Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon sa University of Rizal System Rodriguez/ Trixia Marie I. Alejendro, Rona G. Paraon [at] Shiela Marie S. Rivas

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2013Description: xi, 63 leaves; Illustrations 28cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • rdacarrier
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .Al252 2013
Dissertation note: Undergraduate Thesis Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2013 Summary: Ang pag-aaral na ito ay naglayong tukuyin ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa University of Rizal System. Ang mga suliraning nakapaloob sa pag-aaral na ito ay: Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa kasarian at marka sa asignaturang Filipino? Ano ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral? Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayang sa pakikinig ng mga piling mag-aaral batay sa kanilang propayl? Nabatid sa pag-aaral na ito na mas marami ang babae na may bilang na tatlumpu't dalawa (32) kaysa sa lalaki na dalawampu't tatlo (23) bilang ng tagatugon at nakararami ang may marka sa asignaturang Filipino mula dalawa punto isa hanggang dalawa punto apat (2.1-2.4).Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral ay may mean na 14.8 na may berbal interpretasyon kasanayang pang-interpretasyon. sanav at nasa Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan sa kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon ayon sa kanilang propayl. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na isinakatuparan ng mga mananaliksik at sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang maiangat ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral. Sa mga namumuno sa paaralan, magpatupad ng mga programa na magpapayaman sa kaisipan ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pakikinig. Sa mga guro, magsagawa ng mga istratehiya na magiging kawili-wili sa mga mag-aaral upang sila ay magkaroon ng interes sa pakikinig sa loob ng klase. Itaguyod at palawakin ang kaalaman, lumikha ng iba't-ibang lunsaran sa pagtuturo upang sila ay lubusang magkaroon ng interes na makinig sa mga itinuturo. Sa mga mag-aaral, ikintal ang mga pagpapahalagang ibinabahagi ng mga guro at linangin ang mga kaalaman na ipinagkakaloob upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mag-aaral. Pagtuunan ng pansin ang pakikinig sa mga ibinabahaging itinuturo ng mga guro nang sa ganoon ay magkaroon ng malawak na pang-unawa at kaisipan. Mag-ukol o maglaan ng sapat na panahon sa pakikinig. Sa mga mananaliksik, magkaroon ng karagdagang pag-aaral ukol sa iba pang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral na lubusang makatutulong sa kanila upang magkaroon ng malawak na pang-unawa.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .Al252 2013 (Browse shelf(Opens below)) 2 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1266


Undergraduate Thesis Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2013

Ang pag-aaral na ito ay naglayong tukuyin ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa University of Rizal System.

Ang mga suliraning nakapaloob sa pag-aaral na ito ay: Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa kasarian at marka sa asignaturang Filipino? Ano ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral? Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayang sa pakikinig ng mga piling mag-aaral batay sa kanilang propayl?

Nabatid sa pag-aaral na ito na mas marami ang babae na may bilang na tatlumpu't dalawa (32) kaysa sa lalaki na dalawampu't tatlo (23) bilang ng tagatugon at nakararami ang may marka sa asignaturang Filipino mula dalawa punto isa hanggang dalawa punto apat (2.1-2.4).Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral ay may mean na 14.8 na may berbal interpretasyon kasanayang pang-interpretasyon. sanav at nasa

Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan sa kasanayan sa pakikinig ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon ayon sa kanilang propayl.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na isinakatuparan ng mga mananaliksik at sa pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang maiangat ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral.

Sa mga namumuno sa paaralan, magpatupad ng mga programa na magpapayaman sa kaisipan ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pakikinig.

Sa mga guro, magsagawa ng mga istratehiya na magiging kawili-wili sa mga mag-aaral upang sila ay magkaroon ng interes sa pakikinig sa loob ng klase. Itaguyod at palawakin ang kaalaman, lumikha ng iba't-ibang lunsaran sa pagtuturo upang sila ay lubusang magkaroon ng interes na makinig sa mga itinuturo.

Sa mga mag-aaral, ikintal ang mga pagpapahalagang ibinabahagi ng mga guro at linangin ang mga kaalaman na ipinagkakaloob upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mag-aaral. Pagtuunan ng pansin ang pakikinig sa mga ibinabahaging itinuturo ng mga guro nang sa ganoon ay magkaroon ng malawak na pang-unawa at kaisipan. Mag-ukol o maglaan ng sapat na panahon sa pakikinig.

Sa mga mananaliksik, magkaroon ng karagdagang pag-aaral ukol sa iba pang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral na lubusang makatutulong sa kanila upang magkaroon ng malawak na pang-unawa.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library