaral na
ito, ang mga sumusunod na impormasyon ang nakuha, higit na nakararami ang tagatugon mula sa pangkat ng Newton sa ikasampung baitang; higit ring nakararami ang mga tagatugong nasa edad labing-lima at karamihan din sa mga tagatugon ay babae; sa katangian ng mga tagatugon sa paggamit ng elektronikong babasahin (wattpad), ang mga tagatugong araw-araw na nagbabasa ang may pinakamaraming bilang ng tagatugon, sa uri ng wattpad na binabasa, ang may pinakamaraming bilang ng tagatugon ay ang mga nagbabasa ng Romance, pantay na bilang naman ng tagatugon ang nagbabasa sa wattpad sa kadahilanang ito ay nakapagbibigay sa kanila ng satispaksyon at bilang
pampalipas oras; sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod, ang mga pamantayan sa pagsukat ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysayay may interpretasyong berbal na katamtaman; Sa kabuuang marka sa ginawang sanaysay ay mayroong interpretasyong berbal na satispaktori. Nangangahulugan lamang na sa ginawang pag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan at hindi gaanong nakaapekto ang paggamit ng elektronikong babasahin (wattpad) sa kasanayan
sa pagsulat ng sanaysay ng mga tagatugon.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa
Epekto ng Elektronikong Babasahin (Wattpad) sa Kasanayan sa Pagsulat ng
Sanaysay ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang: ang mga mag-aaral ay nakakuha ng katamtamang antas sa kasanayan nila sa pagsulat sanaysay; ang dalas ng pagbabasa sa wattpad ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng pagsulat nila ng sanaysay; ang uri ng wattpad na binabasa ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng pagsulat nila ng sanaysay; ang dahilan ng pagbabasa sa wattpad ng mga mag-aaral ay walang makabuluhang kaugnayan sa antas ng pagsulat nila ng sanaysay; at ang paggamit ng mga mag-aaral ng elektronikong babasahin o wattpad ay walang makabuluhang kaugnayan sa pagsulat nila ng sanaysay.
Mula sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod na mungkahi ay nabuo upang malaman ang epekto ng elektronikong babasahin (wattpad) sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang: sa mga namumuno, ipagpatuloy ang maunlad na pamamalakad ng mga programang naglalayon sa magandang kalidad ng edukasyon; sa mga guro, patuloy na gabayan ang mga mag-aaral upang malinang at mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng sanaysay at iba pang panitikan, at gumamit ng ibang midyum sa pagtuturo na makahihikayat sa mga mag-aaral tulad ng mga elektronikong babasahin; sa mga mag-aaral, bigyang halaga ang pag-aaral ng asignaturang Filipino, maging daan sana ang pag-aaral na ito upangmapaunlad pa ang kanilang pagkatuto at magsilbing instrumento ang mga elektronikong babasahin samabisang pagkatuto; at sa mga susunod na mananaliksik, maging gabay ang pag-aaral na ito upang saliksikin pa ang ibang uri ng panitikan at anu-anong mga midyum ang maaaring makatulong o makaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
There are no comments on this title.