| 000 | 03264nam a22002417a 4500 | ||
|---|---|---|---|
| 003 | URS | ||
| 005 | 20250317185713.0 | ||
| 008 | 250313b |||||||| |||| 00| 0 eng d | ||
| 050 | 0 | 0 |
_aLG 221.R59 _b.L857 2019 |
| 100 | 1 |
_aLongcob Jr, Emiliano selga _eResearcher |
|
| 245 |
_aPanunuri sa mga tula na nagkamit ng unang gantimpalasa timpalak-palanca/ _cEmiliano selga Longcob Jr [and] Aeron sison Lopez |
||
| 260 | 1 | _c2019 | |
| 300 |
_ax, 54 Leaves _bIllustration _c28cm |
||
| 336 |
_2rdacontent _atext |
||
| 337 |
_2rdamedia _aunmediated |
||
| 338 |
_2rdacarrier _avolume |
||
| 502 |
_aUndergraduate Thesis _bBachelor of Secondary Education Major in Filipino _cUniversity of Rizal System, Rodriguez, Rizal _d2019 |
||
| 520 | _aNilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang piling tulang nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak-Palanca sa taong 2015 at 2016. Ang mga mananaliksik ay sumuri ng tulang may pamagat na "Simula" ni Christa I. De La Cruz at "Paraluman" ni Mark Anthony S. Angeles mula sa koleksyon ng kanilang mga tulang naisulat na nagwagi sa Timpalak-Palanca na isang prestihiyosong patimpalak para sa paggawa ng mga akdang pampanitikan. Ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang kwalitatibong pananaliksik upang maunawaan ang bawat pahayag at mensaheng nakalahad sa mga akdang sangkot. Isa rin sa ginamit na pamamaraan ay ang panunuring pampanitikan na tungkol naman sa pagbibigay interpretasyon ng isang mambabasa sa akda at pagpapatibay dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga elemento ng akda. Matapos masuri ang dalawang akda ay nabatid na pawang may natatanging istilo ang mga makata sa pagsulat ng tula. Naging mahusay at natatangi ang paraan ng pagsasalaysay ng mga manunulat sa kanilang mga likha at ito'y nag-iiwan ng kakintalan. Bagamat malaya ang paraan ng pagsulat sa dalawang akda ay napanatili pa rin nito ang makukulay na mga pahayag at talinghaga na naihahatid ng isang tula sa tulong na rin ng mga tayutay at mga simbolo. Angkop ang paksa ng dalawang tula dahil pawa itong napapanahon at nag-iiwan ng makabuluhang tanong sa mga mambabasa. Ang aral na maaaring makuha sa mga akda ay makatutulong sa buhay ng sinumang babasa dahil maaari nitong mabago ang pananaw ng isang tao sa kanyang buhay. Matapos ang resulta ng pag-aaral, nabuo ang sumusunod na mga kongklusyon. Ang patulang pasalaysay at malayang taludturan ang ginamit ng mga makata sa kanilang akda. Ang paggamit ng mga simbolo, tayutay at aral na makikita sa mga akda ang nagbigay kulay dito. Ang mga teoryang pampanitikan na nangibabaw sa akda ay ang Teoryang Naturalismo, Realismo, Romantisismo at Historikal. Lahat ng mga ito ay nakatulong sa pagpapalutang ng pangunahing diwa ng akda Sa huli ay iminumungkahi ang lubos pang pagpapayabong at pagpapaunlad ng Panitikang Pilipino upang makatulong sa pagpapalawak ng karunungan ng mga tao at susunod pang mga henerasyon. Makatutulong ang pagsusuri sa mga akdang pampanitikan upang ito ay mapahalagahan at mapagyaman, ang mga guro, mananaliksik, manunuri, at mga mag-aaral ang siyang susi sa pagpapalawak ng ating panitikan tulad na lamang ng tula. | ||
| 650 | _2Panunuri-tula-nagkamit-gantimpala | ||
| 700 |
_aLopez, Aeron sison _eResearcher |
||
| 700 |
_aAdolfo, Maria riza A. _eAdviser |
||
| 942 |
_2lcc _cT |
||
| 999 |
_c82352 _d82351 |
||