000 03659nam a22002417a 4500
003 URS
005 20250225235146.0
008 250225b |||||||| |||| 00| 0 eng d
050 0 0 _aLG 221.R59
_b.Sa594 2024
100 _aSantiago, Ana Joy
_eResearcher
245 _aMga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa tagumpay national high school at San Jose national high school
_cAna Joy Santiago and Josemen M. Samar
260 1 _c2024
300 _axi, 76 leaves;
_billustrations
_c28 cm
336 _2rda content
_atext
337 _2rda media
_aunmediated
338 _2rda carrier
_avolume
502 _aUndergraduate Thesis
_bBachelor of secondary education Major in Filipino
_cUniversity of Rizal System, Rodriguez, Rizal
_d2024
520 _aAng pag-aaral na ito ay patungkol sa mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Isang kwantitatibong pananaliksik na sinamahan ng kwalitatibong Pananaliksik, na kung saan sa pag-aaral na ito, natuklasan ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, batay sa paggamit ng mga gurong tagatugon sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na nahahati sa dalawang kategorya; check list at pagpapahayag na tanong para sa mga guro na tutugon. Anumang kagamitan katulad ng sinagutang talatanungan ay ipinasa at pinagtibay ng mga gurong taga-gabay. Ang bawat talatanungan na sinagutan ng mga mag-aaral ay nilapatan ng angkop na interpretasyon at analisis. Ang karamihan sa mga tagatugon ay bihasa at may sapat na kwalipikasyon sa larangan ng pagtuturo sa industriya ng edukasyon. Ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagtuturo ay nagpapakitang kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa larangan na kanilang pinili. Ang kanilang kabihasaan at kwalipikasyon ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na magbigayng dekalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral, na naglalagay sa kanila sa isang magandang posisyon upang makapagambag sa pagpapaunlad ng edukasyon at paghubogng mga kabataan. Ang kanilang karanasan at kaalaman ay mahalaga sa pagtuturo at nagpapakita ng kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa propesyon ng pagtuturo. Nakatutulong ang mga pamamaraang Collaborative Method, Reflective Method, Integrative Method, Constructivist Method, at Inquiry Based Method sa pagtuturo sa asignaturang Filipino, na may kaukulang mataas na antas ng pagsang-ayon mula sa mga guro, nagpapakita na ang iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo ay epektibo sa pag-enhance ng kasanayan at interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang mga suliranin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay kinikilala ng mga guro, kabilang ang kakulangan sa materyales at kagamitan, pangangailangan ng pagsasanay, pagbabago sa kurikulum, at kawalan ng interes ng mga magaaral. Ang mga ito ay maaaring masulusyunan sa pamamagitan ng pagsasanay, pagsusuri at pagsasaayos sa kurikulum, at pagpapahalaga sa makabuluhang aktibidad. Ang pagpapaayos ng pagtuturo ng asignaturang Filipino ay nangangailangan ng malawakang pagsasanay ng mga guro at pagsuporta mula sa pamahalaan. Kinakailangan ang pagsasaayos sa kurikulum, pagapahalaga sa wika at panitikan ng Pilipinas, paglikha ng makabuluhang aktibidad, pakikipagtulungan sa komunidad, at pagtuon sa gramatika. Ang suporta mula sa pamahalaan ay mahalaga upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa asignaturang Filipino.
650 _2pamamaraan sa pagtuturo
700 _aSamar, Josemen M.
_eResearcher
700 _aAdolfo, Maria Riza A.
_eAdviser
942 _2lcc
_cT
999 _c82190
_d82189