| 000 | 03079nam a22002537a 4500 | ||
|---|---|---|---|
| 003 | URS | ||
| 005 | 20250917113448.0 | ||
| 008 | 250917b |||||||| |||| 00| 0 eng d | ||
| 050 | 0 | 0 |
_aLG 221.R59 _b.D132 2025 |
| 100 |
_aDagami, Marnie B. _eResearcher |
||
| 245 | 1 | 0 |
_aEpekto ng teleseryeng Maria Clara at Ibarra sa pag-unawa ng Noli Me Tangere sa mga mag-aaral ng ika sampung baitang sa San Jose National High School/ _c Marnie B. Dagami, Angelica C. Pacao, [and] Vionilyn M. Villanueva |
| 260 | 1 | _c2025 | |
| 300 |
_axi, 90 leaves; _billustrations, _c28 cm. |
||
| 336 |
_2rdacontent _atext |
||
| 337 |
_2rdamedia _aunmediated |
||
| 338 |
_2rdacarrier _avolume |
||
| 502 |
_aUndergraduate Thesis _bBachelor of Secondary Education Major in Filipino _cUniversity of Rizal System, Rodriguez, Rizal _d2025 |
||
| 520 | _aAng pananaliksik na ito, na pinamagatang "Epekto ng Teleseryeng Maria Clara at Ibarra sa Pag-unawa ng Noli Me Tangere," ay isinagawa gamit ang pinagsamang metodolohiyang quantitative at qualitative upang suriin ang epekto ng nasabing palabas sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa nobelarng Noli Me Tangere. Bago ang pangangalap ng datos, humingi ng pahintulot sa dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon. Isang daang mag-aaral ang lumahok sa isinagawang survey, at labinlima ang piniling kapanayamin. Karamihan sa kanila ay may malaas na marka sa Filipino (90-100) at may interes sa panonood ng teleserye at pagbabasa Ipinakita sa resulta ng pag-aaral na may positibong epekto ang Maria Clara at Ibarra sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa nobela. Sa mga aspekto ng tauhan, Tagpuan, banghay, mensahe, at dayalogo, napatunayang nakatulong ito upang linawin ang mga pangyayari at damdamin ng mga tauhan, gayundin sa pag-unawa sa wikang ginamit. Bukod dito binigyang-diin ng palabas ang mga panlipunang isyu tulad ng diskriminasyon sa kababaihan, pang-aabuso ng mga prayle, at limitadong edukasyon ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo. Ipinakita rin ng mga tagatugon na ang mga karakter tulad nina Ibarra at Elias ay nagbigay-inspirasyon, habang ang emosyonal na presentasyon ng teleserye ay nakatulong sa mas malalim na pag-unawa sa akda Batay sa mga datos, lumitaw na ang Maria Clara at Ibarra ay epektibong kasangkapan sa pagtuturo ng panitikan. Iminungkahi sa pag-aaral na gamitin ito bilang pantulong na kagamitan sa pagtuturo ng Noli Me Tangere, lalo na upang gawing mas makabuluhan at kaugnay sa kasalukuyan ang mga temang panlipunan ng nobela. Mainam ding gamitin ito sa mga kursong Filipino bilang bahagi ng estratehikong pagtuturo ng panitikan gamit ang makabagong midya. Sa huli, ipinakita ng pananaliksik na ang midya, partikular ang Maria Clara at Ibarra, ay may mahalagang papel sa pagpapalalim ng pag-unawa sa mga klasikong akdang pampanitikan at sa paghubog ng kamalayang panlipunan ng mga mag-aaral. | ||
| 650 | _2PAG-UNAWA NG NOLI ME TANGERE GAMIT ANG TELESERYENG MARIA CLARA AT IBARRA | ||
| 700 |
_aPacao, Angelica C. _eResearcher |
||
| 700 |
_aVillanueva, Vionilyn M. _eResearcher |
||
| 700 |
_aSamulde, Willie E. _eAdviser |
||
| 942 |
_2lcc _cT |
||
| 999 |
_c86907 _d86905 |
||